@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Showing posts with label JUDAI JUDY ANN SANTOS. Show all posts
Showing posts with label JUDAI JUDY ANN SANTOS. Show all posts

Monday, August 1, 2011

Wednesday, June 8, 2011

Judy Ann Santos hopes her movie project with Coco Martin will push through


6/09/2011 8:36 AM

by: Napoleon Quintos

Push This
060911-juday_main.jpgFans of Judy Ann Santos continue to wait for her to become active again on television and in movies. The actress is preparing for her newest TV project, ABS-CBN’s reality show Junior Master Chef where she will serve, for the first time in her career, as host. However, in terms of other projects, Judy Ann said her comeback is still dependent upon discussion with different producers and the material to be offered to her.

As early as now there are talks that the Young Superstar is set to star in a movie opposite Coco Martin. Judy Ann clarified that the said project is still under discussion. Nevertheless, the actress expressed her admiration for Coco as an actor. “Hindi ko man siya kilala personally, wala man kaming direct connection, alam kong pinaghirapan niya kung ano man ‘yung narating niya ngayon. Nakikita ko ‘yung pagka-intense niya bilang aktor kaya gusto ko rin maranasang makatrabaho siya.”

Judy Ann was further flattered when told that Coco looks up to her as an actress. In return, she praised the actor for having achieved so much at a young age, one of which is being recently named as Aktor ng Dekada by the Gawad Urian. Judy Ann said, “Para sa akin naman kung talagang mahusay ang isang tao wala namang imposible. Nakikita ko kay Coco kung paano niya pinagbubuti ‘yung trabaho niya, magaganda ‘yung mga projects niya.”

She promised that once the movie with Coco is finalized, she will quickly fill everyone in on the details. For now, all that is in her mind is her first venture into hosting with JMC, produced but the same team that brought us Pinoy Big Brother and The Biggest Loser: Pinoy Edition. How does the Filipino version of JMC differ from the other ones shown abroad? Judy Ann explained, “Siyempre may mga ginagawa sa abroad na hindi mo pwedeng gawin dito sa Pilipinas kasi we have a different culture. Itong version natin for sure makaka-relate ang maraming Pilipino habang nanonood sa mga bata.”

JMC Pinoy Edition is already in the process of trimming down 60 young hopefuls to the official contestants who will make it to the competition proper. The 60 kids from all over the Philippines were recently gathered together in general assembly held at ABS-CBN’s Dolphy Theater last May 23. Judy Ann talked about how she is very much excited about meeting these kids and bonding with them over culinary activities. “Gusto kong makita ‘yung reaction nila kapag nakita na nila ‘yung kitchen. Masarap kasi sa pakiramdam ng isang bata na mahilig magluto tapos makakakita ng isang professional kitchen. Magandang experience ‘yun para sa mga bata. Feeling ko magiging super close ako sa mga bata kasi almost everyday kaming magkakasama sa taping.”

Monday, May 23, 2011

Judy Ann Santos-Agoncillo at Boy Abunda nagsanib-puwersa!


MANILA, Philippines - Si Boy Abunda ang bagong kapanatag ng Lactum. Alam nating lahat kung gaano ang devotion at pagmamahal niya sa kanyang ina. “Kaya malapit sa puso ko ang mga kagaya kong nagpapahalaga rin sa mga sacrifices at devotion of moms,” sabi ni Boy. “Kaya noon pa man, malapit na sa puso ko ang Lactum. Dahil over the years ay naging katuwang ng mga mommies ang Lactum 3+ and 6+ to help them give their 100% best to their children.”
Nakikiisa ang TV host-talent manager sa Lactum na sa pagpili sa gatas sa inyong anak ang pangu­nahing batayan ay kung tumutulong itong magbigay ng tama at kumpletong nutrisyon.
“And no less than 100 per cent nourishment na batay sa Food Pyramid ang isinusulong ng Lactum noon pa man,” sabi ni Boy.
Sa pinakabagong commercial ng Lactum 3+ at 6+, nagsanib-pu­wersa sina Boy at Judy Ann Santos-Agoncillo – dalawa sa mga pinakamalalaki at pinagka­ka­tiwalaang pangalan sa industriya upang linawin ang tunay na batayan sa pagpili ng gatas. Sinuri nila ang umuugong na usap-usapan – ano nga ba ang tunay na nagpapasulit sa gatas?
“Mahalagang ma-explain ang usaping ito. Lalo na sa panahon ngayon, hindi basta pagtitipid ang kailangang gawin ng mga moms,” sabi ni Boy. “May mga bagay na hindi basta-basta tinitipid o hindi dapat tipirin kailanman – gaya ng nutrisyon ng inyong mga anak. That’s why when it comes to milk, sulit dapat ang parating hahanapin ng mga mommy.”
“Pero sabi ng iba, para makasulit, sugar daw ang dapat tutukan? May iba kasi na nagsasabing, sugar daw ang nagpapasulit sa gatas. Less sugar sabi nila ang kailangang maging batayan sa pagpili ng gatas — mas konti ang sugar, mas sulit at mas mabuti para sa ating mga anak,” sabi naman ni Juday.
“Kung susuriin ang sugar levels ng Lactum, pasok na pasok ang added sugar ng Lactum 3+, 6+ sa local and international standards!” singit ni Boy at iginiit na may savings na hanggang P92 pa.
Kaya naman para sa dalawa, Lactum ang mas affordable na milk.

