@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Friday, September 23, 2011

Juday at Ryan na-master na ang pagiging mag-asawa!


(Pilipino Star Ngayon) Updated September 23, 2011 12:00 AM 

MANILA, Philippines - Mas feel na feel na ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang pagiging mag-asawa sa pelikula – sa 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng OctoArts Films ang My Househusband: Ikaw Na!
“Na-master na namin ang relasyon bilang mag-asawa. Kaya parang wala na talagang effort,” sambit ni Ryan.
At dahil malalaki na rin ang mga anak nilang sina Yohan (almost seven years old) and Lucio (one year old), minamani na lang nila ang pagiging magulang sa pelikula.
Isang light family comedy ang movie tungkol sa buhay ng mag-asawa na sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkaroon ng reversal of roles. Si Rod, ang papel na ginagampanan ni Ryan, ang naiiwan sa bahay matapos magkaroon ng aberya sa kanyang trabaho. Habang si Mia, ang papel na ginagampanan naman ni Juday, ang siyang umaalis para magtrabaho. Dito umikot ang buong kuwento ng pelikula.
Nakakailang shooting days na rin naman ang My Househusband: Ikaw Na! sa ilalim ng panulat at direksiyon ng batikang si Jose Javier Reyes.
Si Direk Joey din ang nasa likod nang matagumpay na film franchise na Kasal, Kasali, Kasalo at Sakal, Sakali, Saklolo.
“Direk Joey is a cool guy. Ang dali-dali niya talagang katrabaho. Bilang siya ang sumulat ng script, at siya rin ang director, alam na alam na niya kung ano ang gusto niya kaya madali rin sa mga artista niya na maibigay ang hinihingi ng bawat eksena. Basta mag-report ka sa set na handa ka, very fluid ang trabaho.”
Dagdag pa ni Juday, “Direk knows how to strike the balance between maintaining a happy set and keeping everything running with clockwork precision.”
Noong nabasa daw ng mag-asawa ang script, naunawaan daw nila right away ang mga damdamin at sitwasyon na pinagdaanan ng mga character sa istorya.


SOURCE:   http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=729950&publicationSubCategoryId=96

No comments:

Post a Comment