@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Showing posts with label pinoy masterchef. Show all posts
Showing posts with label pinoy masterchef. Show all posts

Thursday, November 8, 2012

Judy Ann Santos takes time off from taping next teleserye to host MasterChef

“Siyempre, sa teleserye ako nakilala, ayaw ko namang mag-suffer yung performance ko sa teleserye. Ganun din dito sa pagho-host kasi bagong pasok lang ako dito, tapos babarubalin ko na," explains Judy Ann Santos-Agoncillo about doing MasterChef Pinoy Edition first before her teleseryeAgainst All Odds.

Aminado ang aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo na na-miss niya ang paghu-host matapos ang weekly cooking show niya noon na Junior MasterChef.

Kaya naman natuwa raw siya nang malamang magkakaroon din ng Pinoy edition ang orihinal na MasterChefat siya pa rin ang napiling host nito.

“After Junior MasterChef, hinahanap mo rin yung susunod na hosting stint mo, bilang baguhan ka rin sa field na ‘to,” sabi ni Judy Ann nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media sa press conference ngMaster Chef kaninang tanghali, November 8.

Sa programang ito, mas matatanda na ang magiging kalahok, dahilan kung bakit kinakabahan si Judy Ann sa pagbabalik niya bilang host.

“Ito kasi, ibang take all in all,” ani Judy Ann.

“Sa Junior MasterChef kasi, parang nice ka.

"Ito, kailangan mo ng kaunti ang slightly pagiging impakta side mo para medyo matakot.

“Basta, iba dito.

"Excited ako, happy ako, pero kinakabahan pa rin.

“Kasi siyempre, makikita nga ng ibang tao yung ibang side ko when it comes to giving comments and tasting.

“Yung overall impact ng isang host, iba ‘to, e.”

Katulad ng sinabi niya sa kanyang unang hosting job, umaasa si Judy Ann na magugustuhan pa rin ng mga manonood ang anumang maipapapkita niya sa bagong programa.

“Iba ito kaysa sa Junior MasterChef, so hindi ko alam kung how they will take it, di ba?

“Pero I’m keeping my fingers crossed na mag-enjoy sila.

“Maliban sa pagpansin sa trabaho ko, sana ma-enjoy nila ang buong show kung gaano nag-e-enjoy ang mga contestants dito sa Master Chef.”

Sa Master Chef, tiniyak ni Judy Ann na makikita siya ng mga manonood na "mas magiging prangka, mas magiging istrikto."


Dagdag niya, “At saka mas maraming information yung makukuha ng mga tao habang pinapanood nila itongMasterChef.”

Ang MasterChef Pinoy Edition ay mapapanood araw-araw, bago ang Be Careful With My Heart, sa ABS-CBN, simula sa November 12.

TELESERYE WAS MOVED. Dahil sa muli niyang pagho-host ng MasterChef, naurong naman ang airing ng bago sanang teleserye ni Judy Ann sa ABS-CBN, angAgainst All Odds.

Nami-miss na rin daw ng aktres ang gumawa ng isang teleserye, pero ayaw niyang makumpromiso ang kanyang trabaho bilang artista kung isasabay ito sa paghu-host ng cooking reality show.

Ito ang dahilan kaya nahinto muna ang paggawa ng teleserye kasama sina KC Concepcion, Sam Milby, at Jericho Rosales.

Kuwento ni Judy Ann, “In-explain ko na rin naman sa kanila, kung ipapagawa n’yo sa akin yung MasterChef, hindi ko kayang pagsabayin ang MasterChef at teleserye at the same time, kasi paniguradong may magsa-suffer.

“Ayaw ko naman ng ganun.

“Siyempre, sa teleserye ako nakilala, ayaw ko namang mag-suffer yung performance ko sa teleserye.

“Ganun din dito sa paghu-host kasi bagong pasok lang ako dito, ‘tapos babarubalin ko na.

“So, naiintindihan naman nila.

“Kaya nga sabi ko, kung magma-MasterChef tayo, mag-stop muna tayo.

“We will resume next year.”

Paniniguro pa ni Judy Ann, “Tuloy pa rin.

“Wala namang nabago, wala namang natanggal, and wala rin namang nabawas.

“Nagdagdag kami, si Jericho [Rosales], pero tuloy pa rin siya, definitely.”

