@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, November 26, 2012

Bong, Vic described as simple, undemanding

http://www.journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/40050-bong-vic-described-as-simple-undemanding

***snipped

Maaga si Judy Ann Santos sa presscon ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako at inaming nati-tense siya sa magiging box-office result ng movie na entry sa 2012 MMFF.

Dahil siya ang bago sa cast, siya raw ang babagsakan ng sisi ’pag nag-number-two o numberthree sa ranking ang pelikula.

Alam ni Judy Ann na si Ai-Ai de las Alas ang original choice sa kanyang role, pero nilinaw sa kanya na iibahin ang role niya sa role sana ni Ai-Ai. Kaya ang role ni AKO o Angelina Kalinisan Orteza ay originally for her.

Sabi ni Judy Ann, hindi siya nahirapang tanggapin ang pelikula. “Ang choosy ko naman kung tatanggi pa ako, first time ko to work with Sen. Bong Revilla and Vic Sotto at maganda pa ang role.”

Nahirapang sagutin ni Judy Ann ang tanong kung sino kina Sen. Bong at Vic ang puwede niyang maging crush, halimbawang libre pa siya dahil magkaiba ang karisma ng dalawa. Tahimik, matinik at suplado si Vic.

“Nadiskubre kong pareho silang walang keber, wala silang dressing room at sa garahe lang nakaistambay. Sa set, simple lang sila kahit senador at Hari ng Komedya sila. No cut-off and no demands sila, ako pa ang may demands bilang ako ang babae at minsan, nahihiya ako,” wika ni Judy Ann.

No comments:

Post a Comment