@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, January 23, 2012

BABY NATE, BEHAVED SA BINYAG







 
BININYAGAN kahapon sa Don Bosco Church, Makati City ang anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na si Baby Nate o Nathaniel James Alcasid.
On time na nagsimula ang binyagan dahil 4:30 PM. ang imbitasyon ng mag-asawa at eksaktong 4:30 PM ‘yon nagsimula.
Maagang nagsidati­ngan ang mga ninong at mga ninang.
Pinakamaaga sa lahat si Ai Ai delas Alas.
A week early siya nagpunta sa Don Bosco Church dahil akala niya ay noong Enero 15 ang binyagan.
Una kong nakita ko kahapon sa Don Bosco Church si Rufa Mae Quinto na nag-cover para sa Showbiz Central ng GMA 7.
Sa mga ninong ay u­nang dumating si Cong. Manny Pacquiao na bitbit na ang regalo niya para kay Baby Nate.
Sumunod na duma­ting si Sen. Bong Revilla kasama ang misis niyang si Cong. Lani Mercado (na sinamahan lang ang mister sa binyagan).
Dumating na rin kapagkuwan sina Regine at Ogie kasama si Baby Nate at ang parents ni Regine na sina Mommy Tessie at Daddy Gerry, pati sina Cacai at Raul Mitra.
Sunud-sunod nang dumating ang iba pang mga ninang at mga ninong katu­lad nina Judy Ann Santos (na kasama ang mister na si Ryan Agoncillo), Kris Aquino, Mr. Jimmy Duavit at Dingdong Dantes.
Medyo tumagal ang binyagan, pero ang napansin ng lahat, behaved si Baby Nate at ni hindi umiyak ang bata.
After na mabinyagan ni Father Dennis Meim (na kaklase ng Kuya Tony ni Ogie) si Baby Nate ay kanya-kanya nang interview ang ilang TV crew na naimbitahan doon sa mga ninong at ninang.
Touched ako kay Kris dahil kahit busy at aligaga ang lahat sa paglapit kay Baby Nate ay nakita niya ako at nag-effort siyang bumati.
Talagang kapag type ni Kris ang isang tao ay siya pa ang unang babati.
Sa interview nina Regine at Ogie after ng binyagan ay binanggit nilang finally ay Kristiyano na rin ang kanilang anak.
After ng binyagan ay aasikasuhin naman nila ang tungkol sa Valentine concert nila sa Smart Araneta Coliseum sa Pebrero 14, ang Mr. and Mrs. A na co-producers sila.
‘Yung Christian rite para kay Baby Nate ay gagawin na lang nila pagkatapos ng kanilang Va­lentine show.
Kabilang sa sponsors sa Christian rite na ‘yon ni Baby Nate sina Gary Valenciano at Piolo Pascual.
Samantala, nagpasala­mat sina Regine at Ogie sa lahat ng mga nagsidalo sa binyagan na ‘yon at nagyaya rin sila na sumunod sa reception sa Craving’s restaurant sa Katipunan Ave., Quezon City.
***



source here

No comments:

Post a Comment