@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, March 23, 2011

Judy Ann Santos nakatali sa ABS-CBN kaya di makatalon sa TV5

Judy Ann Santos nakatali sa ABS-CBN kaya di makatalon sa TV5

 


NAKATA 
LI ng kontrata si Judy Ann Santos sa ABS CBN, kaya walang posibilidad na magkasama sila ni Ryan Agoncillo sa TV5.
“Nakakontrata pa po ako (sa Dos), hindi pwede pero very welcome naman po ako sa TV5. Good friends naman po ako with Sir Perci (Intalan, TV5′s head ng Creative and Entertainment Production). Na-shake hands ko naman po si MVP (Manny V. Pangilinan, TV5 owner).
“Pero panatag naman ako that ABS-CBN will give me good projects,” saad ng young superstar.
Ukol naman sa hindi niya pagsipot sa finals ng Talentadong Pinoy, humingi ng paumanhin si Juday sa naturang pangyayari at nangakong babawi siya ng bonggang-bongga sa susunod.
“Something came up that was very important noong araw na ‘yon-graduation ni Yohan. So dapat may maiwan sa amin sa bahay kasi may kaunting celebration na magaganap, kahit na sabihin nating ang magtatapos sa amin ay Prep, nakapagtapos ako ng Prep.
“Sobrang apologetic ako sa Talentadong Pinoy kasi they’re family already. Two months before the grand finals, naka-oo na ako sa kanila.
But a week before the finals, sinabi ko sa kanila, ‘Pasensiya na,’ something came up. Naintindihan naman nila ako and I’m very thankful. Sabi ko, babawi ako ng bonggang-bongga,” esplika pa ng misis ni Ryan.
Pagdating naman sa kanyang showbiz career, ipinahayag ni Juday na gusto niyang gumawa ng movie this year at malapit na raw niyang simulan ang Junior Master Chef at baka isa pang show sa ABS CBN.


http://www.remate.ph/showbiz/judy-ann-santos-nakatali-sa-abs-cbn/

No comments:

Post a Comment