@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, May 8, 2012

Ryan Agoncillo's “bet” wins third Talentadong Pinoy Battle of the Champions


Ilang taon na rin ang pagiging host ni Ryan Agoncillo ng Talentadong Pinoy ng TV5, at  marami ang humanga sa pag-handle niya ng show.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryan pagkatapos maiproklama si Astroboy bilang winner sa Talentadong Pinoy Battle of the Champions noong Linggo ng gabi, May 6, sa Quezon Memorial Circle.
Noong Sabado ng gabi, May 5, ay ginanap ang Performance Night ng mga naging Hall of Famers na sina Ayegee, Melbelline, Dancing is Fun, Craig and Samantha, Sustantivo, Monica, Rhyzza, at ang ikatlong Talentadong Pinoy champion na si Astroboy.
Ayon kay Ryan, “Ang dami na naming pinagdaanan na walang pumapansin.
“Nag-number one, medyo umalog sa rating, umakyat ulit, di ba?
“So, kumbaga, buong-buo na kami sa experiences namin and to come out number one from last night, nakakatuwa.
“Hopefully, ngayong gabi rin—it’s a nice feeling.”
Kapag sinabing Talentadong Pinoy, Ryan Agoncillo kaagad ang maiisip ng mga tao.
“Oo, akin ‘to,” sagot ni Ryan na may halong biro.
“Mahal na mahal ko ang programang ito kaya nakakatuwa.
“Hindi lang dahil napakaganda ng show kundi napakaganda ng pakiramdam habang ginagawa namin ang show.
“Tuwang-tuwa kaming lahat.”
CLOSE FIGHT. Inamin ni Ryan na nanalo raw ang bet niyang si  Astroboy.
“Actually, nanalo ang bet ko. Nanalo ‘ko sa pustahan!” natutuwa niyang sabi.
“Actually, marami kaming pumusta sa kanya.
“Maganda ang laban kasi sa online survey naman, yung lumabas, yung Dancing is Fun.
“So, talagang very close battle for everyone so we’re very happy for them.”
Bilang host, si Ryan ang unang nakakita ng pangalan ng winner. Pagkatapos ay ipinakita niya sa misis niyang si  Judy Ann Santos at sa Superstar na si Nora Aunor na nag-abot ng mga premyo.
“Noong nakita ko, hindi na rin naman ako nagulat, pero natuwa ako,” pag-amin niya.
CHILDREN’S EDITION. At sa mga nagsasabi na baka huling Talentadong Pinoy na raw ang katatapos na championship, masayang ibinalita ni Ryan na may sorpresa pa sila.
Bago ang regular na season ng Talentadong Pinoy, magkakaroon muna sila ng Talentadong Pinoy special edition na magsisimula na rin sa isang Linggo.
“Hindi ko sigurado ang exact number of weeks, pero special edition siya.


source here

No comments:

Post a Comment