@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, May 24, 2011

Judy Ann Santos expands her hosting skills in preparation for Junior MasterChef Pinoy Edition

Judy Ann Santos expands her hosting skills in preparation for <em>Junior MasterChef Pinoy Edition</em>

Judy Ann Santos says she doesn't want to put unnecessary pressure on the kids who will join Junior MasterChef Pinoy Edition. "Hindi naman yata talaga kami puwedeng magsalita ng mga harsh comments sa mga bata. Ayaw naman naming magsabi ng mga salitang didibdibin nila at maging cause ng angst nila sa buhay," she says with a laugh.

Ruth Andes

Bumisita si Judy Ann Santos sa pictorial ng tatlong judges ng Junior MasterChef Pinoy Edition noong May 19.  Sinamahan siya ng kanyang ever supportive husband na si Ryan Agoncillo.

Ayon kay Juday, naniniwala siya na marami rin siyang matututunan mula sa tatlong judges na magiging part ng bagong reality cooking show ng ABS-CBN. Aniya, may mga techniques ang mga chefs na maaari rin niyang magamit upang ma-improve ang kanyang culinary skills. Ang mga makakasama niya ay sina Chef Fern Aracama, Chef Rolando Laudico at Chef JP Anglo.

WORKING WITH KIDS. Super excited na rin siyang makilala ang mga batang contestants ng Junior MasterChef.


"Pinapanood ko pa lang yung teasers nila, attached na ko sa kanila. Lalo na kung na-meet ko na sila personally.  Sa tingin ko magiging sobra din ang bonding ko sa mga bata.

"Gusto kong makita yung reaction nila kapag nakita nila yung Junior MasterChef  kitchen. Exciting yun para sa batang mahilig magluto. Working with kids is a great experience."


Kahit competition ang palabas, hindi naman kagustuhan ni Juday na ma-traumatize ang mga bata dahil sa pagsali nila sa reality cooking show na ito. "Hindi naman yata talaga kami puwedeng magsalita ng mga harsh comments sa mga bata. Ayaw naman naming magsabi ng mga salitang didibdibin nila at maging cause ng angst nila sa buhay."

Sa isang separate na interview with Juday, naikuwento niya na tinuturuan niya na magluto si Yohan, ang kanyang anak na babae. "Mahilig siyang magluto, nagku-cooking show pa siya sa bahay. Parang siya ang magiging chef paglaki."

BEING CAREFUL ABOUT HOSTING. Ito ang unang pagkakataong magho-host siya ng isang reality show kaya naman umamin si Juday na sobra-sobra ang kayang ginagawang paghahanda.
"Siyempre excited ako pero mas yung kaba kasi ngayon lang ako magho-host ng reality show, lalo na mga kids pa yung contestants. Kailangan doble ingat."

"Una yung pagpapapayat. Pangalawa, humihingi ako ng tips kay Ryan, ng tips sa pagho-hosting. Ang sabi lang niya sa akin, go with the flow. Ang mga bata naman talaga ang magdadala ng show. Andito lang kami to assist them. This is their show."

"Tapos nanonood ako ng Junior MasterChef Australia kasi wala talaga akong alam sa hosting.

"Bagong field siya sa akin kaya kailangan kong aralin dahil ayaw kong mapahiya. Ayaw kong masayang ang show dahil sa kakulangan ko ng hosting abilities. I'm working for it.

"I need a lot of confidence to do this show kasi hindi ka puwedeng magsabi ng 'Cut! Cut! Cut!' kasi reality show siya, e. It's not like taping a teleserye na puwede kang magpahinga. Hindi siya ganun. It's all about the kids. I'm preparing myself para sa mga bata.

"For now, I just really want to have fun. Ayaw kong i-push ang sarili ko. Relax lang. One step at a time," sabi pa ng actress turned TV host.

No comments:

Post a Comment