Thursday, May 19, 2011

Judy Ann Santos wants daughter Yohan to enjoy her childhood This celeb mom encourages her children to play outdoor games.

By Belle Yambao
May 20, 2011
Actress Judy Ann Santos might be busy preparing for her stint as the host of upcoming TV series Junior MasterChef, but that doesn’t mean she’s not focusing her attention on her family. In fact, PEP.ph reports that Judy Ann is happy with her role as a mother to her children, Yohan and baby Lucho.
A normal day for the star includes cooking husband Ryan Agoncillo’s baon for the day and bonding with the kids before going off to work herself. “Tapos balik ako agad to make sure na hopefully gising pa sila na maabutan ko. Bilang nanay, ganun ka pala, 'no? Eager kang umuwi kasi gusto mong maabutan yung mga bata (Then I go home quickly to check if they’re still awake. So this is how it is when you’re a mom. You’re eager to go home to catch the kids while they’re awake),” she is quoted as saying on PEP.ph.
The doting mother reveals it’s hard to talk about whether or not she’d like her daughter, Yohan, to be in showbiz, explaining that young actors nowadays have to grow up really quickly. A child star herself, Judy Ann says that if she could go back in time, she would definitely want to experience a normal childhood.
“So, yun ang gusto naming ma-experience niya. Gusto ko masubukan niyang maglaro sa labas. Hindi siya masyadong nag-a-iPod, hindi siya masyadong nagko-computer always. Pinagpu-football namin siya ngayon kasi gusto niya yung football. Gusto namin siyang turuan ng patintero, tumbang preso, taguan, kasi dun kami ni Ryan lumaki (So that’s what we want her to experience. I want her to try playing outdoors. She won’t use her iPod and her computer all the time. We let her play football because she likes it. We want to teach per patintero, tumbang preso, and hide-and-seek because those are the games Ryan and I grew up with),” she explains on PEP.ph.

Juday, ‘di pinupuwersa ni Ryan na magpaseksi!


Mula sa 12 pounds ay umaabot na raw sa 15 pounds ang nababawas sa timbang ni Judy Ann Santos. Sabi nga ni Juday, dinadaan niya sa tamang diet ang pagpapayat, at hindi niya binibigla ang sarili niya.
Ayaw raw niyang isabak ang katawan niya sa gym dahil baka mas mahirapan siya. Piling-pili nga ang diet niya. Pork lang daw ang hindi niya kinakain.
“Binabase ko kasi sa blood type ko ang diet ko. ‘Yun ang sabi ng doctor ko. It’s very effective kasi compatible ang diet mo sa katawan mo kaya mabilis ang effect,” sey ni Juday.
Kitang-kita nga sa bagong katawan ni Juday na malaki na ang pinayat niya kumpara sa huling pagharap niya sa press na nasa katawan pa niya ang nakuha niyang baby weight.
“Paunti-unti. Ayokong biglain kasi baka hindi healthy tingnan. Hindi naman ako nagmamadaling magpapapayat, eh. It’s better na I take it slow para sure.
“Hindi rin naman ako minamadali ng mister ko. Sabi nga ni Ryan (Agoncillo) na I should take my time.
Ayaw rin niyang ma-stress ako sa pagpapapayat. Kasi nga hands-on ako sa mga bata. Gusto niya na habang nagpapapayat ako, happy ako at parang wala lang, walang stress,” ngiti pa ni Juday

Tuesday, May 17, 2011

Judy Ann Santos really enjoying real-life role as mother to Yohan and Lucho

Judy Ann Santos really enjoying real-life role as mother to Yohan and Lucho

 
"Parang sa akin, sa opinyon ko, ang mga batang artista ngayon from [ages] 8 to 10, hindi na dumadaan ng 10 to 12. Gruma-graduate na sila ng 10 to 12, tapos 16 na agad yung utak nila magbihis, makisama, makipag-usap. I don't want our daughter to go through to that," says Judy Ann Santos.
Judy Ann Santos really enjoying real-life role as mother to Yohan and Lucho
Melba Llanera

Sa pictorial ni Judy Ann Santos para sa bago niyang show sa ABS-CBN, ang Junior MasterChef, nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa iba't ibang bagay na may kaugnayan sa kanyang pagiging ina.

