@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, March 20, 2011

Juday, iniiwasan ang selosan sa mga anak



Sampung buwan matapos manganak, ibang saya ang ibinahagi ng “Queen of Teleserye” na si Judy Ann Santos.

"Masyado akong naging masuwerte sa buhay ko ngayon kasi may choice lahat... Thankful ako dahil andiyan lahat ng tao para magkaroon ng ... bilib uli sa sarili ko," aniya.

Kasabay ng saya ang hamon ng pagiging ina kay Juday.

Iniiwasan niya raw na magselos ang panganay na anak na si Yohan sa kanyang bunsong si Lucho.

Ito raw mismo ang dahilan kaya't maaga rin nilang inamin kay Yohan na ampon ang bata.

"Iyon na 'ata ang pinakamasakit na puwedeng mangyari sa 'kin... na ibang tao ang magsabi kung ano ang estado niya," aniya.

Patuloy daw nilang ipinaparamdam kay Yohan ang kanilang pagmamahal na higit pa sa magkadugo.

Inaasahan naman sa mga susunod na buwan ang pagbabalik telebisyon nya sa isang reality show sa ABS-CBN.

Aminado si Juday na inaaalala nya ang kanyang baby weight.

"Ang fear ko lang naman eh makita ang fats mga ko, eh. Okay... na lang din eh," sabing pabiro ng aktres.

"Kung mataba ako at ang nagsabi sa 'king mataba ako ay mataba rin, ang tanong ko na lang: 'Nabuntis ka na ba para sabihing mataba ako?'" dagdag niya.

Bago sumabak muli sa telebisyon, sasabak muna sa workout si Juday. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino
03/18/2011 12:31 AM

No comments:

Post a Comment