@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, November 29, 2011

Juday nagpa-yummy para kay Ryan






Manila, Philippines – ANG laki ng ipinayat ni Judy Ann Santos at balik sa pormang dalaga ang katawan niya. Effective ang cohen diet niya. Aniya sa presscon ng “My Househusband, Ikaw Na!” talagang nag-effort siyang magpapayat at kinakarir ang pagpapaganda para hindi na tumingin sa ibang babae ang asawa niyang si Ryan Agoncillo.

Sey naman ni mister, hindi isyu sa kanya ang weight ni misis. Kahit hindi pa raw pumayat si Juday, hindi magbabago ang pagtingin niya sa kanyang misis. When they got together, they both lost 30 to 40 pounds, ayon kay Ryan. Mas gusto niya ngayon si Juday at baka raw masundan na si baby Lucho.

May pinagselosan bang babae si Juday? “Wala pa naman akong nae-encounter na babae na sobrang malapit kay Rye para bigyan ko ng malisya. Siya ’yung tipo ng boyfriend na nagiging kaibigan ang mga ex-girlfriend.

“Hindi isyu sa akin kung may tsismis na may third party. Huwag namang mangyari at baka ibang tao na ang makikita ko. Baka magdilim ang paningin ko, maprisinto ako,” ewan kung seryoso o nagbibiro lang pahayag ni Juday. Inamin niyang may pinagselosan siyang ex-girlfriend ni Ryan. Hindi nga lang niya pinangalanan kung sino.

Ayon pa kay Juday, three or four months matapos silang ikasal ni Ryan ay nagkaroon sila ng isyu. Hindi siya nito kinakausap, kaya buwisit na buwisit siya. “Ano ba ito? Mabuti pang umalis na lang siya ng bahay. Nababaliw ako. Gusto niyang nababaliw ako (laughs),” sabi ni Juday.

Four days silang hindi nag-usap kaya ang ginawa niya, nagpa-spa siya at nagpaganda, ayon kay Juday. Ayon naman kay Ryan, four days siyang hindi nakakain kahit ipinagluluto naman siya ni Juday. “Kaya kong tiisin ’yung gutom. Pero ’yung ano (censored), hindi ko kaya (laughs),” said Ryan. Lalo na raw noong nakita niyang nagpaganda at ang bango-bango ng misis niya. “Pa-yummy ako nang kaunti (laughs),” sey ni Agoncillo.


SOURCE HERE

No comments:

Post a Comment