AS AN ACTRESS, wala nang dapat patunayan si Judy Ann Santos kaya nga nag-iisa lang siyang Young Superstar ng local showbiz. She’s also a wife and mom with the solid background in culinary. After giving birth, unti-unti nang bumabalik sa dati ang sexy figure ng magaling na actress. “I’m happy kasi, medyo komportable na akong magbihis ngayon. Masaya, may nangyayari sa effort ko,” sey nga ni Juday.
Siyempre, may paboritong niluluto si Juday para sa husband niyang si Ryan Agoncillo. “Fried rice, kasi mahilig si Ryan sa rice with toppings. Ang panglasa ni Ryan sa pagkain parang bata, mahilig siya sa prito… ‘yang porkchop, ‘Yung quick meals so, ang ginagawa ko kapag nagluluto ako ng fried rice with his friends, tinatadtaran ko ng maraming gulay sinisingitan ko ng pineapple.
“So, ang lumalabas para ‘yang chao fried rice. Kumakain naman siya ng laing. Kumakain naman siya ng mga salad. Hindi niya napapansin, nauubos niya. Para nga may panganay akong anak kaysa kay Yohan. Hahaha! Actually, masarap kumain ‘yang mag-ama kapag magkasabay, kasi nag-uunahan silang maubos kung ano ‘yung naka-serve na pagkain. At saka, mas natsa-challenge ako, araw-araw kang nagluluto. Dumadating ka sa point na ano pa ba ang lulutuin ko? Kailangan iba sa panlasa. So, kailangang mag-isip ako ng naiiba na kailangan nilang makain.”
Anong feeling ni Juday na may bago na naman siyang endorsement ? “Siyempre, nakakataas ng confidence ‘yun. Maliban sa sobra mong na-appreciate, they got your services and they really give you one hundred percent trust in you. Parang may kaba nang kaunti, kaya ko bang itawid ito? At the same time, gusto ko itong produkto, ginagamit ko naman.”
Sa pagiging endorser ni Juday, nagiging maingat kaya siya sa kanyang image specially kapag nasa public place? “Ang pagiging endorser at pagiging maingat… bago pa lang akong naging endorser ng mga produkto, maingat na naman ako even before. Hangga’t maaari kung pupuwede, iisipin ko nang ilang beses ‘yung sa-sabihin ko o gagawin ko.
“Mayroon akong moment, teka muna, dapat ko bang patulan ang issue na ito? Kasi, after awhile, sa akin din magre-reflect kung anuman ang sabihin ko. Ako ang pagbabaksakan ng sisi, hindi ba? Hindi naman ibang tao, not unless ginawa ko siya at kaya kong panindigan, ‘di okay.
“Yung image kasi, hindi lang sa pagdadala ng produktong iniendorso mo. Bago pa man ikaw mag-endorse ng isang product dapat ikaw mismo sa sarili mo ‘yung wala kang dalawang mukha. Hindi ‘yung ibang mukha ang ipinakikita mo sa mga tao dahil ito ‘yung gusto nila. Tapos, pagtalikod mo sa kamera, ibang tao ka na naman. Kung ano ka sa harap ng ka-mera at kung ano ka sa likod ng kamera dapat pareho lang kasi, pagpapatunay lang kung gaano kang kabuting tao.”
source: http://www.pinoyparazzi.com/judy-ann-santos-carefully-chooses-her-endorsements/
No comments:
Post a Comment