@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, March 23, 2011

Juday sinulot si Claudine


Posted by pinas on Mar 24th, 2011 and filed under Showbiz. You can follow any responses to this entry
NI: FAVATINNI SAN

PINALITAN na ni Judy Ann Santos sina Claudine Barretto at Jodi Sta. Maria bilang endorser ng isang kila­lang brand ng gatas. May mga natuwa at mayroon ding mga nagulat. Siyempre, masaya ang fans ng aktres dahil muli na naman nilang napanood ang kanilang idolo kahit sa TV commercial lang. Nagtataka naman ang fans nina Claudine at Jody dahil nasanay na rin silang napanonood ang mga ito sa nasabing milk ads.
Ayon sa aming source, may kinalaman ang shaky marriage nina Claudine at Jodi kaya bi­g­lang ipinalit sa kanila si Juday. Ayaw mamatay ng mga ulat na may problema talaga ang mag-asawang Claudine at Raymart Santiago, habang out in the open na hiwalay na sina Jodi at Pampi Lacson.
At dahil gatas ang produktong ini-endorse ng drama princesses kaya’t importanteng happy ang sound ng marriage/family ng mga ito. Kaya nga raw si Judy Ann, together with Yohan, ang napiling maging bagong mukha ng naturang produkto, ayon pa sa source.
Samantala, naiintriga rin si Juday na mag-oober da bakod na raw sa TV-5 gaya ng mister niyang si Ryan Agoncillo.
“May kontrata pa ako sa ABS-CBN, although kaibigan namin si Perci Intalan (ng TV-5),” paliwanag ng aktres. “Ngayong taon ding ito, may gagawin akong TV show sa ABS-CBN at baka makagawa ako ng isang pelikula.”
Pero aminado siyang kailangan pa niyang magbawas ng timbang. “Tulad ‘pag may oras, nagdya-jogging ako sa loob ng subdivision. I also watch my diet pero kumakain pa rin ako nang pakaunti-kaunting sweets at carbohydrates.”
Aminado naman si Juday na bagama’t masaya siya sa pagiging misis ni Ryan at nanay nina Yohan at Lucio ay miss na rin niya ang showbiz.
“Miss ko talaga ang show business. Pero masaya na rin ang nangyari sa akin, naramdaman ko ang pagiging ina at misis. Wala na akong mahihiling pa sa aking buhay… Sa aking fans, maraming salamat sa patuloy ninyong pagsuporta sa aming pamilya,” sey ni Juday.

ORIGINAL SOURCE

No comments:

Post a Comment