@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, March 30, 2010

Ryan, nangarag sa paghahanap ng imported burger para kay Juday

Ryan, nangarag sa paghahanap ng imported burger para kay Juday

Author: Vinia Vivar

Nakatsikahan namin si Ryan Agoncillo sa grand launch ng TV5 last Thursday sa World Trade Center at siyempre ang una naming kinumusta sa kanya ay ang paglilihi ng kanyang asawang si Judy Ann Santoswho, as we all know, ay two months pregnant now.

"Parang ako 'yung tulog nang tulog, eh," say niya. "Hindi, okay naman. Magaan 'yung paglilihi niya. Hindi naman siya nagsusuka, parang minsan ko lang siyang nakitang nagsuka, pero normal naman yata 'yun. "

Tungkol sa pagkain, wala naman daw itong mahirap na hinahanap like one time, nag-request daw ito ng isang specific barbecue na ayaw na niyang sabihin kung anong restaurant.

"Bale, ang nangyari, hindi ko kasi alam kung saan may branch, so nagtatatawag ako sa mga kaibigan ko, tapos, naghanap sa Internet, tapos 'yung isang kaibigan ko, nahanap, kaso, 9:30 p. m. daw nagsasara ang mga branches, pero tinawagan 'yung isang branch, nagpaluto, ayun hinintay ako hanggang alas-onse, so, ayun, sarado na sila pero may naitabing limang piraso na naiuwi ko naman," kuwento niya.

Last Friday naman daw habang nagsu-shooting si Juday ay nag-text ito sa kanya na gusto nito ng In N Out burger na nabibili lang sa U. S.

"Sa LA lang meron nu'n, sa West Coast lang, so nag-text ako sa kanya, 'ilang araw meron ako?' Tapos, tumawa, 'basta hindi ka puwedeng umalis'. Eh, sabi ko talaga, bigyan mo lang ako ng ilang araw, aalis talaga ako, kukunin ko 'yun.

"Eh, 'di hindi na namin pinansin, nagtawanan na lang kami, dun nagtapos. Ang ginawa ko, nu'ng gabi, nag-shout-out ako sa Facebook, sabi ko "guys on the West Coast, help me. " So, ang daming mga pinsan, mga uncle na sumagot. Then, 'yung thesismate ko na taga-PAL, 'yun ang nag-respond.

"Kagabi, dumating. Limang cheeseburger. Nagtitili si Juday," kuwento ni Ryan.

Sa ngayon ay ine-enjoy daw nila ang bawat araw sa paglilihi stage ni Juday at masaya naman daw siya na ibinibigay ang mga nire-request nito. Say nga niya, para lang daw silang naglalaro at hindi naman siya nahihirapan.

Sa tanong kung hihila-hin niya ba si Juday sa TV-5, aniya, "naku, kanya-kanya naman kaming diskarte. Depende naman 'yun kung ano, eh, lagi namang magkahiwalay ang talks namin, eh. "

Sa ngayon ay dalawa ang shows ni Ryan sa Singko, ang Talentadong Pinoy at ang variety na Party on 5 na magsisimu-la pa lang. Ang nakatutu-wa, puwede rin siya sa ibang network dahil as we all know, napapanood din natin ang TV host/actor sa Eat Bulaga bilang co-host.



Glitter Text Generator

No comments:

Post a Comment