@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, March 30, 2010

Ryan Agoncillo is touched by friends’ efforts to help his wife Judy Ann Santos with her pregnancy


Ryan Agoncillo is touched by friends’ efforts to help his wife Judy Ann Santos with her pregnancy
by Bernie Franco | March 28, 2010 11:49 PM | Share this article

Matapos ang itanggi ang mga maling balitang nagkaroon daw ng miscarriage si Judy Ann Santos, tila ini-enjoy naman niya at ng asawang si Ryan Agoncillo ang pagbubuntis ng aktres. Iniulat sa The Buzz kahapon na sa pagtindi ng paglilihi ni Judai ay natataranta naman ang kanyang actor-host na asawa. “Hindi naman siya ‘yung demanding na ‘di ako makakauwi ng bahay hangga’t wala akong dala ng hinihingi niya pero nagiging fun na rin kasi,” simula ni Ryan. “Never naman siyang mahiling na tao so once humiling siya, it becomes a fun thing sa mga friendsna tawagan, text-an, (sagutan) namessages sa Facebook. It’s become a little treasure hunt for everybody.”

Paliwanag pa ni Ryan, dating mahilig sa isda at gulay, ayaw na muna ni Judai ngayon ng isda at hindi mahilig sa gulay samantalang madalas humanap ng karne na dati naman niyang hindi masyadong kinakain.

Pero ang pinakamalaking hamon so far na nangyari kay Ryan ay nang humiling si Judai ng burger mula sa isang burger chain na sa US lamang mayroon. “Nag-text siya sa akin gusto raw niya ng In-N-Out Burger.Saan ka maghahanap ng In-N-Out dito sa Pilipinas?” kuwento ni Ryan. Nang itanong daw niya kay Judai kung ilang araw na palugit meron siya, sinagot daw ni Judai na basta hindi siya puwedeng umalis ng bansa. Naglagay daw siya ng mensahe sa Facebook na humihingi ng tulong mula sa mga kaibigan na nasa America.

Hindi naman nabigo si Ryan dahil may mga kaibigan siyang mula sa US ang nag-balik-bayan at dala na ang burger ni Judai makalipas ang ilang araw. “Pagkakita pa lang niya (Judai) alam na niya ‘yung kahong pinaglalagyan nun, eh.” Pero nilinaw ni Ryan na mas natutuwa umano si Judai sa katotohanang maraming taong nagmamahal sa kanila ni Ryan at gumagawa ng mga bagay na mahirap masigurado lamang na nasa mabuti siyang kalagayan. “I guess natuwa siya dun sa fact na maraming gustong magpasaya. More than the burger, it’s the thought that made her happy,” kuwento ng actor-host.

Sabi naman ng The Buzz host na si Kris Aquino dahil daw sa pagiging mabait ng mag-asawa ay maraming tao ang tumutulong upang ibalik ang kabutihan nila.


Glitter Text Generator

No comments:

Post a Comment