@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, February 16, 2012

Juday malaki ang ipinayat sa kakahabol sa anak


Ni Salve V. Asis

MANILA, Philippines - Ang payat-payat na ni Judy Ann Santos nang humarap siya kahapon para iprisenta ang apat na kiddie cooks na maglalaban-laban sa Junior MasterChef Pinoy Edition Finale: The Live Cook-off na magaganap sa Sabado (Feb 18) sa 6:00 p.m. Ang laki nang difference nang magkaroon ng launching ang nasabing show samantalang ilang buwan lang ang nakakaraan.
Anong ginawa niya? “Lahat naman kinakain ko, kasi lahat kailangan ko ring tikman lahat nang niluluto nila (ng mga kiddie cooks). Kaya lang ngayon mas marami na akong exercise. Kasi mas humahabol na ako kay Lucho. Cardio na ‘yung paghabol sa anak. Malaking factor ang exercise and proper diet,” sagot ni Judy Ann.
At dahil pumatok ang Junior MasterChef, susunod agad niyang gagawin ang MasterChef. “Yung susunod after Junior MasterChef ay MasterChef. Then hopefully second season ng Junior MasterChef,” sabi niya.
Anyway, matapos pabilibin ang sambayanan sa linggu-linggong labanan sa kusina, magaganap na ang huling hands-up at ang live na bakbakan ng Final Four kiddie cooks na sina Jobim, Kyle, Mika, at Philip.
Sa huling pagkakataon ay susubukin ang husay at diskarte ng apat na batang kusinero sa isang matindi at live na paghahanda ng putahe sa Treston International College na magpapasya kung sino sa apat ang tatanghaling kauna-unahang Pinoy Junior MasterChef na magwawagi ng P1 milyon at culinary scholarship.
Ang tatanghalin namang second placer ng kumpetisyon ay mag-uuwi ng P500,000, at ang third at fourth placers ng P250,000.
Live na titikman at huhusgahan ng host (Juday) at mga huradong sina Chef Ferns, Chef Lau, at Chef Jayps ang kanilang ihahaing putahe, na siyang kakatawan sa limang buwang pagsasanay at karanasan nila sa kusina ng Junior MasterChef Pinoy Edition.
Samantala, malamang na bumalik din sa paggawa ng teleserye ang aktres-host kahit na nga pakiramdam niya ay mas magaan ang trabaho niya as host dahil walang puyatan, iwas stress at nagkakaroon siya ng tamang oras sa kanyang pamilya.
Maraming naglalabasan dati pa na lalayas na siya sa kanyang home network.


SOURCE HERE

No comments:

Post a Comment