@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Saturday, September 14, 2013

Bongga ang bagong kontrata sa ABS, kaya dedma na ang GMA JUDY ANN susuweldo ng milyones kahit nag-aalaga lang kay RYAN at sa 2 ANAK

http://bandera.inquirer.net/30039/judy-ann-susuweldo-ng-milyones-kahit-nag-aalaga-lang-kay-ryan-at-sa-2-anak

By 

NAG-RENEW ng kontrata si Judy Ann Santos-Agoncillo sa ABS-CBN noong Miyerkules ng hapon kasama sina TV production head Laurenti Dyogi, ABS-CBN broadcast head Cory Vidanes, President Charo Santos-Concio at manager ng aktres na si Alfie Lorenzo.
Kuwento ni tito Alfie hindi na tiyak papayagan si Juday na gumawa ng project sa GMA 7 dahil pumirma na siya sa ABS-CBN ng exclusive contract, “Pero ‘yung sa TV5, tuloy ‘yun, kasi pelikula naman ‘yun at hindi pa lang nakakapag-meeting kasi nagkasakit naman si Ryan (Agoncillo), e, siya ang nag-alaga.
“Yung sa GMA, may offer, maganda sana rin ‘yun, e, naunahan na, pumirma na sa ABS, e, di babu na GMA.  “Sabi ko nga kina Charo, masyadong loyal si Juday sa inyo, kita n’yo naman, maraming offers sa iba, pero kayo ang pinili kasi naman 25 years na si Juday sa ABS, magkakasama pa sila nina Charo kaya nga nagpapasalamat din si Charo kasi nga loyal si Juday sa kanila,” sabi ni tito Alfie.
Dalawang taon ang pinirmahang contract ng aktres na magtatapos sa taong 2015 at tatlong programa ang nakatakda niyang gawin, mauuna ang reality shows na Bet On Your Baby at susundan ng I Do bilang host at isang teleserye mula pa rin sa Dreamscape Productions ni Deo Endrinal.
Ayon kay tito Alfie ay guaranteed ang kontrata ng alaga niya sa Dos, ibig sabihin maski na wala siyang project ay makakatanggap siya ng buwan-buwan niyang suweldo.
“E, maganda nga ang kontrata ni Juday kasi isipin mo maski na wala siyang gagawin o natapos na ang tatlong programa ng wala pang dalawang taon, diretso ang suweldo niya.
“Sabi ko nga, magandang career din ‘yan, kasi isipin mo, kung hindi ka busy, mag-aalaga ka lang kay Ryan o sa mga bata, may suweldo ka, malamang baka nga mas gusto na ni Juday ang mag-alaga na lang!” birong sabi sa amin ng manager.

No comments:

Post a Comment