@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, November 21, 2010

Juday, ‘di nakayanan ang katakawan ni Baby Lucho


ABU TILAMZIK 


SA press release pa lang na ipinadala ng manager ni Ryan Agoncillo na si Noel Ferrer, nahahalata na naming disappointed ito sa inilabas ng ABS-CBN 2 na paparazzi shots na kuha sa binyag at reception ni Baby Lucho.

Bahagi ng press release nito, “We are happy and thankful that most of our friends in media honored such request -- except for one -- who came out with paparazzi shots of the baptism and reception.

“We know that media is such a mad scramble for scoops and ratings, but we would like to thank everyone who patiently understood the request of the Agoncillo family.”

Ang nakarating sa amin, sa GMA 7 lang muna ipinadala ang litrato ni Baby Lucho at sa ilang diyaryo.

Nang nakausap namin si Mommy Carol kahapon, masama rin ang kanyang loob dahil nirespeto ng mga kaibigang press at media ang konting privacy na hinihingi nina Ryan at Juday para sa kanilang anak, hindi man lang daw ito pinagbigyan ng kung ano mang programa sa ABS-CBN 2.

Nagulat na lang daw sila nang lumabas iyun sa TV Patrol na kuha mula sa malayong lugar.

“Naintindihan ko naman iyun na parehong celebrity sina Juday at Ryan pero they’re human beings na humihingi lang naman ng konting privacy,” himutok ni Mommy Carol.

“For 22 years na binibigay naman ni Judy Ann ang lahat sa publiko at wala namang naitatago, itong konting hiling lang naman nila na kung puwede, para sa kanila na lang muna iyun, pero isi-share naman nila pagkatapos lang ng binyag, hindi man lang napagbigyan.

“Nakaka-disappoint lang talaga,” patuloy ni Mommy Carol.
Hindi pa raw niya nakakausap si Judy Ann nang nakapanayam namin ito kahapon kaya hindi lang niya alam kung masama rin ang loob nito sa ginawa ng ABS-CBN 2.

Tuwang-tuwang ikinuwento ni Mommy Carol na napaaga ang binyag sa isang chapel sa Alabang at ang reception ay lunch na sa isang restaurant sa The Fort.
Naghanda raw ang mag-asawa ng masarap na almusal kaya parang natuwa na raw sila sa handaang iyun.

Pagdating sa reception ay doon na nagdatingan ang iba pang mga malalapit na kaibigan na imbitado sa naturang selebrasyon.

Nakatatlong palit pa raw ng damit si Baby Lucho at kakaiba pa raw ang ipinapasuot ni Juday dahil hindi raw ito naka*damit pambinyag kundi parang cool na bagets na naka-T-shirt at maong jeans ito. 

“Hindi ko alam kung ano ang pinaggagawa ni Juday sa anak niya,” natatawang pahayag ni Mommy Carol.

Nakapanayam ni Tito Joey de Leon si Ryan para sa Startalk at tuwang-tuwa itong ikinukuwento ang malaking pagbabago sa kanila magmula nang duma*ting si Baby Lucho.

Sa loob ng isang buwan ay nagpapa-breastfeed daw si Juday pero ngayon ay hinahaluan na raw ng formula dahil hindi nakayanan ni Juday ay pagiging matakaw ng kanilang anak.

Kuwento ni Mommy Carol, ang lakas dumede ni Baby Lucho, kaya pinayuhan na raw ito ng kanilang doktor na puwede na itong sabayan ng formula na gatas.
Kuwento ni Ryan, nakikita niya kay Juday na kahit enjoy na enjoy ito sa pag-aalaga sa kanilang anak, parang hinahanap na rin nito ang magtrabaho pero medyo matagal-tagal pa raw iyun.

Ang tantiya niya, mga mahigit isang taon pang magpapahinga si Judy Ann sa showbiz dahil gusto nitong personal na matutukan ang kanilang anak. 
Iyan ay kung hindi pa mabubuntis uli si Juday, ha?!

Samantala, nakara*ting na rin sa amin na meron nang commercial na gagawin si Judy Ann kasama si Baby Lucho at baka pati pa si Yohan, pero hindi pa puwedeng i-share ito ni Ryan dahil si Judy Ann daw ang nagde-decide niyan.
Mukhang malapit na itong gawin ni Judy Ann dahil nailabas na sa publiko ang litrato ng kanilang anak.

No comments:

Post a Comment