@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, November 26, 2012

Judy Ann Santos asiwa kina Bossing Vic at Senator Bong


By Ceasar Pambid

Nov 26, 2012

Nakadama man ng tensyon si Judy Ann sa first shooting day niya sa Si Agimat, Si Enteng at Si Ako, naging relaks at kalma na siya ng mga sumunod na araw.

“Nu’ng first days kasi ng shooting namin, nandoon ’yung tina-try mong maging relaxed sa harapan nila.

Ginagamay mo pa kasi kung paano… with Senator kasi, matagal na kaming nagbibiruan. Kumbaga, wala nang kailangang gap na i-fill, eh.

“With Bossing… Bossing siya, ’di ba? Parang hindi mo talaga alam… First and foremost, hindi ko talaga alam kung paano siya. But it turned out na pareho silang ano… Masarap kasama kasi ang saya namin sa set.

“Pabili ng pagkain. Tuksuhan lang nang tuksuhan. Asaran lang nang asaran. Tapos, punchline lang nang punchline. Puro ganoon lang,” kuwento ni Juday bago ang presscon.

Isang engkantadang Inglesera ang role ni Juday sa MMFF entry nina Bong at Vic. May moment na lalandiin niya ang dalawa pero dahil kapwa may sabit na, nagbi-behave.

Kararating nga pala ni Juday muna sa London kung saan naging guest siya sa show ng EB Dabarkads.
        
Siyempre pa, naging memorable ang biyahe niya sa London dahil nga kapiling niya ang asawang si Ryan Agoncillo.

No comments:

Post a Comment