@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, May 23, 2011

Judy Ann Santos-Agoncillo at Boy Abunda nagsanib-puwersa!


MANILA, Philippines - Si Boy Abunda ang bagong kapanatag ng Lactum. Alam nating lahat kung gaano ang devotion at pagmamahal niya sa kanyang ina. “Kaya malapit sa puso ko ang mga kagaya kong nagpapahalaga rin sa mga sacrifices at devotion of moms,” sabi ni Boy. “Kaya noon pa man, malapit na sa puso ko ang Lactum. Dahil over the years ay naging katuwang ng mga mommies ang Lactum 3+ and 6+ to help them give their 100% best to their children.”
Nakikiisa ang TV host-talent manager sa Lactum na sa pagpili sa gatas sa inyong anak ang pangu­nahing batayan ay kung tumutulong itong magbigay ng tama at kumpletong nutrisyon.
“And no less than 100 per cent nourishment na batay sa Food Pyramid ang isinusulong ng Lactum noon pa man,” sabi ni Boy.
Sa pinakabagong commercial ng Lactum 3+ at 6+, nagsanib-pu­wersa sina Boy at Judy Ann Santos-Agoncillo – dalawa sa mga pinakamalalaki at pinagka­ka­tiwalaang pangalan sa industriya upang linawin ang tunay na batayan sa pagpili ng gatas. Sinuri nila ang umuugong na usap-usapan – ano nga ba ang tunay na nagpapasulit sa gatas?
“Mahalagang ma-explain ang usaping ito. Lalo na sa panahon ngayon, hindi basta pagtitipid ang kailangang gawin ng mga moms,” sabi ni Boy. “May mga bagay na hindi basta-basta tinitipid o hindi dapat tipirin kailanman – gaya ng nutrisyon ng inyong mga anak. That’s why when it comes to milk, sulit dapat ang parating hahanapin ng mga mommy.”
“Pero sabi ng iba, para makasulit, sugar daw ang dapat tutukan? May iba kasi na nagsasabing, sugar daw ang nagpapasulit sa gatas. Less sugar sabi nila ang kailangang maging batayan sa pagpili ng gatas — mas konti ang sugar, mas sulit at mas mabuti para sa ating mga anak,” sabi naman ni Juday.
“Kung susuriin ang sugar levels ng Lactum, pasok na pasok ang added sugar ng Lactum 3+, 6+ sa local and international standards!” singit ni Boy at iginiit na may savings na hanggang P92 pa.
Kaya naman para sa dalawa, Lactum ang mas affordable na milk.

No comments:

Post a Comment