@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, August 26, 2010

Juday ninanamnam ang pagbubuntis

Juday ninanamnam ang pagbubuntis
Abu Tilamzik
NAKATSIKAHAN namin kahapon si Judy Ann Santos sa pictorial ng Flawless.
Kahit nadagdagan siya ng timbang, ang ganda pa rin niya at hiyang na hiyang sa pagbubuntis.
Walong buwang buntis na si Juday at ang tantiya ng kanyang OB-Gyne, October 19 ang due nito. 
Mas gusto sana ng aktres na mapaaga dahil med yo hirap na siya sa bigat ng tiyan niya.
“Pero ninanamnam ko talaga ang pagbubuntis ko dahil matagal ko na rin ‘tong hinintay eh,” pahayag ni Juday.
Madalas ay nasa bahay lang si Juday at ine-enjoy niya ang pagiging plain housewife.
Doon niya na-monitor ang mga gastusin sa bahay, pati mga karpintero na nagtatrabaho sa kanila ay nababantayan niya at ultimo ang mabilis na pagkaubos ng sa bon ay nakikita niya.
Doon niya na-realize na kailangang magtipid-tipid naman.
Ang isa sa pinagkakaabalahan niya sa bahay ay ang pagluluto. Tumatagaktak ang pawis niya sa pagluluto at ine-enjoy niya iyun.
Araw-araw ay ipinag luluto niya ng baon si Ryan na dinadala nito sa Eat Bulaga at taping, Pati ang baon ni Yohan sa school ay pini-prepare niya kaya mukhang mas gusto na niyang maging plain housewife.
Hindi raw ibig sabihin nito ay titigil na siya sa pagtatrabaho. Marami pa siyang commitments na kailangan niyang tuparin pagkatapos niyang manganak.
Ang gusto sana ni Judy Ann ay makapa nganak nang normal dahil gusto niyang siya ang personal na mag-aalaga sa baby sa early months nito.
“Hindi sana muna ako kukuha ng yaya dahil gusto ko, ako ang mag-aalaga at masubaybayan ko siya nang mabuti.
“Iyan ang hindi ko nagawa kay Yohan, eh. Nang kinuha ko siya, aba la ako nu’n sa trabaho kaya naiwan ko lang sa nag-aalaga. Sana nagawa ko iyan noon pero hindi nga nangyari, kaya gusto ko sana, normal deli very para madali lang ang recovery at maalagaan ko nang mabuti ang baby,” pahayag ni Juday.
Sa ngayon ay wala pa rin daw sila na-finalize na ibibigay na pa ngalan, kaya okay na raw muna ang Butchuchoy ang tawag nila.
Minsan kapag tinatawag nila itong Butchuchoy ay gumagalaw ito na parang nataypan niyang tawagin siyang ganu’n.
“Siguro pumapasok na sa isip niya na ganu’n ang tawag sa kanya ng mga magulang niya,” sey pa ni Juday.
Gustong ipaabot ni Juday ang taus-pusong pasa­salamat sa fans nila ni Ryan dahil kumpleto na ang mga gamit nila para sa baby dahil sa mga rega long ipinapadala ng fans.
Humihiling lang siya ng dagdag pang dasal na maging safe ang panga nganak niya at pati na rin daw kay Gladys Reyes na halos kasabay niyang manganganak.

No comments:

Post a Comment