Monday, February 6, 2012
Anghang ng panulat ni Alfie Lorenzo kasabik-sabik pa ring basahin
WALA pa ring kakupas-kupas si Tito Alfie (Lorenzo) pagdating sa pagsusulat. Dumaan man ang maraming taon, ang timbre, estilo at anghang ng kanyang panulat ay kasabik-sabik pa ring basahin at nanatiling nakasunod sa panahon.
Hindi sinauna. Hindi makaluma. Kaya nga kapag may panahon kami hindi namin nakakaligtaang basahin ang kanyang column.
Sayang nga lang at tinatamad na yata siyang humawak ng napakaraming talent. Tanging si Judy Ann Santos na lamang ang alaga niya ngayon.
Kakaiba rin si Tito Alfie. Sa isang katulad niyang sikat na manunulat, kinatatakutan pero nirerespeto sa showbiz, dapat ginamit na niya ito sa mas maraming talent na puwede niyang hawakan upang magtagumpay ang mga ito, eh, mas gusto pa yata niyang maglibang-libang na lang dahil wala na nga naman siyang dapat patunayan pa bilang isang manunulat at talent manager. Nakuha nya nang lahat kaya papitik-pitik na lang siya ngayon. Palamig-lamig. Paroo’t parini na lang sa kanyang mansion sa Pampanga at bahay bakasyunan sa Antipolo. Mas gustong pa niyang maghimas ng mga alagang hayop kesa sa humawak ng mga artista. At kapag nasa Maynila naman siya, sa kanyang malaking room sa Manila Pavillion siya naglalagi.
source here
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment