@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, January 23, 2012

Claudine Barretto magbabalik Kapamilya Network?


Claudine Barretto magbabalik Kapamilya Network?
Hindi na nga naiwasan dahil pumutok na ang tsismis na si Claudine Barretto ay magbabalik na sa abs-cbn kung saan ito ang kanyang mother network. May lumabas kasing balita na nakikipag negosasyon na ang kampo ng aktres sa kapamilya network dahil hindi maganda ang naging kapalaran nya sa kapuso network na sinasabi nila na naging laos ito ng lumipat.
Meron naman sigurong dahilan ang aktres para layasan na ang syete dahil sa aming pananaw ay hindi gaano ito nabigyan ng magagandang proyekto mula ng lumipat ito, ni wala nga dekalibre teleserye kami na nakita na bumida sa primetime ng GMA.
Balita din last year na magiging kapamilya na rin ang asawa nya na si Raymart Santiago at ito na ba ang senyales na susunod na sya pero ang tanong tatanggapin pa ba sya ng kapamilya viewers para suportahan ang aktres.
Marami ngayon talents ang abs-cbn at halos nagsisiksikan ang mga leading ladies dito makikisiksik rin ba sya sa dos, pero balita namin ay tuloy na ang pagbabalik kapamilya ng aktres dahil sa pagdating nya ay meron din na mag-aalsa baluta.
Yes merong mag-aalsa baluta at siguradong ikawiwindang nyo dahil nga merong offer ang happy network kay Judy Ann Santos na napakalaki,  uso kasi ngayon ang lipatan, pero nasa kampo na ni juday kung tatanggapin nila ang offer sa pagtatapos ng kontrata nito sa dos.
Ikinakasa na rin daw ng pamunuan ng abs-cbn ang tambalang gretchen at claudine teleserye na dapat pakaabangan dahil kakaibang serye ang makikita nyo, parang magkaribal ang tema kuno nito.

No comments:

Post a Comment