@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, May 31, 2010

Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos are expecting a baby boy

Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos are expecting a baby boy



"Ano, e, kumbaga, nakumpleto na. May baby girl na kami kay Yohan. May baby boy na. Kung masundan man, kahit ano na. Meron na kaming one girl and one boy," says Ryan Agoncillo (in photo, with wife Judy Ann Santos) about the arrival of their baby boy.

Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos are expecting a baby boy

Rose Garcia

Rating







"It's a boy!" masayang bulalas ni Ryan Agoncillo sa taped interview sa kanya ni Joey de Leon sa Startalk last Saturday, May 29.

Nalaman na kasi ng mag-asawang Ryan at Judy Ann Santos na lalake ang ipinagbubuntis ng aktres. Siyempre pa, masayang-masaya ang dalawa dahil makukumpleto na ang kanilang pamilya dahil sa pagdating ng kanilang baby boy. May baby girl na kasi sila with their adopted daughter na si Yohan.

Alam na ba ni Yohan na baby boy ang magiging kapatid niya?

"Pagkabalik kasi namin galing Amerika, the next day, nagpa-ultrasound kami. E, dun namin nalaman na it's a boy. E, kasama namin si Yohan. Yun ang first time na makikita niya ang ultrasound, dun niya nalaman na baby brother ang kanyang magiging utol," kuwento ni Ryan.

Ano naman ang naging reaction ni Yohan nang malaman nito na lalake ang ipinagbubuntis ng kanyang mommy Juday?

"Kami ni Yohan, nagkatinginan kami," sabi ni Ryan. "E, si Juday, nakahiga sa kama, kami nasa upuan. Gusto naming siguraduhin kasi minsan, nagkakamali. E, eto kasi, yung kamay ng bata, nakatakip sa mukha. E, mangiyak-ngiyak si Yohan. Gusto niya yata girl. Meron siyang bibihisan. E, ito boy. Kukulitin siya nang matindi. Ako, yun ang pakiramdam ko na feeling niya."

Tinanong din ni Joey si Ryan kung meron na silang naihandang pangalan para sa kanilang baby boy.

"Meron na, meron nang paunti-unting pangalan na pinagpipilian. Pero gusto namin kasi yung medyo makaluma ang pangalan. Mga old Spanish name ba, mga pangalan ng sinaunang Filipino," sabi niya.

Ayon pa kay Ryan, tapos na sa stage ng paglilihi si Juday.

"Wala na. Sa ngayon, ang kinakasanayan niya, yung pagpapahinga sa bahay. Laging aligaga, e. Minsan bigla-bigla, kasi nga pahinga na siya sa trabaho ngayon. Minsan magte-text sa akin na, 'Imi-meet-up na lang kita ng dinner.' Yun pala, nasa Makati na, nagsa-shopping na! Yun ang kinakasanayan niya. Tinatawag niya ang lahat ng kaibigan niya, pumupunta sa bahay or magdi-dinner sila, magla-lunch sila sa labas."

Kagagaling lang nina Ryan at Juday sa kanilang pagbabakasyon sa U.S. and for the first time nga ay nakasama nila si Yohan. Pero ayon kay Ryan, bitin bakasyon nila.

"Bitin para sa amin," sabi niya. "Kasi yung pagbakasyon namin, pag-ikot kay Yohan. Kasi, solong anak pa siya ngayon. That was the last trip na solong anak siya, so sa lahat talaga, binuhos namin sa kanya at sa pagbili lang ng gamit para kay Buchochoy [ang pet name nina Ryan at Juday sa parating nilang anak]."

Pagbalik daw nila ng bansa, trabaho na rin ang inatupag nila. Si Juday ay tinatapos pa rin ang shooting ng movie nila ni Sarah Geronimo, samantalang si Ryan naman ay balik sa pag-host ng Talentadong Pinoy sa TV5 at Eat Bulaga! sa GMA-7.

"Si Juday, may four shooting days na lang sa pelikula nila ni Sarah. Pero now, puro commercial at pictorial shoot na lang ang ginagawa niya."

Ayon kay Ryan, napaghahandaan na rin daw nila ni Juday maging ang pagpapaaral ng kanilang mga anak. Kaya biro ni Joey, yun daw ang mabuting ama at sa mga babae raw na naghahanap ay nirerekomenda niya si Ryan, na ikinatawa nang husto ng huli.

Malaki rin daw ang pasasalamat nina Ryan at Juday sa mga fans nila na nagkukusang bumili ng gamit para kay Buchochoy.

"Yung mga fans ng Juday at Ryan, sila na ang nagkusa. Noong nasa Amerika kami na bibili kami ng gamit pambata, nag-text huwag bibili ng ano... Ang gift nila, mamahaling stroller at saka car seat," masayang kuwento ni Ryan.

Katulad din ba ng iba sina Juday at Ryan na tatlong dosena ang ninong at ninang na kinukuha sa binyag ng anak?

"Malamang, the most na tatlo or apat ang ninong," sagot ni Ryan.

No doubt na masayang-masaya ngayon sina Ryan at Juday.


"Yes! Ano, e, kumbaga, nakumpleto na. May baby girl na kami kay Yohan. May baby boy na. Kung masundan man, kahit ano na. Meron na kaming one girl and one boy," saad ng TV host.

JUDAY ON THE PHONE.Pagkatapos ng taped interview kay Ryan, live namang nakausap ni Joey over the phone si Judy Ann. Ang unang tanong ni Joey ay kung okey lang ba kay Juday ang nickname na Buchochoy para sa kanilang anak?

"Okey na okey," sagot ni Juday. "Kasi si Yohan, ang nickname niya sa amin Budiday, e. Noong bata siya, mataba siya kaya nagbuding-buding siya sa amin."

Joey also asked about Juday's initial reaction when she found out that it's a boy.

"Siyempre, sobrang thankful po talaga ako at medyo maluha-luha ako na hindi ko maintindihan," sabi niya.

Ano naman ang pinagkakaabalahan ng isang mommy na alam nang boy ang magiging anak niya?

"Nagluluto. Ginagawa ko na lang ang baon ni Rye para sa Eat Bulaga!. At saka baon niya sa taping. Paminsan kami ni Yohan, nagdi-dinner date na lang kaming dalawa tapos makikipagkita na lang kami kay Rye after. Basta yung pinaka-relax na puwede ko pong magawa. Kasi siyempre, paglabas ng baby, hindi ka na rin makakapag-relax. Tutok ka na rin sa pagpapalaki sa baby," saad ni Juday.

Sa interview ni Ryan, nasabi nitong ang plano niya ay may pagka-old Spanish name ang ibibigay nilang pangalan sa anak. Ayon naman kay Juday, baka raw malapit sa pangalan ni Yohan ang ipangalan nila sa kanilang baby boy.

"Iniisip din po namin na ilapit sa name ni Yohan para maramdaman din ni Yohan na naka-pattern sa kanya yung baby para hindi siya magkaroon ng insecurity. Kasi ngayon po, lahat ng desisyon, ibinibigay namin kay Yohan para maramdaman niya na talagang ate na ate na siya," sabi ni Juday.

Ang tunay na pangalan daw ni Yohan ay Johanna Louisse.

"Baka ilapit namin sa pangalan niya. Si Ryan kasi ang magaling magbigay ng pangalan. Sa lahat ng pamangkin niya, siya ang nagbigay. Kaya sabi ko, siya na ang tumoka sa name as long as letter J ang umpisa niya, okey na ako."

Tinanong din ni Joey si Juday kung maaari siyang magbigay ng ilang pangalan na balak nilang kuning godparents ni Buchochoy.

"Malamang po si Beth Tamayo kasi long-time friend ko na po. At saka usapan po namin, hindi pa kami kasal pareho, na kung sinuman ang maging anak namin, mga ilan man 'yan, pareho kaming magiging ninang ng babies namin. So, isa po si Beth Tamayo sa magiging ninang," banggit ni Juday.

Kinumusta rin ni Joey kay Juday ang tungkol sa movie na supposedly ay gagawin nila ni Ryan, ang Pe├▒afrancia. Hindi na nga ba ito matutuloy?

"Sa last usap po namin nila Sir Tony [Gloria, Unitel Films producer], nagkaroon lang po ng konting parang misunderstanding and miscommunication. Parang may inaayos with the diocese and the archbishop, pero kami ni Ryan nandito lang naman kami. Kung sakaling matuloy or hindi matuloy, siguro it's for the best for the project. Ako naman po ay natutuwa na kinonsider naman ako," saad ni Juday.



Glitter Text Generator

No comments:

Post a Comment