@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, May 2, 2011

Judy Ann and Ryan, friends first before lovers

Cohen Diet ang susi sa madaling pagpayat ni Judy Ann Santos. In a matter of 3 weeks ay nabawasan na agad siya ng 12 lbs. Kaya naman gulat na gulat ang lahat nang dumalo siya sa press launch ng bago niyang endorsement na Del Monte Pineapple dahil the last time na makita namin siya sa presscon ng Lactum ay mataba pa siya.

“It’s a diet na based on your blood type, and it’s really working. Alam mo, ’yung cost niya, it’s not that bad because ’yung babayaran mo naman, it’s for the whole six months already,” sabi ni Juday.

Noong buntis daw siya ay nag-120 lbs. siya at nang makapanganak naman siya ay lumobo siya to 261 lbs. Pero siyempre, hindi naman daw puwedeng puro diet lang. Sinasamahan din naman daw niya ng exercise.

“’Pag minsan, tumatakbo ako sa village. At saka sa init ngayon, nakaupo ka lang, papawisan ka na, so go.”

Six months nang nakakapanganak si Juday kay Lucho at aminado naman siyang talagang hinayaan muna niyang tumaba siya.

“Ninamnam ko muna kasi, parang feeling ko, buong buhay ko naman, nagpapayat ako, ’di ba? Nanganak naman ako, ibibigay ko muna ’to sa sarili ko. At saka ang sarap kumain, eh. Puwede ko bang ikaila sa sarili ko ’yun?

“So, nu’ng na-enjoy kong kumain, pinadaan ko muna ang Christmas, ang New Year. Nang dumaan ang New Year, sabi ko, padaanin ko muna ang Valentine’s Day. Nun’g dumaan ang Valentine’s Day, sabi ko, hindi ko na paabutin ng Holy Week, bago nag-Holy Week, nag-start na akong mag-diet,” kuwento pa niya.

Last April 28 ay nag-celebrate ng 2nd wedding anniversary sina Juday and Ryan Agoncillo at natatawa niyang kuwento, nag-video game lang daw sila sa bahay nang araw na ’yun.

“Nag-dinner lang kami nang kaming dalawa. A night before our anniversary, some friends came over para salabungin, so parang birthday lang ’yung nangyari,” natatawa niyang kuwento.

Ang anniversary gift daw niya kay Ryan ay t-shirt na may picture niya noong Ula days niya.

“Usapan kasi namin, wala nang regaluhan. Tapos, naalala ko na ang tagal-tagal na niyang naghahanap ng t-shirt ng Ula, eh, wala na nu’n. So, ang ginawa ko, tinawagan ko ’yung first manager ko, si Tito Jess Osida, hiningi ko sa kanya ’yung picture ko ng Ula na buti naman, meron pa. Tapos, nagpa-print ako ng mga tatlong shirts, ha-ha-ha,” kuwento pa ni Juday.

Ano ang reaksyon ni Ryan?

“Tuwang-tuwa siya, kasi hindi niya alam na makakapag-produce pa ako ng Ula.”

Dahil hindi sila nakapag-celebrate ng anniversary ay magkakaroon ng thanksgiving mass ngayong araw na ito sina Ryan at Juday kasama ang ilang mga kaibigan.

“Magma-mass, tapos konting friends will come over to celebrate the anniversary with us. Hindi namin nagawa noong Thursday kasi, lahat may trabaho. Hindi rin namin alam kung lahat makakapunta kasi ang layo rin ng bahay namin, traffic pa. So, sabi namin, ‘sige, let’s do it on a weekend.’”

May nagkomento nga na after two years, parang nagha-honeymoon pa rin sila ni Ryan at natawa si Juday.

“Ano lang, siguro, masyado lang kaming kampante ngayon kung ano ang sitwasyon na nasaan kami ngayon, and at the same time, feeling ko ha, sa isang relasyon, malaking bagay ’yung napagtatawanan n’yo ang isa’t isa, napagtatawanan nyo ’yung mga bagay-bagay.

“And malaking bagay din ’yung magkaibigan din kayo. Hindi lang kayo basta mag-asawa, mag-best friend din kayo. Puwede kayong mag-confide ng problema n’yo hindi lang sa trabaho, ’yung puwede kayong mag-usap nang hindi mo idya-judge kung ano ’yung nangyari sa kanya nung araw na ’yun.

“Kumbaga, kung kailangan kang maging kaibigan muna, maging kaibigan ka muna. I think ’yon ’yung talagang nagwo-work sa amin ni Ryan din. Kasi, parang sobra naming nae-enjoy ’yung pagiging mag-asawa naming dalawa, parang magbarkada lang ‘yung tinginan namin. ’Yung masyadong relax, walang masyadong rules and regulations na nakakasakal,” say ni Juday.

Bagama’t hindi pa napapanood sa TV or movies ngayon si Juday, sobrang blessed naman siya na patuloy ang dating ng endorsement kaya kahit wala siyang project ay araw-araw pa rin siyang nakikita sa kanyang mga tv commercials.

Sa ngayon ay madalas nating napapanood ang Del Monte Pineapple TVC niya kung saan ay ini-introduce niya ang adobo recipe na may halong Del Monte Pineapple.

No comments:

Post a Comment