@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, September 25, 2013

JUDAY, SWAK NA HOST NG WORLD-CLASS GAME SHOW NA ‘BET ON YOUR BABY’



http://sssip.wordpress.com/2013/09/24/juday-swak-na-host-ng-world-class-game-show-na-bet-on-your-baby%E2%80%A8%E2%80%A8/

JUDY ANN SANTOS HOSTS A NEW SHOW
JUDY ANN SANTOS HOSTS A NEW SHOW
JUDAY, SWAK NA HOST NG WORLD-CLASS GAME SHOW NA ‘BET ON YOUR BABY’
Bilang bahagi ng tradisyon ng paghahandog ng mga de-kalidad at “world class” na programa sa mga Pilipino, dadalhin ng ABS-CBN sa bansa ang patok na international game show na “Bet On Your Baby” kung saan si Judy Ann Santos-Agoncillo ang magho-host.
Susubukin sa “Bet On Your Baby” kung gaano kakilala ng mga kalahok na magulang ang kanilang mga supling na may edad dalawa hanggang tatlo’t kalahating taong gulang. Kaya’t simula nang mailunsad ang game show na ito ngayong taon lang sa Estados Unidos at Turkey, agad itong napamahal sa kanilang mga manonood.

Maliban sa Pilipinas, kasado na rin sa bansang China ng kanilang edisyon ng nasabing game show.

Matapos naman mag-host sa matagumpay na season ng “MasterChef Pinoy Edition” at “Junior MasterChef Pinoy Edition” kung saan ginawaran siya ng Anak TV award, handa nang sumabak si Judy Ann sa pagho-host ng kanyang kauna-unahang game show kung saan siya ay nakaka-relate ng husto.
Malapit sa puso ni Juday ang hosting stint sa “Bet On Your Baby” lalo’t bilang isang hands-on mom, akma sa kanya ang mensahe ng programa na importanteng kilalanin nang husto ang sariling anak.
Tatlong pamilya naman ang lalahok sa bawat episode ng “Bet On Your Baby.” Bawat pamilya ay sasabak sa tatlong round, ang initial round, puzzle round, at ang jackpot round. Sa una at ikalawang round, isa sa mga magulang ng bata ay magbibigay ng hula kung ano ang magiging resulta ng gagawin ng anak nila sa loob ng “Baby Dome,” kung saan kasama ng kanyang partner ang kanilang anak. Ang lahat ng mga pamilyang makakakumpleto ng first round ay makakatanggap ng P10,000.
Sa pangalawang round naman ay mag-uunahan ang mga pamilya na malutas ang isang challenge, at ang unang makakalutas ay tutuloy sa jackpot round, kung saan mabibigyan sila ng pagkakataon para masungkit ang P1 milyon.
Malapit ng mapanood sa ABS-CBN ang “Bet On Your Baby.” Para sa mga update, i-like ang “Bet On Your Baby” sa Facebook (www.facebook.com/betonyourbabyph) at sundan ang @betonyourbabyph sa Twitter o ang betonyourbabyphilippines sa Instagram.

No comments:

Post a Comment