@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, May 27, 2010

Juday at Ryan, lalaki ang panganay

Juday at Ryan, lalaki ang panganayPDFPrintE-mail
by Nitz Miralles
Thursday, 27 May 2010 17:18
ryan-juday11Baby boy ang ipinagbu-buntis ni Judy Ann Santos na na-report sa Juicy ng TV5 kagabi at kinumpirma ni Ryan Agoncillo sa taped interview ni Ruffa Gutierrez para sa Paparazzi sa Sunday.

Masayang-masaya sina Judy Ann at Ryan dahil kumpleto na ang kanilang pamilya’t may baby girl na sila (si Yohan) at magkaka-baby boy pa.

Four months pa lang buntis si Judy Ann at normally, sa five months nakikita ang gender ng bata, pero sa kaso ng baby nila, agad nakita ang gender nito. “Sumungaw” daw ang organ ng bata, kaya agad nakitang baby boy.

Wala pang napipiling pangalan ng bata sina Judy Ann at Ryan at nang mag-shopping sa States ng baby stuff, kulay blue at kulay pink ang kanilang binili para makasiguro.

Tatapusin na lang ni Judy Ann ang Hating Kapatid movie nila si Sarah Geronimo sa Viva Films at magre-rest muna siya at hihintaying manganak sa October.

Pero si Ryan, tuloy ang trabaho sa TV5. Bukod sa Talentadong Pinoy, may sitcom siya to be directed by Joey Reyes at inaayos na ang isang mini-series na kanyang pagbibidahan.

Meron itong working title na Lady Dada.

More on this sa mga susunod naming column.

Glitter Text Generator

No comments:

Post a Comment