@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, May 19, 2010

Juday, na-bad trip pagbalik sa bansa


Juday, na-bad trip pagbalik sa bansa



Alfie Lorenzo


NAKABALIK na ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo mula sa ilang araw na bakasyon sa Amerika.
Ayaw iwanan ni Ryan ang buntis na misis na gusto pa sanang mag-extend ng bakasyon nila ni Yohan.
Nakapag-taping na si Ryan para sa Talentadong Pinoy nu’ng Martes.
At si Juday, na-bad trip nang ibinalita sa kanya ng sekretarya niyang si Jane ang tungkol kay Direk Marilou Abaya. Ang gandang pasalubong niyon, huh!
May isa palang Enrico Santos na palihim na kinakausap ang Enpress best actress na si Iza Calzado para sa movie na ginagawa ni Juday for Direk Marilou para sa mga pari ng Pe├▒afrancia sa Bicol.
Sabi raw ng Enrico na ito kay Iza na papalitan na niya si Juday sa lead role nito.
Uhum, ito rin kaya ang Enrico Santos na baliw at haling kay Rafael Rossel? Ka-Santos pa ni Juday pero traydor, huh!
Pero komo anak ko rin naman si Iza kay Lito Calzado, sinabi at nagtanong si Iza tungkol dito kay Noel Ferrer na manager ni Ryan Agoncillo na pinilit ni Direk Marilou na makasama ni Juday sa project na ito na may halong EMOTIONAL BLACKMAIL.
Pero si Tony Gloria na hindi pa nabobomba ang Plaza Miranda ay kasama ko na sa Zodiac Sounds Recording ay ayaw sumali sa ‘krimen’ kaya nag-backout na ang Unitel Productions ni Tony na kasosyo sana sa project na ito ni Direk Marilou.
Juday felt insulted sa ginawa nina Direk Marilou at ng Enrico na ‘yun. Only Iza can identify who this Enrico Santos is.
***
Ang Marilou Diaz-Abaya project na ito ang pinag-awayan pa namin ni Juday regarding scheduling.
Gustong unahin ni Juday ang project na ito above all the rest na takda niyang gawin.
Ang line-up last year ni Juday na mga pelikulang gagawin niya ay sa Viva Films, sunod ang GMA Films, then Regal Films na pang-Metro Manila filmfest nila ni Ryan at saka ‘yung kay Direk Marilou.
Ewan ko! Ewan ko! Kung anong convincing powers ang ginamit ni Marilou kay Juday at ito pa ang gustong unahin ni Juday over the Juday-Sa*rah Geronimo project.
I insisted to Juday though na mas kailangan niya ‘yung project nila ni Sarah dahil pang-masa ‘yun at pam-fans nila ni Sarah.
‘Yung mga kasama ni Juday nu’ng kausapin siya ni Marilou said na kesyo baka last directorial job na ni Marilou ito, kasi, may cancer siya etcetera na bumagbag sa kalooban ni Juday na sobrang malambot at madaling makumbinse when it involves AWA.
Awa to the proper persons who deserves it, sabi ko kay Juday. And beggars can’t be choosers, they say.
Kaya hindi puwedeng i-insist ni Marilou ang gusto niya para lang mapagbigyan siya. Hindi rin tama to use the name of God to call a project to push through.
Okay, nag-agree kami ni Juday na mauuna ang project nila ni Sarah at saka isusunod na ang kay Marilou.
At nu’ng mag-contract signing kami, Juday said na baka magbuntis na siya at lumaki na ang tiyan habang nagsu-shooting sila ng Pe├▒afrancia film.
Okay lang daw, sabi ng direktora, dahil buntis naman daw ang role ni Juday sa movie.
And Marilou vehemently demanded Ryan’s partici*pation sa movie bilang partner ni Juday na akin ding tinutulan dahil it might prejudice the next team-up of Juday and Ryan sa Metro Manila filmfest project nila for Mother Lily.
At ewan ko uli kung paano kinumbinse na naman ni Marilou si Juday to beg her husband na tanggapin na nito ang maikling role sa mo*vie ni Marilou.
Despite her pregnancy, nakapag-shooting pa rin si Juday sa movie ni Marilou.
Nagpahinga muna si Juday sa Amerika para mawala ang stress niya sa tapings and shootings.
Nagkasundo namang sa pagbalik ni Juday mula Amerika ay tatapusin na ang project nila ni Sarah na may two days na lang ang natira and then concentrate na sa movie ni Marilou, only to find out upon her return trip ay may BACKSTABBING na palang nagaganap!
***
Nainsulto raw si Juday sa kawalang-galang na ginagawa na hindi man lang siya nakunsulta nor na-inform.
Eh ganyan din naman ang ginawa sa akin noon nang ialok kay Juday ang project. Si Juday muna ang kinausap and nobody bothered to contact me.
Si Juday na lang ang nag-inform sa akin na tinanggap na niya ang alok ni Marilou.
And to think na sa amin ni Douglas Quijano nag-seminar ‘yang Mari*lou Diaz-Abaya na ‘yan nu’ng papasok pa lang sa showbiz na palagi siyang nanduon sa apartment ni Douglas sa Sta. Mesa na kapitbahay ko si DCQ.
Na ang manager muna ang unang kinakausap tungkol sa project ng alaga. At tanging ang mana*ger ang may karapatang tumanggi o tumanggap ng alok para sa ala*ga bilang proteksyon sa career ng inaalagaan!
Sadyang bilog ang mundo!
-----------------------------------------------------

Nakita namin si mommy Carol Santos sa wake niArchie de Calma noong Wednesday night at isa sa mga tanong sa kanya ng press ay kung to toong iiwan na ni Ryan Agoncillo ang P.O.5, isa sa mga show nito sa TV5? Sabi ni mommy Carol, ang alam niya’y babalik sa Talentadong Pinoy si Ryan at last Tuesday, balik-taping na nga ito sa talent show.

Kinumpirma sa amin ng isang source na aalis na si Ryan sa P.O.5 dahil gustong maging libre ang Sunday niya at maalagaan ang buntis na asa wang si Judy Ann Santos at magabayan ang anak nilang si Yohanna mag-aaral na sa pasukan.

Naintindihan si Ryan ng management ng TV5 nang magpaalam, saka kapalit ng P.O.5 ang sitcom na ididirek ni Joey Reyes at may kinu-con*ceptualize pang talk show na pagsasamahan nila ni Mo Twister. Huwag ding kalimutang may Eat…Bulaga pa si Ryan.
* * *
Glitter Text Generator

No comments:

Post a Comment