@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, May 2, 2011

Juday at Ryan, sa bahay lang nagdaos ng wedding anniv!

Nu’ng Huwebes pa ang wedding anniversary ng mga anak kong sina Juday at Ryan, pero tulad ng gusto nilang magkaroon ng privacy, sila-sila lang mag-anak ang nagdiwang at hindi sila nagpunta sa ibang lugar, at sa bahay lang sila.


Kasi ngayon ay may presscon ang Del Monte Pineapple Juice para kay Juday na latest model ngayon ng paborito kong pineapple tidbits.


Mula sa Lactum to Pineapple Juice, may kasunod pang isu-shoot si Juday na candy at drinking water, baby powder, baby oil, baby diapers and a*nother cooking show, bago siya mag-shooting sa MMFF entry na sa Las Vegas nga kukunan.


Kapag parehong pumasa ang dalawang filmfest entries, magiging dalawa ang entries ni Juday at ang makakalaban niya sa box-office at awards ay ang sarili lang niya!


Kahit nga nagbi-breastfeeding si Juday ngayon ay tuloy naman ang pagpapapayat niya para sa comeback mo*vie niya. Madali namang mag-lose weight si Juday dahil nasubok na niya noon nang lumaki siyang malapad, pero nagkaroon siya ng inspiras*yon at support sa sweetheart niya na eventually ay pinakasalan niyang si Ryan.


Mga fans na rin naman ni Juday ang nakapuna na until now ay tila nagliligawan pa raw ang mag-asawa dahil kitang-kita sa aura nila ang kaligayahan nila na emana*ting from their aura.


Kung si Juday ay sunud-sunod ang mga TVC niya, ganoon din naman si Ryan na ‘di nagpatalbog sa paramihan ng commercials at busy pa ang R*yan sa dalawang TV shows niya sa magkabilang networks.


This way ay parehong nakapaghahanda ang mag-asawa sa paglaki ng mga anak nila at eventual pagreretiro pagdating ng araw. Basta sa ngayon ay ipon lang nang ipon ang mag-asawa at sinisiguro ang magandang kinabukasan ng mga magiging anak nila, dahil ayaw ni Juday na danasin din ng mga anak nila ni Ryan ang kahirapang dinanas ni Juday nu’ng kabataan niya na nawalan siya ng childhood gawa ng bata pa siya ay nagtatrabaho na.


Ang bati ko nga sa dalawa: “Happy anniversary mga anak! ‘Wag lang anak nang anak, ha!


At ang sagot naman ni Juday ay malutong na: “Ha! Ha! Ha! Ha! Thank you po Tito A. We love you, forever!”


Oh, ‘di ka ba ma*tutuwa na rin ‘pag ganyan ha, Elvie ng Hong Kong and her Hong Kong fighters?


Inuulit ko, happy wedding anniversary Juday and Ryan

No comments:

Post a Comment