MAY balitang mag-isa si Judy Ann Santos na pumirma ng extension ng kontrata niya sa ABS-CBN 2.
Hindi naman papayag ang kanyang manager na si ‘Nay Alfie Lorenzo na maiiwan lang siya sa ere.
Kesehodang bumuga ng apoy ang natutulog niyang Dragon Force na grupo pag nagkakalokohan na.
Kumakalat ngayon ang balita na gagawa ng serye si Juday kasama si Sam Milby. Ayaw ni ‘Nay Alfie na manggagaling sa Star Magic ang leading man ni Juday. Sey niya, “Ayaw ko, over my dead body!”
Anyway, kailangan na raw talagang gumawa ng serye si Judy Ann.
“Unang-una kasama siya sa kontrata. Isa pa, hindi naman ako… magsisinungaling pa ba ako sa inyo pag sinabi kong, ‘Ay gustung-gusto ko!’ … hindi, gusto ko naman.
“Hindi ko lang hinahanap yung puyatan, hindi ko lang hinahanap yung schedule na araw-araw na halos hindi ka na makauwi at hindi mo makikita yung mga anak mo.
“Pero ‘yung ABS naman guaranteed me na it’s not gonna be as hectic as before nung dalaga pa ako.
“Kasi sinabi ko rin sa kanila, sa tunay na salita wala namang pag-aarte na namumuo sa akin, hindi ko na talaga kaya ang puyatan.
“May cut-off, opo, 12 midnight, at hindi na cut-off yun oras na talaga iyon ng pahinga,” kuwento ni Juday sa presscon ng iniendorso niyang gatas.
Paano siya nakumbinsi na gumawa na ulit ng teleserye?
“Kasi gumigising naman ako ng alas singko para ayusin si Yohan sa school.”
Hindi raw siya ang namili ng cast at makakasama niya sa serye.
“Sila yun pero siyempre may mga tanong pa rin, kung okay si ganito, kung okay si ganyan, and wala namang nahindian.”
Bukod sa cut-off ano pa ang hiniling niya sa ABS?
“Actually wala naman yung cut-off lang talaga at tsaka yung ayoko lang nung for airing lagi na taping.
Kasi parang buong buhay ko na-experience yan, memorize ko na yan kahit tulog ako.
“Yung may taping… kasi kapagka may airing na mamayang gabi hindi na mapupulido rin yung trabaho mo kasi iniisip mo na kailangang take one lang ito.
“Kakaiisip mo nang kakaisip, hindi mo na naitatawid ng maayos yung trabaho. So iyon lang ang nire-request ko na sana hangga’t maaari in can, naka-canned siya para hindi ngarag, ‘di ba?
“Kaya pag-uusapan kung hanggang anong months puwedeng mag-can nung mga episodes kasi sabi ko baka puwedeng ano, ‘Ayusin na muna natin yung istorya, pag okay na sa management tsaka natin i-shoot para hindi rin tayo re-shoot nang re-shoot.’
“Kasi iyan yung nangyari sa amin sa Habang May Buhay.
“Sabi ko i-can natin pero huwag namang dalawang taon,” at natawang muli si Judy Ann.
Napag-usapan rin ang tungkol sa bagong pelikulang gagawin ni Judy Ann, na sa simula ng usapan ay hindi muna binabanggit ni Judy Ann kung ano. Pero nakumpirma namin na siya ang makakasama nina Senator Bong Revilla at Vic Sotto para sa filmfest sa December.
Siya raw ang kapalit ni Ai Ai delas Alas.
“Wala namang problema. Susmaryosep, hello ako pa ba naman? Nakakaloka naman ako kung sasabihin kong pag-iisipan ko muna,” ang tumatawa pa ring sinabi ng aktres.
“Hindi, ang sa akin lang gusto ko lang makausap muna yung company para malaman ko kung ano yung timeline ng shooting para hindi mag-overlap siya sa taping kasi siyempre nakasalalay siya sa pamilya, hindi ba, sa mga a- nak, sa akin mismo, hindi ko na kaya yung araw-araw at oras-oras [na nagtatrabaho].
“Actually natanong ko na si Ai Ai about it. Siyempre hindi ko naman puwedeng i-divulge kung ano yung napag-usapan namin pero nabanggit nga niya sa akin na, ‘Kinu-consider ka, bakla!’
“Tapos iyon, sabi ko, ‘Ay bongga!’”
Yung mga dati niyang kalaban sa MMFF, ka-join na niya ngayon.
“Tingnan natin, sana maging maganda [yung project].”
Baka maging magkalaban rin sila ng asawa niyang si Ryan sa filmfest?
“Wala naman kaming isyu ni Rye pagdating sa mga bagay na yan… basta may pera. Ay! Ha! ha! ha!
“Hindi naman… I mean when it comes naman to acting and career, wala naman kaming isyu sa ganyan.
“Lahat naman ito e trabaho, di ba? Kung anu’t-anuman pareho naman kaming magbe-benefit sa resulta kung saka-sakali at wala naman nga kaming isyu pagdating sa trabaho as long as yung time for the family hindi nakalilimutan.”
Sa teleserye ba niya, namimili na siya ng role?
“Hindi, hindi. Lahat iyon under ABS, alam naman ng ABS kung ano yung mga carry kong gawin sa estado ngayon ng buhay ko. Sabi ko rin sa kanila, parang hindi na kakagatin ang loveteam sa teleserye lalo na at kung ako ang gaganap.”
‘Yun na!
http://www.remate.ph/2012/05/143036/
No comments:
Post a Comment