http://www.pinoyparazzi.com/judy-ann-santos-at-piolo-pascual-posible-pa-ring-magtambal/
Pero sa gawa at tunay na desisyon, ewan na lang magkakatuluyan iyan. Kasi nga, sa mga panahong ito ay sobrang busy si Juday, dahil ang dami-dami pa niyang mga proyekto na unang natanguan, na hindi pa rin nagkakatuluyan,kaya kung ano muna ‘yung nakaplanong gawin ay siyang inuumpisahan. Nariyan din ang pagbibigay niya ng panahon sa pamilya nila ni Ryan Agoncillo, dahil nagsisilakihan na ang kanilang mga anak na sina Yohan at Baby Lucho.
Pero alam n’yo bang dati ay may isyu, na dahil diumano’y sikat na sikat at parang hari ng Kapamilya Network si Piolo, parang mayroong angas noon, natanggihan na niyang makapareha si Juday? Ipinagwalang-bahala iyon ng kampo ni Juday. Pero sa nga-yon, kaguwapuhan lang talaga ni Piolo ang nagpapasikat sa kanya sa showbiz. Walang duda tungkol d’yan. Pero pansinin n’yo, na magmula nang mabuwag ang loveteam nila ni Juday, wala nang pelikula si Piolo na kumikita sa takilya, samantalang nang mapahiwalay sa kanya si Juday at maikasal kay Ryan ay patok pa rin ang mga proyekto ng young superstar.
ChorBA!
by Melchor Bautista
by Melchor Bautista
No comments:
Post a Comment