@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, March 20, 2011

Juday, gagawa ng pelikula sa Tate




***


Dinumog ako ng mga kapuwa ko reporters sa pag-uurirat kung hindi na ba matutuloy ang MMFF entry sana nina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo at Juday na Magkakapatid ng Viva Films dahil September-October ang ibinigay ni Juday na back to work schedule niya.


Well, tama naman sila. Kung sa mga buwan na ‘yun pa raw magsu-shooting ang Viva Films ay baka magahol nga sila sa panahon at ‘di aabot sa MMFF.



Pero, may isang producer nga na susunod yata sa Amerika sa bakasyon ng mag-anak na Agoncillo para mag-shooting ng isang movie na baka nga maisali sa MMFF.


Hindi makakatanggi sina Juday at Ryan sa alok ng producer na ito na ang
sasagot sa lahat ng gastos sa biyahe ng mag-anak, pamasahe sa eroplano, hotel accommodations, food, etc.


Ito ngayon ang matinding pinag-iisipan ni Juday kaya ‘di pa siya makasagot ng definite kung payag siya sa offer nu’ng producer or what. Siguro malalaman lang natin ang sagot ‘pag natuloy na kami sa Amerika at nagsu-shooting na nga si J
uday doon with a new leading man in CM!

No comments:

Post a Comment