@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, March 28, 2010

Juday, sunud-sunod ang suwerte


Nagkataon nga lang ba o sadyang malaking swerte ang hatid ng teleseryeng Habang May Buhay para kina Juday, Joem Bascon, De rek Ramsay, at Gladys Reyes?

Mula kasi nang umere ang nasabing primetime soap, nagkasunod-sunod na ang magagandang pangyayari sa buhay ng mga pangunahing karak ter ng programa. Si Joem, nakatakdang maging bahagi ng isang bagong indie movie. Si De rek, tinaguriang “Universal Leading Man” ng local showbiz dahil sa dami ng kanyang movie at TV projects, bukod pa sa dumaraming product endorsements.

Si Gladys naman, mula nang muling lumabas bilang kontrabida ay sunod-sunod na ang TV guestings at isa na rito ang pagiging isa sa mga hurados ng Showtime. Syempre, sino pa bang hindi nakaaalam ng masayang pagbubuntis ni Juday matapos ang pagpapakasal noong nakaraang taon?

Nagkataon man o hindi, walang dudang wala na ngang bumibitaw sa top-rating show ng Queen of Pinoy Soap Opera Ms. Judy Ann Santos.

At ngayong linggo sa Habang May Buhay, tiyak na ikagugulat ng lahat ng loyal viewers nito ang mga susunod na pangyayari sa buhay nina Nurse Jane (Judy Ann Santos), David (De rek Ramsay), Raon (Joem Bascon) at Clarissa (Gladys Reyes).

Matapos ang mga maiiinit na kumprontasyon sa pagitan nina Jane, David at Clarissa kaugnay ng pagbubuntis ng doktora, isang hindi inaasahang tagpo sa ospital ang maglalantad sa itinatagong sikreto ni Clarissa.

Malalaman ni Jane na hindi si David, kundi ang kasintahan ng doktora na si Rod, ang tunay na ama ng pinagbubuntis nito.

Sa pagpapatuloy ng kwento, tuluyan na ka yang sumuko si Clarissa sa pag-ibig niya kay David o isang malupit na higanti ang ihahanda niya para matuloy ang mga plano niya?

Anong magiging reaksyon ni Ellen Corpuz (Tetchie Agbayani) sa ginawang pagsisinungaling ni Clarissa—kakalabanin ba niya ito o makiki pagsabwatan upang patuloy pa ring paghiwalayin sina Jane at David?

At sa paglabas ng katotohanan, mahanap kayang muli ni Jane sa puso niya ang pagpapatawad sa lalaking kanyang minamahal?

Patuloy na pakatutu kan ang programang gabi-gabing nagpapakilig, nagpapaluha at nagbibigay-pag-asa sa mga manonood. Para sa karagdagang updates, mag-logon sa http://hmbonline.multiply.com o sa www.abs-cbn.com.

------------------------------


Ryan, nangarag sa paghahanap ng imported burger para kay Juday
Mar 27, '10 10:24 PM







by Vinia Vivar
Saturday, 27 March 2010 18:55
Nakatsikahan namin si Ryan Agoncillo sa grand launch ng TV5 last Thursday sa World Trade Center at siyempre ang una naming kinumusta sa kanya ay ang paglilihi ng kanyang asawang si Judy Ann Santos who, as we all know, ay two months pregnant now.

“Parang ako ’yung tulog nang tulog, eh,” say niya. “Hindi, okay naman. Magaan ’yung paglilihi niya. Hindi naman siya nagsusuka, parang minsan ko lang siyang nakitang nagsuka, pero normal naman yata ’yun.”

Tungkol sa pagkain, wala naman daw itong mahirap na hinahanap like one time, nag-request daw ito ng isang specific barbecue na ayaw na niyang sabihin kung anong restaurant.

“Bale, ang nangyari, hindi ko kasi alam kung saan may branch, so nagtatatawag ako sa mga kaibigan ko, tapos, naghanap sa Internet, tapos ’yung isang kaibigan ko, nahanap, kaso, 9:30 p.m. daw nagsasara ang mga branches, pero tinawagan ‘yung isang branch, nagpaluto, ayun hinintay ako hanggang alas-onse, so, ayun, sarado na sila pero may naitabing limang piraso na naiuwi ko naman,” kuwento niya.

Last Friday naman daw habang nagsu-shooting si Juday ay nag-text ito sa kanya na gusto nito ng In N Out burger na nabibili lang sa U.S.

“Sa LA lang meron nu’n, sa West Coast lang, so nag-text ako sa kanya, ‘ilang araw meron ako?’ Tapos, tumawa, ‘basta hindi ka puwedeng umalis’. Eh, sabi ko talaga, bigyan mo lang ako ng ilang araw, aalis talaga ako, kukunin ko ’yun.

“Eh, ’di hindi na namin pinansin, nagtawanan na lang kami, dun nagtapos. Ang ginawa ko, nu’ng gabi, nag-shout-out ako sa Facebook, sabi ko “guys on the West Coast, help me.” So, ang daming mga pinsan, mga uncle na sumagot. Then, ’yung thesismate ko na taga-PAL, ’yun ang nag-respond.

“Kagabi, dumating. Limang cheeseburger. Nagtitili si Juday,” kuwento ni Ryan.

Sa ngayon ay ine-enjoy daw nila ang bawat araw sa paglilihi stage ni Juday at masaya naman daw siya na ibinibigay ang mga nire-request nito. Say nga niya, para lang daw silang naglalaro at hindi naman siya nahihirapan.

Sa tanong kung hihila-hin niya ba si Juday sa TV-5, aniya, “naku, kanya-kanya naman kaming diskarte. Depende naman ’yun kung ano, eh, lagi namang magkahiwalay ang talks namin, eh.”

Sa ngayon ay dalawa ang shows ni Ryan sa Singko, ang Talentadong Pinoy at ang variety na Party on 5 na magsisimu-la pa lang. Ang nakatutu-wa, puwede rin siya sa ibang network dahil as we all know, napapanood din natin ang TV host/actor sa Eat Bulaga bilang co-host.

Glitter Text Generator

No comments:

Post a Comment