@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, November 28, 2010

Juday, gustong sundan agad si Baby Lucho



Written by Timmy Basil 
Saturday, 27 November 2010 00:01 


ABA, kakaiba talaga itong si Judy Ann Santos. Karamihan kasi sa mga kababaihan, nawawala ang kompiyansa sa sarili kapag nagbubuntis. At kapag nagle-labor na, may mga babaeng minumura ang kanilang asawa dahil sa “ginawa” nito sa kanya at mayroon namang sumusumpa to the high heavens na ayaw na talaga niyang umulit pa.

Pero iba nga si Judy Ann. Marami siyang natutunan nang siya ay magbuntis, mag-labor at sa pagsilang kay Baby Lucho. Of course naroon ‘yang pain, pero langit ang pakiramdam ni Judy Ann lalo na nang masilayan ang mukha ni Baby Lucho.

At ito na, dinig ko ay gusto na raw ni Juday na sundan kaagad si Baby Lucho. Gusto raw ni Juday na magbuntis na naman.

Aba kung didinggin ng nasa Itaas ang wish ni Juday eh, ‘di hindi talaga siya maaaring bumalik sa showbiz? 

Pero ‘yan naman talaga ang plano ng mag-asawa. The moment na manganak si Juday ay magpapahinga siya ng one year at saka magbabalik-showbiz pero ngayon pa lang ay mukhang hindi matutuloy ito lalo na kung magbubuntis kaagad si Juday.

Kaya doble dapat ang kayod ngayon ni Ryan Agoncillo literally and figuratively he-he-he-he.

O siya, habang keri pa ang magbuntis ay okey lang. For sure kahit ilan pa ang maging supling ng dalawa ay kayang-kaya naman nila itong bigyan ng magandang edukasyon, saganang pamumuhay, at lalaking puspos ng pagmamahal mula kina Juday at Ryan

No comments:

Post a Comment