@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, March 20, 2011

Gabby dictates Juday's additional talent fee



Finally, pumayag na si Judy Ann Santos na tumanggap ng product endorsement ang panganay na anak nila ni Ryan Agoncillo na si Yohan.

Magkasama sila ngayon bilang mag-inang endorser ng Lactum at sa press launch na ginanap last Thursday, nakatsikahan namin ang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo at say niya, matagal na talagang offer ito sa mag-ina.

“Naghintay sila (Lactum management) ng three-four years dito. Kasi nga, dati, ayaw ni Juday, kasi nga ’yung (adoption) papers ni Yohan, ’di pa ayos,” say ni Tito Alfie.

Two years ago pa raw naayos ang legal adoption papers ni Yohan kaya naman siguro napagdesisyunan na ni Juday na tanggapin na ang standing offer ng Lactum.

Kahit nga raw ang bunsong anak nina Ryan at Juday na si Baby Lucho, napakarami ring offers para sa product endorsements pero ayaw pa raw ng aktres.

Bakit ayaw pa?

“Aba’y ewan ko sa kanila, ayaw yata ng pera,” say ni Tito A.

Samantala, natanong din namin sa manager kung kelan puwede nang bumalik sa showbiz si Juday at aniya, baka sa September pa.

“Di ba, ’yung cooking show niya sa ABS-CBN, dapat ngayon na ’yon, eh, naunahan tuloy siya ni Carmina (Villarroel) sa GMA. Ewan ko kung kelan niya gagawin.”

Hanggang September na lang ang kontrata ni Juday sa ABS-CBN kaya tinanong namin ang manager kung magre-renew sila.

“Wala naman kaming press release na lilipat ng TV5. At saka, wala naman kaming panakot na lipat kami du’n, ganito, bigyan n’yo kaming P1 billion, ganito, may offer na ganito. Wala.

“Kasi, sa amin, ang kusang nagtataas ng budget ni Juday, si Gabby Lopez. Hindi na kami nagde-demand.”

Kaya Kapamilya pa rin daw si Juday. May naka-line- up nga rin daw ang aktres na teleserye sa ABS-CBN at sa Star Cinema naman, pitong movies pa raw ang nasa kontrata.

“Meron siyang inoohan na isang producer, hindi Star Cinema, willing mag-wait ang producer hanggang September, ’yon,” kuwento pa ni Tito A.

1 comment:

  1. bless na bless ang idol ko na si ms.judy ann santos kasi mabait at makadios siya kaya pinagpala siya

    ReplyDelete