@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, January 16, 2012

Sharon-Nora project sa TV5, malabo!

Mabibigo ang mga nangangarap na magsama sa isang movie ang superstar na si Nora Aunor at megastar na si Sharon Cuneta, kahit pareho silang contract star ng TV5.


Maganda sanang ideya na magtambal sina Ate Guy at Shawie sa isang pelikula ng Kapatid Network, pero ayon na rin kay Sharon ay wala siyang naririnig na movie na pagsasamahan nila ni Ate Guy.


Nagpahayag naman si Sharon ng pagnanais na makasama si La Aunor sa isang project, pero sa pagkakaalam niya ay ang balik-tambalan nila ni Gabby Concepcion ang mauuna at ang kasunod ay ang pagsasama nilang muli ni Judy Ann Santos.


Kuwento nga ni Sharon, masaya at cute ang pagkikita nila ni Ate Guy sa Christmas party ng TV5 last year.


Maging ang naunang planong pagsasama nila ng Star for All Seasons na si Batangas Governor Vilma Santos sa isang pelikula ng Star Cinema ay hindi na rin natuloy. Ayon kay Sharon, laging nauudlot ang project at tuwing nand’yan na raw ang project ay napapalitan ng ibang stars.





Bukas pa rin naman si Sharon sa ideyang magsama sila sa isang pelikula ni Vilma, pero malabo raw itong mangyari sa Star Ci­nema dahil exclusive ang co-production deal niya sa TV5 at Viva Films.

So, putol na talaga ang ties niya sa Star Cinema?


“Ay, naku I love Tita Malou (Santos). Unfortunately now, because the deal with TV5 is big and one those page that was brought up, Viva and I, our company will be co-producing films with TV5. So, malamang matatagalan bago ako makagawa with Star Cinema.

Pero kung pwede lang bukas pwede, gagawa ako agad.”

“Meron nga pala akong director na dream ko na maidirek kami uli (ni Gabby), pero hindi ko masasabi. Pero mas matutuloy ang Sharon-Gabby, sa March ang start,” sambit pa ng megastar.


Anyway, excited na nga si Sharon sa pagsasama nila ni Martin Nievera sa isang concert, ang Once In A Lifetime sa Smart Araneta Coliseum sa Pebrero.


“I’m just so proud that I’m going to be singing with Martin for the first time in a full concert, sharing the stage with him na talagang right down the middle, kasi Concert King ‘yan. He may be you’re friend but that’s all beside the point.


“He’s Martin Nievera and I’m privileged that he’s doing that show with me. Saka iba’ng boses ni Martin, aminin na natin ‘yan. Isa lang si Martin. Isa lang si Basil Valdez up to this date, in fairness. Maraming singer pero isa lang ang Concert King. Just like Mr. Pure Energy (Gary Valenciano). Sana lahat makasama ko.”



source here

No comments:

Post a Comment