@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, June 1, 2010

Latest news...


THAT'S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) Updated June 01, 2010 12:00 AM


Tingnan mo nga naman lalaki ang first born nina Ryan at Juday Santos-Agoncillo. Nakita na ito sa ultrasound kaya ecstatic ang dalawa, hindi magkamayaw kung ano ang ipapangalan sa magiging kuya ng kanilang panganay na si Yohan.

Mukhang masuwerte ang union ng mag-asawa. Patuloy at gumaganda ang career ni Ryan at approved ako sa pagiging matapat at loyal niya sa TV5. After all, ito ang nagbigay sa kanya ng project nung ’di pa nakikita ng kabila ang kanyang kagalingan.

Sayang at ’di yata sila natuloy sa isang malaking proyekto with a comebacking good director pero ito ang maganda sa mag-asawa, hindi sila nagtatanim ng sama ng loob. Kuntento na sila sa maganda nilang kapalaran. Kung sabagay, hindi sila ang nawalan sa hindi pagkakatuloy ng proyekto. Mas malaki ang magiging kawalan ng prodyuser dahil mahusay naman silang artista.

---------------------------------

Expected naman na pahihirapan ni Xyriel Manabat ang nga maka ka sabay ng serye niyang Momay. Na-miss siya ng mga manonood nang ma wala siya sa Agua Bendita dahil nagdalaga na ang character na ginam panan niya.

Inamin ni Xyriel na mas komportable siya bilang Momay kumpara sa kanyang pagganap bilang Agua at Bendita.

Parang naglalaro lang siya sa set dahil ang karak ter ni Momay ay katulad lang din niya sa tunay na buhay. Itinuturing niyang mga kalaro ang kanyang mga co-artists kung kaya’t sa kabila ng mahigit 12 oras na taping, kakikitaan pa rin ng energy ang bata.

Tulad ng kanyang mga idolong sina Judy Ann Santos at Sarah Ge ro nimo, si Xyriel ay nanganga*rap ding magkaroon ng acting award at recording album. Bilang third runner-up sa nakaraang Star Circle Kid Quest, hindi malayong matupad ang mga pangarap ng magi-grade one pa lang na bata.

--------------------------------
Sumunod na lumabas ng Music Museum ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na masayang-masaya rin sa concert ng APO.
“Heto, bumalik na naman sa dating katawan,” natatawang sagot ni Judy Ann nang kumustahin namin.
Ito raw ang pagtaba niyang wala siyang angal dahil matagal na raw niyang hinihintay itong pagbubuntis kaya masa yang-masaya siya.
Naging biruan lang nina Ryan at Tito Joey de Leon na Butchuchoy na ang palayaw ng kanilang baby boy at mukhang sinunod na dahil ito na ang tawag ni Judy Ann sa kanilang anak.
Baka ito na raw ang itatawag nila sa bagets dahil parang match daw sa unang tawag nila noon kay Yohan na Budiday.
Kung si Juday ang masusunod, baka halos isusunod na raw nila sa pa ngalan ni Yohan para ma-feel daw talaga nito ang pagka-ate.
“Basta lahat ipapaubaya na namin kay Yohan para ma-feel niya ang pagka-ate niya,” dugtong ni Judy Ann.
Sabi ni Ryan, konti lang daw ang kukunin nilang ninong at ninang pero sinabi na ni Juday na isa na rito ang bestfriend niyang si Beth Tamayo.
Noon pa raw ay napagkasunduan na nilang kung sino sa kanila ang magkaanak, dapat ninang sila.
Hindi masabi ni Juday kung nasaan ngayon si Beth pero tuloy pa rin naman daw ang komunikasyon nila. Hindi lang niya alam kung darating ang aktres sa binyag.
Dagdag ni Ryan, baka mag-ninong din ang ka patid niya.
Glitter Text Generator

No comments:

Post a Comment