Wednesday, October 17, 2012

Judai more confident to host 'MasterChef'


http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/10/17/12/judai-more-confident-host-masterchef


MANILA, Philippines – After the successful "Junior Master Chef Pinoy Edition," television host and actress Judy Ann Santos feels more confident to host another season of the reality cooking show.
Actress Judy Ann Santos
Santos will soon be returning on television to host “Pinoy MasterChef,” this time with adults showing off their culinary skills.
“Siyempre may pressure pa din kasi ang dami ring cooking shows na nangyayari ...Ngayon pa lang mangyayari ito sa ABS pero confident kami na iba naman kasi yung atake ng show na ito,” Santos said.
Aside from cooking, viewers will also see get to know more about the competing chefs as the lives of the contestants will also be featured in the show.
“Actually karamihan sa kanila, may ibig sabihin sa kanila ang 'MasterChef.' Hindi lang nila gusto magluto, may mga gusto silang patunayan, may mga gusto silang marating and at the same time may gusto silang relatives na mapansin sila, na mayroon silang ibang kakayahan na maliban sa napapansin ng mga kamag-anak nila, mga ganun. Napaka-juicy niya. Kumpara sa pagkain, malaman,” she said.
Santos said “Pinoy Masterchef” will definitely be more challenging compared to the kiddie edition.
“Mas straightforward lang siguro ng konti kasi trabaho ng tatlong chefs 'yun eh at sila din naman 'yung mas may karapatan na magsabi ng karapatan sa opinyon nila sa pagkain. Ako naman wala pa akong napapatunayan, hindi naman ako chef. Nag-aaral pero hindi naman ako nakarating sa liga nila. So mas matitindi lang siguro 'yung mga challenges na makikita ng mga viewers ngayon kasi adult na 'yung mga contestants natin. Mas malaman 'yung istorya ng bawat contestants at, at the same time, madrama din,” she explained.
According to Santos, she is looking forward to reuniting with judges Fernando Aracama, Rolando Laudico and JP Anglo, who are professional Filipino chefs.
“Excited ulit ako makasama sila. Excited ako na makakita ulit ng bagong talento sa Plipinas na talagang mahuhusay magluto kaya isa yun sa mga nakaganda din dito sa 'MasterChef.' Nailalabas natin 'yung home cooks, na hindi chefs lang dapat ang may alam sa pagluluto, na lahat naman tayo may karapatan magluto,” she said.
"Pinoy MasterChef" is set to join the "Umaganda" line-up of ABS-CBN, airing at 10:30 a.m. before the top-rating series "Be Careful With My Heart." The cooking show is expected to premiere this year. -- with a report from Push.com.ph

Master Chef ni Judy Ann Santos sa Nobyembre 12 na


http://www.balita.net.ph/2012/10/master-chef-ni-judy-ann-santos-sa-nobyembre-12-na/#.UIAi7m_A-RM


Ni Reggee Bonoan
PANSAMANTALANG natigil ang taping ng Against All Odds nina Judy Ann Santos at Sam Milby dahil inuuna muna ng aktres ang taping ng Master Chef Pinoy Edition na eere na sa Nobyembre 12, Lunes.
JUDY Ann SantosMapapanood na ang Master Chef Pinoy Edition ni Juday sa morning timeslot bago raw mag-Be Careful With My Heart para tapatan ang cooking show din ng ibang TV network.

Kuwento sa amin ni Direk Malu Sevilla nang makatsikahan namin sa Grams Diner kasama sina Manay Ethel Ramos, Isah Red at Leo Bukas noong Biyernes ay nahinto nga ang tapings nila sa Against All Odds.
“Juday kasi has to tape Master Chef, may airing schedule na po sila, while Against All Odds, wala pa, so unahin muna niya ang Master Chef,” kuwento ng direktor ng serye.
Pabor din kay Sam ang pansamantalang pagtigil ng taping nila ni Juday dahil magiging busy rin siya sa ibang show at kasalukuyang nasa New York City para sa isang commitment. Natapos na ring i-shoot ng aktor ang indie movie na next year ipalalabas.
Samantala, bagamat nagbatian sina Juday at Piolo Pascual sa nakaraang trade launch sa NBC Tent last week ay marami ang hindi pabor na muli silang magsama sa project dahil tiyak na kaliwa’t kanan na naman ang isyung masusulat.
Bukod dito, mas tahimik ang buhay ng aktres ngayon bagay na gusto rin naman niya at may projects naman siya kaya ano pa nga ba ang dahilan para magsama sila ni Piolo?

