LILIWANAG ang Pasko sa mga kuwento ng kabayanihang pupukaw sa ating mga damdamin simula ngayong Oktubre sa paglulunsad ng Christmas station ID ng ABS-CBN ngayong gabi, pagkatapos ng TV Patrol.
Pinamagatang "Lumiliwanag ang Mundo sa Kuwento ng Pasko," ang station ID para sataong ito ay sasalamin sa kung paano nananaig ang pag-asa at pagtutulungan sa puso ng mga Pilipino sa panahon ng mga kalamidad.
"Ipapakita namin dito kung paano nagsisilbing tanglaw o ilaw ang bawat Pilipino sa kanilang pagtulong sa kanilang mga kababayan na makaahon sa pagkakalugmok.
"Ang bansa ay talagang likas na mayaman sa mga taong busilak ang puso at laging handang magmalasakit sa nanga- ngailangan," sabi ni head of Creative Communications Management Robert Labayen.
Karamihan sa mga eksenang kinunan sa station ID ay hango sa mga totoong kuwentong nangyari sa kasagsagan ng paghagupit ng habagat.
Andiyan ang bumbero na niligtas ang buhay ng mga na-stranded sa kanilang mga bahay; isang chef na binuksan ang pintuan ng kanyang restaurant para pakainin ang mga biktima; isang aleng nag-alok ng kanyang jacket sa isang batang palaboy na nilalamig dala ng ulan; at maging mga sibilyang nag-alay ng kanilang oras para sumali sa mga relief operation.
Daan-daang Kapamilya stars ang magpupugay sa mga makabagong bayaning Pinoy sa station ID.
Gagawin muling simbulo ang parol para kumatawan sa ilaw na magpapaliwanag sa mundo ngayong Kapaskuhan.
Mabibili ang Kapamilya Parol sa SM Kultura at ABS-CBN Studio Store. Maaari ring mag-order online sa abscbnstore.multiply.com.
Ang station ID theme song na Kuwento ng Pasko ay inawit nina Zsa Zsa Padilla, Sarah Geronimo, Martin Nievera, Vina Morales, Billy Crawford, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Erik Santos, Jed Madela, Christian Bautista, Bugoy Drilon, Marcelito Pomoy, Jovit Baldivino, Aiza Seguerra, Ri- chard Poon, Juris,Princess, Sitti, Kean Cipriano, Bamboo, kid singers mula sa ABS-CBN Star Magic, KZ Tandingan, Daniel Padilla at Piolo Pascual.
Nasa Xmas station ID sina Ai Ai de las Alas, ANC anchors, Angel Locsin, Anne Curtis, Bea Alonzo, Charlene Gonzales, Charo Santos-Concio, Erich Gonzales, Gerald Anderson & Philippine Coast Guards, Gretchen Barretto & Albert Martinez, TV Patrol newscasters, Jake Cuenca, Iza Calzado, Gabby Concep- cion, Jodi Sta. Maria & Richard Yap, Judy Ann Santos, KC Concepcion, Kris Aquino, Luv U cast, Paraiso cast, Sam Concepcion, Rayver Cruz, PBB housemates, Zanjoe Marudo, UKG hosts, Tina Monzon-Palma at Tambayan 101.9 DJs.
Ang station ID at pagbebenta ng Kapamilya Parol ay bahagi ng malawakang Xmas campaign ng ABS-CBN.
Bahagi rin ng kampanya ang Kapamilya Simbang Gabi, viewer promo, at Xmas special.
Ipapalabas din ang Xmas station ID ngayong gabi sa Studio 23, DZMM TeleRadyo, ANC, Lifestyle Network, Cinema One, MYX, Hero TV, Velvet, Balls at Digital TV channels.

No comments:
Post a Comment