@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, January 25, 2012

Coco, pinakasikat na aktor ngayon



KAHIT saan ganapin ang fans day para sa teleseryeng Walang Hanggan ay paulit-ulit na napapatunayan na si Coco Martin na nga ang pinakamainit na actor sa kasalukuyan.
Ang hiyawan at palakapakan sa tuwing tinatawag ang pangalan ni Coco ay walang dudang tinaob na nga niya ang lahat, huh!
Si Coco Martin ang lead actor ng Walang Hanggan na magdadalawang linggo pa lang napapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN pero siya na naman ang bukambibig ng fans.
Sa Skydome kamakailan, malalakas na tilian na naman ang pinakakawalan ng fans tuwing binabanggit ng host ang pangalan ni Coco, isang malinaw na ebidensiya ng kanyang popularity ngayon. So, after Piolo Pascual ay si Coco na ba ang pambato ng ABS-CBN?
Samantala, nang makausap namin si Coco ay binanggit niya na ngayon pa lang ay tinuldukan na niya ang tsismis sa kanila ni Kris Aquino. Malaki raw ang respeto niya kay Kris, kaya nakiusap siya na sana raw ay tigilan na ang naturang tsismis.
“Tingin ko sa ganyang tsismis, hindi pinapatulan. Saka hindi pa ako ready na magkarelasyon dahil wala rin namang nangyayari. Marami akong trabaho ngayon,” lahad pa niya.
Maging sarili nga raw niya ay nawawalan na siya ng oras. Pagkatapos ng huling teleserye niyang Minsan Lang Kita Iibigin ay pumunta siya sa States para mag-show.
“Lola ko nga, hindi ko na nakikita, eh! ‘Pag natapos ko na ‘yung bahay na ipinagagawa ko, baka magkaroon na ako ng time para mapaligaya ko naman ang sarili ko. Tatapusin ko muna rin ang Walang Hanggan,” napatawa pang banggit sa amin ni Coco.
Tinatapos din ni Coco ang pelikulang pinagtambalan nila ni Angeline Quinto at hinahanapan niya ng schedule ang indie film na gagawin niya.
Pero mas higit siyang excited sa tambalan nila ni Judy Ann Santos na ang sa pagkakaalam daw niya ay maaaring sa Marso na uumpisahan ang shooting.
“Sobra kong hinahangaan si Juday. Kasi mabait din siya sa katrabaho, napakasimple, professional kaya looking forward ako na makasama siya,” sey pa ng pinakasikat na aktor sa kasalukuyan.


No comments:

Post a Comment