Kinumpirma naman ni Piolo Pascual sa isang hiwalay na interview ang kanilang pagkikita ng Against All Odds star. Ayon kay Piolo, hindi naman daw mawawala sa kanila ni Juday ang magandang samahan dahil na rin sa kanilang pinagdaanan bilang magkatambal at magkaibigan. Naniniwala si Piolo Pascual na hindi mawawala ang kanilang pagkakaibigan ni Judy Ann Santos kahit kailan. Nasa iisang pamilya lamang din daw ang dalawa kung kaya walang dahilan para sila ay mag-iwasan pa. Wala naman daw problema sa aktor kung magkaroon sila ng teleserye o pelikula na magkasama ni Juday. Ayon kay Piolo, kung papayag umano si Judy Ann Santos ay suportado niya ito. Pareho naman ang naging reaksyon ng dalawa patungkol dito dahil mahalaga umano ay mapag-uusapan nang maayos ang proyekto.
0
No comments:
Post a Comment