Paano ba ang pakiramdam ng isang ganap nang ina?

"Masaya, very fulfilling," sambit niya.

"Masaya ang pakiramdam na nagigising ka sa bawat araw.

"Ako, ang typical day ko, magigising ako ng umaga, papasok ako ng kuwarto ng anak ko, I'll check on them if they're already awake. Kaunting laro kay Lucho.

"Then magluluto na ako ng baon ni Ryan para sa shows niya o kung may taping siya that day.

"Kung halimbawang may trabaho sa araw na yun, bonding muna with the kids.

"Alis na muna sa trabaho, tapos balik ako agad to make sure na hopefully gising pa sila na maabutan ko.

"Bilang nanay, ganun ka pala, 'no? Eager kang umuwi kasi gusto mong maabutan yung mga bata.

"O, kung manonood ka ng sine, always last full show kasi dapat tulog muna yung mga bata.

"Pag manonood ka ng sine, parang hindi ako mapakali kasi parang naiisip ko sila."

MOTHER'S DAY. Tanong ng PEP, kumusta naman ang naging selebrasyon nila noong nakaraang Mother's Day, May 8?

Ayon kay Juday/Judai, "Nung Mother's Day, hindi kami lumabas ng bahay kasi bumabagyo.

"Nasa Alabang kami. Nag-lunch na lang kami nina Mommy [Carol Santos] sa bahay [namin] after watching Pacquiao."

Ang tinutukoy ni Juday ay ang May 8 na laban ni Manny Pacquiao sa U.S. kontra kay Shane Mosley, na pinagwagian ng Filipino boxer at Sarangani representative.

Patuloy na kuwento niya, "Nag-lunch kami kasama ang mommy ko, ate ko, sister-in-law ni Ryan, at mommy ni Rye.

"Kasi pag nasa restaurant kami, parang kulang na lang singilin ako ng restaurant sa nasisira ng mga bata.

"Sabi ko, dito na lang tayo sa bahay. Kung may masisira man kami, maglinis na lang."

Ayon pa sa aktres, "Ang kaibihan lang ngayon, naiintindihan ko na yung card ni Yohan.

"Kasi dati, hindi ko naiintindihan kasi nag-i-scribble lang siya.

"Pero ngayon may mga words na, mayroon ng magandang note kay Mommy.

"Nakakatuwa. Tapos pag tinitingnan ko yung mga anak ko, nanay na ako!"

Ano naman ang regalo sa kanya ni Ryan noong Mother's Day?

"We normally give gifts to each other kahit walang mga okasyon, so yung mga ganung bagay...

"Basta ang importante, pag may mga okasyon na ganyan, magkakasama lang kami, okay na yun."

YOHAN & LUCHO. Kinumusta rin ng PEP kay Judy Ann ang kanyang mga anak na sina Lucho at Yohan.

"Seven [months] na siya nung Friday," banggit ng aktres tungkol sa kanyang bunsong anak na lalaki at unang biological child.

"Siyempre anak ko, sasabihin ko napakaguwapo. Maputi, hating-hati...

"Pag tinitingnan ko nga yung pictures niya nung bagong panganak siya, sobrang ibang-iba ang hitsura niya ngayon.

"Kasi nung ipinanganak siya, sabi ko, 'Bakit mukhang tarsier ang anak ko?'

"Pero kasi, ang cute-cute niya, ang laki-laki ng mata!

"Tapos sabi ko nga kay Ryan, 'Love, nakyu-kyutan ba tayo sa anak natin dahil anak natin siya?' Pero cute talaga siya, e.

"Ngayon, ilong at lips, kuha sa akin, tapos pataas kay Ryan.

"Napaka-steady na bata, happy lang siya, tawa lang nang tawa.

"Iiyak lang pag gutom or inaantok. Ang bait, sobrang bait.

"Nagku-crawl na siya, malikot na siya."

Pagpapatuloy ni Juday, "Si Yohan naman, mahilig magsalitang mag-isa 'yan sa camera.

"Siguro kasi napapanood niya ang mga shows na nakikita niya yung host, kaya ginagaya niya.

"Natatakot ako, hindi ko alam kung saan siya patungo!" Sabay tawa ng artistang tanging tinatawag na superstar besides Nora Aunor.
Dagdag nito, "Nae-enjoy na niya masyado ang TV. She loves seeing herself on television, she loves to entertain."

