@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, November 29, 2011

Ryan and Juday: ‘Quiet partners’ Timing



Rowena Agilada

Manila, Philippines – SA presscon ng “My Househusband, Ikaw Na!“ nilinaw ni direk Joey Reyes na hindi ito Part 3 ng “Kasal, Kasali, KasaLO at “Sakal, Sakali, Saklolo“ na pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Ayon kay direk Joey, totally different story ang MHHIN. Tungkol ito sa isang couple with two kids at noong nawalan ng trabaho si mister, he does the household chores, nag-aasikaso at nag-aalaga sa mga anak nila, habang nasa trabaho si misis.

Nilinaw ni direk Joey na hindi ander de saya ang character ni Ryan. In real life, inamin ng huli na kaya niyang magluto at maglaba. Ayaw lang niyang nagwawalis dahil naiinis siya kapag may naiiwang hibla nito. Ayon pa kay direk Joey, marami ang makaka-relate sa mga sitwasyon nina Juday at Ryan sa MHHIN dahil nangyayari talaga sa tunay na buhay.

Aware si Ryan na malalaking pelikula at artista ang mga kalaban nila ni Juday sa 2011 Metro Manila Film Festival. Magkasanib-puwersa sina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas sa “Enteng Ka ng Ina Mo,“ Bong Revilla sa “Panday 2,“ “Shake, Rattle & Roll 13“ na all-star cast, among other festival entries.

“Underdog kami,“ ani Ryan. “Iba ang pressure sa akin ng MHHIN. Dapat mas maganda ito kesa KKK at SSS na parehas kumita sa box office. Kakampi ko naman sina Juday at direk Joey. Naiiba naman ang tema ng pelikula namin sa ibang festival entries,“ ani Ryan.

Tatay na tatay
Mag-boyfriend-girlfriend pa lang sina Ryan at Juday noong gawin nila ang KKK at SSS na parehas dinirek ni Joey Reyes. Anang huli, nag-evolve ang working relationship nila. Saksi si direk sa mga pinagdaanan nina Ryan at Juday at aniya, parang isinapelikula ‘yung journey ng mga ito.

Ayon pa kay direk Joey, noong ginagawa nila ang MHHIN, dumarating si Juday sa set na may dalang breakfast for him and Ryan. Off-camera, friends sila at neighbors pa. “Masaya kami sa set. Si Ryan, nakikita ko na tatay na tatay na talaga siya. ‘Yung dalawang bagets na gumaganap na mga anak nila ni Juday sa movie, parang tu nay na mga anak ang turing niya,“ wika ni direk.

Aniya pa, naging saksi rin siya sa mga tampuhan ng Agoncillo couple. Tahimik lang daw ang mga ito at hindi nagpapansinan. “Nakaka-afraid. Hindi sila nag-uusap. Quiet partners sila. Hindi nagbabatuhan ng pinggan (laughs),“ said direk.

Ayon naman kay Ryan, noong mag-boyfriend-girlfriend pa lang sila ni Juday sa KKK at SSS, nakakaalis siya agad kapag tapos na ang mga eksena niya. Sa MHHIN, hinihintay pa niyang matapos si Juday para sabay na silang umuwi ng bahay. Sabay din silang nagpupunta sa set para isang sasakyan na lang sila at makatipid sa gas.

Pag uwi nila ng bahay, agad nagpupunta si Juday sa kuwarto ng anak nilang si baby Lucho. Si Ryan naman, diretso sa kuwarto ni Yohan. Pag nasa bahay sila, ordinary real-life couple sila. Hindi nila dinadala ang working relationship nila.

May tendency kayang maging henpecked husband si Ryan? “Hindi! Kaya nga si Juday ang pinili kong maging wife. May tiwala ako sa kanya na hindi niya ako aapihin. Hindi ako magiging palamunin. Anuman ang mangyari sa pagsasama namin, malaki ang tiwala kong hindi niya ako aapihin.“



SOURCE HERE

No comments:

Post a Comment