@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, November 28, 2012

Kusina-serye ni Juday, wagi sa ratings

http://www.abante.com.ph/issue/nov2912/ent_others07.htm#.ULesMuSXKuk
Share on twi
 

Siyam na ang pinangalanang pasok sa top 15 noong Lunes (Nov 26), Martes (Nov 27), at kahapon (Nov 28) sa MasterChef Pinoy Edition ng ABS CBN, kabilang na ang negosyanteng si Carla, ang kasambahay na si Betty, si Sonny Boy na sumikat sa kanyang darak cookies, ang pulis na si Lito, ang call center agent na si Reggie, ang estudyanteng si Gian, ang nurse na si Ivory, ang maybahay na si Maureen, at ang accounting associate na si Myra.

Sino sa nalalabing 16 na kusinero ang papasa sa panlasa nina Judy Ann Santos-Agoncillo, Chef Ferns, Chef Lau, at Chef Jayps? Anong putahe kaya ang magdadala sa kanila papalapit sa titulong kauna-unahang Pinoy MasterChef?
Kaninong pangarap ang unti-unting mabibigyan ng katuparan?

Samantala, patuloy pa ring namamayagpag sa ratings ang kusina-serye at patunay nga nito ang datos ng Kantar Media noong Lunes (Nov 26) kung saan nakakuha ito ng 16.5% na national TV rating, malayo sa nakuha ng Face to Face ng TV5 (7.1%), at Cielo de Angelina (6.4%) at Nay-1-1 (4.2%) ng GMA.

Patuloy na subaybayan ang MasterChef Pinoy Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 10:30 a.m. bago ang Be Careful with My Heart sa Umaganda block ng ABS-CBN at ang tuwing Sabado, 10 a.m.
bago ang Be Careful with My Heart: Saturday Rewind. Maging updated sa programa at i-like ang www.facebook.com/MasterChefPH, sundan ang @MasterChefPHL sa Twitter, o bisitahin ang www.masterchefph.tv.

No comments:

Post a Comment