Wala na bang selos sa parte ni Yohan, na inamin dati ni Ryan ay naging problema nila bago ipanganak si Lucho?

"Siyempre, mayroong selos," prangkang sagot ni Judy Ann.

"Hindi naman yata mawawala sa panganay yun, lalo na kapag may kapatid na lalabas, di ba?

"Mayroon, pero tina-try naman naming i-explain sa kanya na, 'It doesn't mean na kapag may bagong baby, hindi na ikaw yung baby.'

"Sinasabi namin na, 'Magiging baby ka namin hanggang thirty-five ka na!'"

IN THE LIMELIGHT. Laging sinasabi ni Ryan dati na si Juday ang tanungin kung papayagan niyang gumawa rin ng commercial si Lucho o mag-aartista si Yohan.

Dahil daw, si Juday bata pa lang ay sumabak na sa pag-aartista.

So, papayagan ba niyang gumawa ng commercial si Lucho, o pumasok sa showbiz si Yohan?

Sagot ng dating child star, "Ang hirap kasing magsalita kung ang panahon noon ay panahon ngayon na napakasarap mag-artista.

"Kapag bata ka kasi, walang expectations yung mga manonood, tapos hindi ka napi-pressure magdalaga.

"Parang sa akin, sa opinyon ko, ang mga batang artista ngayon from 8 to 10, hindi na dumadaan ng 10 to 12.

"Gruma-graduate na sila ng 10 to 12, tapos 16 na agad yung utak nila magbihis, makisama, makipag-usap.

"I don't want our daughter to go through that.

"Gusto ko ma-enjoy niya talaga ang childhood niya kasi hindi na niya mae-enjoy yung childhood niya.

"Ako lang, kung mababalikan ko lang yung pagbata, binalikan ko na. Kaya lang, hindi talaga.

"So, yun ang gusto naming ma-experience niya.

"Gusto ko masubukan niyang maglaro sa labas. Hindi siya masyadong nag-a-iPod, hindi siya masyadong nagko-computer always.

"Pinagpu-football namin siya ngayon kasi gusto niya yung football.

"Gusto namin siyang turuan ng patintero, tumbang preso, taguan, kasi dun kami ni Ryan lumaki.

"Ayaw namin siyang maging bum na nandun lang sa harap ng computer, pumapapak ng tsitsirya.

"Gusto namin active siya."

Dagdag ng 33-year-old actress, "Regarding Baby Lucho, basta okay ang produkto, basta ginagamit at hindi magkakaproblema sa bata, bakit hindi?

"Deserve naman ng mga tao na makita ang baby namin kasi nasa harapan nila ako for how many years.

"Tina-try ko lang i-explain na hindi lang agad-agad.

"Siguro pag nanay ka... May ibang nanay na gustong i-share agad ang anak nila.

"Ako, siguro, kilala rin naman ako ng mga tao na hindi ako agad-agad, gusto ko ako lang muna.

"Gusto ko makita ko muna siya na nade-develop.

"In time, siyempre ilalabas din namin siya.

"Hindi naman puwedeng hindi kasi masyado naman kaming sasabihang selfish ng mga tao."

Open book ang pagiging adopted ni Yohan. Bagay na, ayon sa aktres, ay hindi naman niya itinago kay Yohan kahit kailan.

"What's nice about Yohan," sabi ni Judy Ann, "she knows naman from the start.

"Every time she asks question, we answer her in the most proper way.

"Ine-explain namin sa kanya nang maayos na, 'You didn't come from Mama's tummy.

"But you know what, God is really good because when we prayed, He gave you to us.

"So you come from Mommy and Daddy's heart.

"So when people ask you kung saan ka galing, you come from Mommy's heart.' Ginaganun namin siya.

"Nagtatanong pa rin siya, 'Who's my Mommy? Do you know my Mommy?' May mga ganun siya.

"Siyempre sa akin, 'Hay, paano ko ba ito sasagutin? Paano mo ba ie-explain sa batang six years old kung saan siya nanggaling?'

"Mas mabuting sa amin na manggaling kung saan ang pinagmulan niya kaysa sa ibang tao ang magsabi sa kanya, na baka yung way na pagsabi sa kanya ay hindi maganda.

"Baka magrebelde yung bata o iba yung intindi niya, hindi namin siya ma-shelter sa ano pang puwedeng mangyari.

"So as much as possible, we are very honest to Yohan sa bahay, hindi yung mga lies-lies na ganyan.

"Yun ang upbringing namin sa kanya," saad ni Juday.

SOURCE:  http://www.pep.ph/news/29469/Judy-Ann-Santos-really-enjoying-real-life-role-as-mother-to-Yohan-and-Lucho