@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, September 19, 2011

Juday-Ryan, lalong tumatag ang relasyon!








FEEL na feel ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang roles nila sa pelikulang My Househusband: Ikaw Na!

Kuwento ni Ryan, “Dalawang taon na ang itinakbo matapos kaming ikasal kaya medyo alam na alam na namin ang relationship ng mag-asawa.

“Mas marami na ka*ming alam ngayon unlike in our previous movies together.

“Yung pagiging mag-asawa dati, purely acting. Ibang-iba na talaga ngayon.

“Magse-seven years old na si Yohan. Si Lucho naman, malapit na ang first birthday. Sobrang relate na talaga kami sa role bilang parents.”

Ang My Househus*band: Ikaw Na! ay isang light family co*medy tungkol sa buhay ng mag-asawa na sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkaroon ng reversal of roles.

Si Rod (Ryan Agoncillo) ang naiiwan sa bahay matapos magkaroon ng aberya sa kanyang trabaho. Si Mia (Judy Ann Santos) ang nagtatrabaho.

Iginiit ni Ryan na hindi “andres de saya” ang tema ng pelikula kahit parang nagkapalit sila ng tungkulin ni Juday sa istorya. “It’s not as if Rod is a yes man. He still gets to wear the pants in the family except that he also dons the apron come meal times,” lahad ni Ryan.

Nakakailang shooting days na ang My Househusband: Ikaw Na! sa panulat at direksyon ni Jose Javier Reyes, para sa OctoArts Films.

***

Pinuri muli ni Juday ang isa sa kanyang paboritong director.

Ani Juday, “Direk Joey is a cool guy. Ang dali-dali niya talagang katrabaho. Bilang siya ang sumulat ng script, at siya rin ang director, alam na alam na niya kung ano ang gusto niya kaya madali din sa mga artista niya na maibigay ang hinihingi ng bawat eksena.

“Basta magreport ka sa set na handa ka, very fluid ang trabaho. “Direk knows how to strike the balance between maintaining a happy set and keeping everything running with clockwork precision.”

Noong nabasa ng mag-asawa ang script, naunawaan nila right away ang mga damdamin at sitwasyon na pinagdaanan ng mga character sa istorya.

Sabi ni Ryan, na-feel nila ang mga situations nila. Iyung ibang pinagdaanan ni Mia, pinagdaanan niya bilang asawa.

Sey naman ni Juday, “May situations din dito sa pelikula na naka-relate ako sa reaction ni Rod.

“Kasi, sa tunay na buhay, parang ganoon din ang mararamdaman ko kung sa akin talaga nangyari.

“Hindi stereotypical ang role ko dito bilang asawa, ha? Hindi ako maingay, masalita or mabunganga.

“Si Rod naman, very principled siya but with a lot of heart. Basta, maganda…

“Ang hope namin, after watching the movie, lalabas ka na mas nauunawaan ang buhay mag-asawa, na kahit may mga problema, kapag hinarap mo nang tama, mas magiging matatag ang pagsasama ninyo bilang pamilya.”

No comments:

Post a Comment