Serye nila ni Sam naudlot Judy Ann, balik muna sa pagluluto!

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=860712&publicationSubCategoryId=96


No photo





SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) Updated October 18, 2012 1


Malapit nang mapanood muli si Judy Ann Santos sa Pinoy Master Chef sa telebisyon. Ngayon ay excited na ang aktres sa pagbabalik ng nasabing show sa ere. “Excited! Na-miss ko rin kasi ‘yung tatlong chefs ko. So maliban dun, excited ulit akong makasama sila. Excited ako na makakita ulit ng bagong talento sa Pilipinas na talagang mahuhusay magluto kaya isa ‘yun sa mga nakaganda rin dito sa Master Chef. Nailalabas natin ‘yung home cooks, na hindi chefs lang dapat ang may alam sa pagluluto, na lahat naman tayo may karapatan magluto,” nakangiting pahayag ni Judy Ann.
Sa nakaraang season ng Pinoy Master Chef ay mga bata ang naging contestants pero ngayon ay adults naman ang mga kasali.
Ngayon ay mas magiging kumportable na raw si Juday pero nakakaramdam din ng kaba. “Mas confident na lang ng konti kasi napagdaanan ko na ‘yung first step eh. Saka para sa akin talaga mas mahirap magbigay ng opinyon sa mga bata kasi bata ‘yung kausap mo, kailangan very careful ka sa mga pagbibigay ng salita. Kasi ayaw ko naman na hanggang sa paglaki nila, dadamdamin nila ‘yung mga sinabi ko ‘ di ba?
“Mas confident pero mas nakakakaba kasi hindi ko alam kung paano ite-take ng contestants at chef judges at ako rin dahil magiging very sports ba sila sa pagdinig at pagtanggap ng opinyon namin o kalma lang, o baka hindi rin. Ito yata ‘yung show na maraming paninimbang na mangyayari,” paliwanag pa ng aktres.

Tuesday, October 16, 2012

Judy Ann Santos admits still feeling pressured on returning as a host in ‘Pinoy MasterChef’


http://www.push.com.ph/features/8538/judy-ann-santos-admits-still-feeling-pressured-on-returning-as-a-host-in-pinoy-masterchef/


10/17/2012 8:46 AM

by: Krissa Donida

101712-juday_main.jpgHalatang masaya si Judy Ann Santos matapos ang kanyang pictorial para sa Pinoy Masterchef.“Excited!” ang unang batid niya nang kamustahin kung ano ang nararamdaman niya sa kanyang pagbabalik bilang host. “Namiss ko din kasi yung tatlong chefs ko so maliban dun, excited ulit ako makasama sila. Excited ako na makakita ulit ng bagong talento sa Plipinas na talagang mahuhusay magluto kaya isa yun sa mga nakaganda din dito sa MasterChef. Nailalabas natin yung home cooks, na hindi chefs lang dapat ang may alam sa pagluluto, na lahat naman tayo may karapatan magluto.”

Sa Junior MasterChef, mga bata ang kanilang mga nakasama at aminado naman sina Judy Ann at ang mga kasama niyang chefs na mas maingat sila sa mga binibitawang mga kumento sa mga bata. Ngunit ngayong mas matanda na ang kanilang mga makakasalamuha, wala na bang takot ang kanilang mga magiging kumento? “Mas straightforward lang siguro ng konti kasi trabaho ng tatlong chefs yun e at sila din naman yung mas may karapatan na magsabi ng karapatan sa opinyon nila sa pagkain. Ako naman wala pa akong napapatunayan, hindi naman ako chef. Nag-aaral pero hindi naman ako nakarating sa liga nilaso mas matitindi lang siguro yung mga challenges na makikita ng mga viewers ngayon kasi adultna yung mga contestants natin. Mas malaman yung istorya ng bawat contestants at at the same time madrama din.”

