@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, November 29, 2010

Magic ni Juday, tumalab kay Casino!


 

Ang masuwerteng binata ay si Albie Casino na siyang love interest ni Kathryn Bernardo as “Mara” in the classic and longest running teleserye ever (more than 4 years on the air) that launch the careers of Judy Ann and Gladys Reyes.Muli na namang tumalab ang magic ni Judy Ann Santos sa nakasama niya sa “Gimik” bilang pamangkin niya at ngayon ay bida na sa “Mara Clara” sa papel na ginampanan pa mandin ng naugnay kay Juday na si Wowie de Guzman.
Masasabing masuwerte talaga o suwerte na ang dumating kay Albie na bagong tuklas at sinubukan lang sa “Gimik”, akalain mong maparis sa suwerte ni John Lloyd Cruz ang kapalaran sa showbiz ni Albie.
Kasi si John Lloyd, bagaman lumaki sa “Tabing Ilog” ay hindi pa umuusad ang career nung ilagay siyasa “Sa Puso Ko Iingatan Ka” bilang kapatid ni Juday. Komo toprater nga ang teleserye na ‘yun ay napansin agad ang deep dramatic acting ni Lloydie kaya binigyan agad siya ng solo teleserye katambal si Bea Alonzo.
And from then on, there’s no stopping Lloydie from winning laurels for his career, box-office king and best actor awards. Until now, nandiyan pa rin ang suwerte ni Lloydie kahit na kinupasan na ng ningning ang Papa Piolo ko na bagay na ngang maging tatay sa drama.
Ang mga kasama ni Albie sa “Mara Clara” na sina Julia Montes (as Clara), John Manalo and Kathryn ay pawang mga graduates ng “Goin Bulilit”. Outsider kumbaga si Albie at nadiskubre kung saan. Destiny na siguro ni Albie ito na ginawa siyang pamangkin ni Juday sa “Gimik 2010” without knowing na tutuloy siyang maging bida sa teleseryeng nagpasikat nang husto kay Juday in the role na ginampanan ni Wowie de Guzman na love interest ni Juday!
Komo mga bata pa ay nahasa na sa acting ang tatlong kasama ni Albie sa “Mara Clara” na sina John, Kathryn at Julia, sanay na sana ng humarap sa TV cameras ang tatlo, samantalang nangangapa pa si Albie but trying his best to keep at par with his co-stars.
“I’m just new in the business, so I’m still learning. I’m glad that my co-stars are very supportive and very fun to work with,” sabi ni Albie.
Oo nga. Halata ko nu’ng una na medyo asiwa pa si Albie sa acting niya, but as nights went by, unti-unti na siyang nakaagapay sa magagaling na co-stars niya lalo na kay John.
Wish nga ng mga fans nina Juday-Wowie na sumusuporta na rin ngayon kay Albie, maabot din niya ang inabot ng mga nakasama ni Juday sa mga TV shows niya at pelikula tulad nina Wowie, Piolo, Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Derek Ramsay, Joem Bascon, Will Devaughn, TJ Trinidad, JC de Vera, Luis Alandy, Ryan Agoncillo atbp. At mahalin niya nang husto ang propesyon niya para madali niyang maabot ang inaasam na tagumpay! Goodluck too, Albie Casino!

No comments:

Post a Comment