@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, October 16, 2012

Judy Ann Santos admits still feeling pressured on returning as a host in ‘Pinoy MasterChef’


http://www.push.com.ph/features/8538/judy-ann-santos-admits-still-feeling-pressured-on-returning-as-a-host-in-pinoy-masterchef/


10/17/2012 8:46 AM

by: Krissa Donida

101712-juday_main.jpgHalatang masaya si Judy Ann Santos matapos ang kanyang pictorial para sa Pinoy Masterchef.“Excited!” ang unang batid niya nang kamustahin kung ano ang nararamdaman niya sa kanyang pagbabalik bilang host. “Namiss ko din kasi yung tatlong chefs ko so maliban dun, excited ulit ako makasama sila. Excited ako na makakita ulit ng bagong talento sa Plipinas na talagang mahuhusay magluto kaya isa yun sa mga nakaganda din dito sa MasterChef. Nailalabas natin yung home cooks, na hindi chefs lang dapat ang may alam sa pagluluto, na lahat naman tayo may karapatan magluto.”

Sa Junior MasterChef, mga bata ang kanilang mga nakasama at aminado naman sina Judy Ann at ang mga kasama niyang chefs na mas maingat sila sa mga binibitawang mga kumento sa mga bata. Ngunit ngayong mas matanda na ang kanilang mga makakasalamuha, wala na bang takot ang kanilang mga magiging kumento? “Mas straightforward lang siguro ng konti kasi trabaho ng tatlong chefs yun e at sila din naman yung mas may karapatan na magsabi ng karapatan sa opinyon nila sa pagkain. Ako naman wala pa akong napapatunayan, hindi naman ako chef. Nag-aaral pero hindi naman ako nakarating sa liga nilaso mas matitindi lang siguro yung mga challenges na makikita ng mga viewers ngayon kasi adultna yung mga contestants natin. Mas malaman yung istorya ng bawat contestants at at the same time madrama din.”

Maliban sa mga masasarap na pagkain at mga magagaling na contestants na masasaksihgan, kwento pa ni Juday na mas may lalim at may hugot ng istorya sa buhay ang mga mapapanood na mga contestants. “Actually karamihan sa kanila, may ibig sabihin sa kanila ang MasterChef. Hindi lang nila gusto magluto, may mga gusto silang patunayan, may mga gusto silang marating and at the same timemay gusto silang relatives na mapansin sila, na meron silang ibang kakayahan na maliban sa napapansin ng mga kamag-anak nila, mga ganun. Napaka-juicy niya kumpara sa pagkain, malaman.

At patungkol naman sa kanyang pagbabalik bilang host, nang matanong ng Push si Juday kung mas kumportable na ba siya ngayon, “Mas confident na lang ng konti kasi napagdaanan ko na yung first step e. Saka para sa akin talaga mas mahirap magbigay ng opinyon sa mga bata kasi bata yung kausap mo, kailangan very careful ka sa mga pagbigay ng salita kasi ayaw ko naman na hanggang sa paglaki nila dadamdamin nila yung mga sinabi ko ‘di ba? Mas confident pero mas nakakakaba kasi hindi ko alam kung papaano itatake ng contestants at mga chef judges at ako din dahil magiging very sports ba sila sa pagrinig at pagtanggap ng opinyon namin o kalma lang o baka hindi din. Ito ata yung show na maraming paninimbang na mangyayari.

Inamin din ni Juday na hindi pa rin nawawala ang pressure na kanyang nararamdaman kahit na naging matagumpay ang kanyang hosting at ang mismong show na Junior MasterChef na susundan nito. “Siyempre may pressure pa din kasi ang dami din cooking shows na nangyayari at hindi rin naman ito yung cooking show na adult yung binigay naming contestants. Ngayon pa lang mangyayari ito sa ABS pero confident kami na iba naman kasi yung atake ng show na ito. Maliban sa franchise nga ito ng MasterChef, mas maraming angulo ang makikita dito ng mga tao. Hindi lang siya basta pagluluto.”

No comments:

Post a Comment