Maliban sa mga masasarap na pagkain at mga magagaling na contestants na masasaksihgan, kwento pa ni Juday na mas may lalim at may hugot ng istorya sa buhay ang mga mapapanood na mga contestants. “Actually karamihan sa kanila, may ibig sabihin sa kanila ang MasterChef. Hindi lang nila gusto magluto, may mga gusto silang patunayan, may mga gusto silang marating and at the same timemay gusto silang relatives na mapansin sila, na meron silang ibang kakayahan na maliban sa napapansin ng mga kamag-anak nila, mga ganun. Napaka-juicy niya kumpara sa pagkain, malaman.”

At patungkol naman sa kanyang pagbabalik bilang host, nang matanong ng Push si Juday kung mas kumportable na ba siya ngayon, “Mas confident na lang ng konti kasi napagdaanan ko na yung first step e. Saka para sa akin talaga mas mahirap magbigay ng opinyon sa mga bata kasi bata yung kausap mo, kailangan very careful ka sa mga pagbigay ng salita kasi ayaw ko naman na hanggang sa paglaki nila dadamdamin nila yung mga sinabi ko ‘di ba? Mas confident pero mas nakakakaba kasi hindi ko alam kung papaano itatake ng contestants at mga chef judges at ako din dahil magiging very sports ba sila sa pagrinig at pagtanggap ng opinyon namin o kalma lang o baka hindi din. Ito ata yung show na maraming paninimbang na mangyayari.”

Inamin din ni Juday na hindi pa rin nawawala ang pressure na kanyang nararamdaman kahit na naging matagumpay ang kanyang hosting at ang mismong show na Junior MasterChef na susundan nito. “Siyempre may pressure pa din kasi ang dami din cooking shows na nangyayari at hindi rin naman ito yung cooking show na adult yung binigay naming contestants. Ngayon pa lang mangyayari ito sa ABS pero confident kami na iba naman kasi yung atake ng show na ito. Maliban sa franchise nga ito ng MasterChef, mas maraming angulo ang makikita dito ng mga tao. Hindi lang siya basta pagluluto.”

Monday, October 8, 2012

Judai's new teleserye pushed back to next year


http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/10/08/12/judais-new-teleserye-pushed-back-next-year

MANILA, Philippines – The debut of “Against All Odds,” the upcoming upcoming television series of actress Judy Ann Santos, has been pushed back to next year.
Actress Judy Ann Santos
But Santos clarified that she does not feel bad about the delay. "Against All Odds" was originally scheduled to start airing this month.
“Actually masaya kami sa set, kalmado lang very relaxed,” she said in an interview with Push.com.ph.
Santos added that she appreciates the honesty of the management not to rush the show.
“Ako rin naman, 'yung opinyon ko din naman, ayaw ko din naman mag-tape ng for airing kasi hindi mo maseseryoso 'yung trabaho kasi lagi kang ngarag sa pag-arte, tapos hindi ka puwede mag-take two, mag-take three kasi for airing nga siya,” she said.
Santos, whose last teleserye was the primetime drama "Habang May Buhay" in 2010, said she wants her TV comeback to be beautiful.
“Ayaw ko kasi 'yung wala akong choice. Hindi naman ako sa nagmamaldita no, pero ang tagal ko kasing hindi umarte sa telebisyon kaya gusto ko kapag lumabas 'yung soap na ginagawa namin, 'yung dekalidad 'yung ipapakita namin para worth naman 'yung paghihintay ng mga tao,” she explained.
“Mas gusto ko na binigyan nila ako ng time manamnam itong teleserye na ito. At saka ibang iba kasi 'yung istorya, ibang-iba 'yung character, at saka very physically demanding din siya. Ang daming paghahandang gagawin. Ayaw ko naman na ilabas siyang half-baked kasi hindi siya napagtuunan ng pansin dahil hinahabol mo yung airtime mo so okay na rin ako,” Santos added.
Actor Sam Milby, who will be working opposite Santos in the show, shares Santos's feelings about the delay.
“The airing, 'yung plano was around this time so okay naman. Siyempre mas okay na paglabas, maayos, it’s prepared. Ayaw ko ng nagra-rush, nagmamadali din,” he said.
Meanwhile, Santos is also set to return to her hosting duties for the adult edition of the cooking competition, "MasterChef Pinoy Edition."