@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, March 8, 2010

Ryan, excited nang maging ama


Ryan, excited nang maging ama
Allan Diones

SANDAMUKAL na ang nanghihingi ng kumpirmasyon sa pagbubuntis ni Judy Ann Santos kaya diretso naming itinanong ‘yon kay Ryan Agoncillo nang makausap namin siya kahapon sa presscon ng TV5 para sa bagong season ng Talentadong Pinoy.
“You know guys, as with anything with our lives, hindi naman namin ipagdaramot,eh. But at this point kasi, hangga’t hindi pa namin lubusang nako-confirm, we need some more confirmations.
“When the time comes, we will share it to you. We will share it with you guys once we have that solid confirmation. Kasi, ayaw naman naming maudlot,” paha­yag ni Ryan.
Ngayong Marso ba magaganap ang announcement na ‘yon?
“I wouldn’t know, but you’ll know. As soon as we get confrmation,” sey pa ng mister ni Juday.
Nagbabalak silang magbiyahe sa Europa sa birthday nila at first wedding anniversary (sa Abril hanggang Mayo). Matutuloy pa ba ang lakad na ‘yon ‘pag nakumpirma nilang buntis na si Juday?
“Iyun nga eh, it will depend on the OB Gyne. ‘Yung doktor ang magsasabi. The OB will be the one to say kung puwedeng mag-travel o hindi (si Juday).”
Ayaw sabihin ni Ryan kung anong mga napapansin niyang pagbabago kay Juday at kung may pinag lilihian na ba ito. Basta, ‘pag confirmed na raw ang lahat ay ipagsisigawan pa niya ito sa publiko.
“Sa ngayon, huwag na muna. Tama na muna ‘yung mga ibang tanong. Pagbigyan n’yo na lang muna kami,” napapangiting dayalog pa ni Ryan, na sobrang excited nang maging ama.
Meron na silang naisip na ipapangalan sa magiging baby nila ni Juday. May nakahanda na silang name, babae man o lalaki ang lumabas.
Pag sure na sure na ang lahat ay malamang magpa-party si Ryan.
Mas gusto niya bang magpahinga muna na pagtatrabaho si Juday para na rin sa magiging baby nila?
“Kung ako lang ‘yung masusunod, marami akong naiisip na dapat niyang gawin. Pero hindi ganu’n ‘yung buhay namin, eh. We both make decisions. 50-50 kami sa decisions. And she’s made commitments.
“Pero late last year, sinabi na niya sa akin na she wants to slow down. So sabi ko, it’s up to you. Depende ‘yon sa mga commitment niya, eh.
“Hindi ako privy sa work sked niya, eh. So, hindi ko alam ‘yung load niya ng trabaho.
“But, sinabi ko sa kanya na, ‘I’ll make sure na when the time comes that you want to slow down, eh okey tayo. Hindi tayo aalug-alog.’”

Buntis man o hindi si Juday ay nakatakdang gawin ng mag-asawa ang movie project na Pe├▒afrancia sa Unitel Pictures na ididirek ni Marilou Diaz-Abaya.
Light lang ang sked nilang dalawa rito at alam na ni Direk Mari lou ang gagawin sa anumang puwedeng maging sitwasyon ni Juday.
Kung siya ang papipiliin, ano ang gusto niyang maging talent ng anak nila ni Juday?
“Well, si Yohan (adopted daughter nila), madrama siya tulad ng nanay at madaldal siya tulad ko. So, ‘yung susunod namin, siguro bahala na. Basta magaling siya sa kung anumang piliin niyang gawin.”
***
Miscommunication lang pala ang nangyari kamakailan nang ma-tense-tense silang mag-asawa dahil kay Yohan. Noon daw kasi ay na-rush na ito sa ospital dahil sa kombulsyon.
This time ay nagkaroon ng miscomunication si Juday at ang yaya ni Yohan. Nang tumawag kasi ang yaya ay sinabi nitong na nginginig si Yohan.
Akala nila ay nagtsi-chills na, pero 38.8 lang pala ang lagnat ng bagets. Pagkauwi ni Ryan mula Eat Bulaga para dalhin si Yohan sa ospital ay wala na itong lagnat.
Pina-test na rin nila ito sa ospital, pero negative ang blood tests. May viral thing lang daw itong nasagap na normal sa mga bata.
Balitang marami nang artista ang gustong lumipat sa TV5. Kailan kaya susunod sa kanya si Juday sa Singko?
“Ay, hindi ko po alam. Honestly, hindi ko alam. Kasi, hindi kami ganu’n mag-discuss, eh,” sambit ni Ryan, na very happy sa kanyang ta lent show sa TV5 na Talentadong Pinoy na magiging Sabado’t Linggo na sa pagsisimula ng ikapitong season nito sa Marso 13.




Glitter Text Generator

No comments:

Post a Comment