@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, November 29, 2011

Judy Ann Santos on Jolina Magdangal-Mark Escueta wedding: "Happy talaga ako na naitawid ni Jolina nang bonggang-bongga ang wedding nila..."

Judy Ann Santos on Jolina Magdangal-Mark Escueta wedding: "Happy talaga ako na naitawid ni Jolina nang bonggang-bongga ang wedding nila..."



Judy Ann Santos on friend Jolina Magdangal's wedding (inset) to Mark Escueta: "Happy ako para sa kanya. Kasi, alam ko kung ano ang mga pinagdaanan niya. Alam ko kung ano ang mga pinagdasal niya, naging relasyon niya. At alam ko na deserve nila ang isa't isa."


Rose Garcia


Isa sa mga kinumusta kay Judy Ann Santos sa press conference ng pelikula nila ni Ryan Agoncillo, ang My Househusband: Ikaw Na!, kahapon, November 22, ay ang nakaraang kasal ng kanyang kaibigang si Jolina Magdangal.

Ikinasal si Jolina sa drummer ng Rivermaya na si Mark Escueta noong Lunes, November 21, sa Splendido Taal Golf and Country Club sa Tagaytay City, Cavite.

Isa si Judy Ann sa bridesmaids sa kasal, kasama sina Angelika dela Cruz at Kyla.

(CLICK HERE to read related story.)

Pribado at kakaunting media lang ang naimbitahan sa kasal nina Jolina at Mark.

Kaya tinanong ng mga dumalo sa presscon kahapon kung puwedeng mag-share si Juday ng ilang impormasyon tungkol sa nangyaring kasalan.

Maingat na sabi ng aktres, "Okay...paano ko ba sasagutin 'to?

"Hindi ko alam up to what extent ang gustong information na ilabas ni Jolina.

"Pero ang masasabi ko, isang kasal ito na napuntahan namin na sobrang romantic, sobrang lamig sa mata, nakakapagpangiti ng puso.

"Kasi, alam mo na ito ang kasal na ginusto ng kaibigan mo mula pagkabata niya at na-achieve niya.

"Nakakaiyak, kasi alam mong ang tagal niyang hinintay ng moment na yun.

"Happy ako for Jolina. Happy ako for Mark.

"Because nakakatuwa na sila yung pinagtagpo ng Diyos at para sila sa isa't isa.

"Ang sarap balik-balikan kasi napaka-simple ng kasal, pero nakatatak kasi masarap.

"Makikita n'yo, makikita n'yo kung ano ang ibig kong sabihin."

Dahil sinasabing halos lahat ng bisita sa kasal nina Jolina at Mark ay naiyak, si Juday ba ay umiyak din?

"Ay, oo!" bulalas ng tinaguriang young superstar.

"Para akong nanay ni Jolina, yung tulo lang nang tulo ang luha ko!

"Yung, 'May mascara pa ba ako?' Buti hindi ako naka-false eyelashes!

"Happy ako para sa kanya.


"Kasi, alam ko kung ano ang mga pinagdaanan niya.

"Alam ko kung ano ang mga pinagdasal niya, naging relasyon niya.

"At alam ko na deserve nila ang isa't isa."

JUDAY'S ADVICE. Matatandaang naging pribado rin ang pagpapakasal ni Juday kay Ryan noong April 28, 2009 sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas.

Ipinaalam lang ng dalawa ang kanilang pag-iisang dibdib ilang sandali pagkatapos ng kasal.

(CLICK HERE to read related story.)

Dahil nauna nang makaranas ng buhay may-asawa si Juday, may mga payo ba siyang ibinigay para kay Jolina?

Ayon kay Juday, "Si Jolina naman, confident naman ako sa kanya na kaya niyang gampanan ang lahat.

"Na gagawin lang niyang comedy ang buhay na ito, kasi matagal niyang pinangarap talaga na magkaroon ng asawa na maiintindihan siya.

"Asawa na kayang sakyan yung trip niya.

"At saka, yung siya.

"Bilang Jolina Magdangal, happy siya na ang napangasawa niya ay isang lalaking katulad ni Mark, na relax na relax sa buhay at steady na steady."

Dagdag pa niya, "Happy talaga ako na naitawid ni Jolina nang bonggang-bongga ang wedding nila, at ibinigay talaga ni Mark yun.

"Kung ano talaga ang role ng isang groom pagdating sa kasal, feeling ko, yun ang ginampanan ni Mark—na hindi siya umapela.

"Kasi, everything goes sa wedding, is a touch of Jolina. May panaka-nakang Mark lang.

"Pero nakakatuwa.

"Ang sarap pagkuwentuhan kasi kakaibang wedding, pero hindi yung bakling-bakli sa tradisyunal na wedding."

Sa palagay ba ni Juday ay napantayan ng kasal nina Jolina at Mark ang kasal nila ni Ryan?

Mabilis namang sagot ni Juday, "Magkaibang-magkaiba kasi ang wedding namin.

"Yung sa amin kasi, simple...



"Mukhang akala mo simple, pero hindi naman kasimple-simple ang gastos.

"Malamang kay Jolina, ganoon din.

"Simple, pero sa kakaibang level naman ang gastos.

"Iba ang detalye. Pero parehong very solemn.

"Parehong sikreto at parehong maraming tao na magagalit at nagalit."

Ang ibig tukuyin dito ni Juday ay ang mga taong hindi naimbitahan at nakaalam ng kanilang mga kasal.




SOURCE HERE


No comments:

Post a Comment