@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Friday, May 28, 2010

Butchuchoy, palayaw ng baby ni Juday!

Butchuchoy, palayaw ng baby ni Juday!

Abu Tilamzik

HINDI na nakatanggi si Ryan Agoncillo kay Tito Joey de Leon nang kinorner nito sa Eat Bulaga kahapon para ma-interview para sa Startalk tungkol sa baby boy na dinadala ni Judy Ann Santos.

Kitang-kita kay Ryan ang sobrang katuwaan habang kinukuwento niya nu’ng nagpa-check-up si Juday pagkagaling nila ng Amerika.

Kasama raw nila si Yohan nu’ng pumunta sila sa OBGyne ni Juday at halos maluha-luha raw si Yohan nang makitang baby boy ito.

“Pa-check-up lang sana kami du’n. Hindi naman namin alam na malalaman na pala ang gender, kasi, usually, between 5 to 6 months iyun.

“Pero ito, magpa-5 months pa lang. Kasi, nu’ng na-ultrasound na, nakataas ang dala­wang kamay niya kaya kitang-kita agad na merong nakausli at sinabi nga ng doktor na baby boy,” kuwento ni Ryan na tuwang-tuwa dahil iyun daw talaga ang hiling nila dahil nandiyan na si Yohan, kaya kumpleto na sila.

Kung mabubuntis na uli si Juday pagkatapos nito, okay na sila kahit girl o boy ang ibigay sa kanila.

Ilang beses daw pina­tingnan ni Ryan sa ultrasound kung talagang boy ay iyun nga ang nakita ng doktor.

Tuwang-tuwa silang lahat lalo na ang proud lola na si Mommy Carol Santos.

***

Dagdag na kuwento ni Mommy Carol, natatawa siya kay Yohan dahil sinasabi raw nito na pagkatapos ma­nganak ng Mommy niya, gusto raw niyang ma-pregnant uli ito at kambal naman daw, para marami na raw silang kalaro.

***

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang pamilya dahil lahat daw na dinadasal nila ay ibinigay ng Diyos kaya pa­wang pasasalamat na lang daw ang dinadasal nila sa tuluy-tuloy na blessing sa mag-asawang Ryan at Juday.

Tinanong na rin ni Tito Joey si Ryan kung meron na ba silang naiisip na ipapangalan sa kanilang baby boy.

“May mga pinagpipilian na kami, pero wala pang napagdesisyunan talaga. Kasi ang gusto namin, iyung makalumang pangalan, ‘yung mga panahon ng Kastila na halos walang kapareho.

“Pero siguro, ang magiging palayaw na nito, si Butchuchoy. Hahaha!” bulalas ni Ryan.

Hanggang sa natapos ang interview ni Tito Joey kay Ryan, Butchuchoy na ang tawag nila sa baby.

***

Pinag-usapan na rin daw nila ni Juday ang pipiliin nilang ninong at ninang pero konti lang daw ito.

Baka marami na raw ang apat gaya nu’ng nagpakasal sila na konti lang ang kinuhang ninong at ninang.

Simpleng binyagan din daw ang naisip nila pero siyempre, sa nga­yon ay ang panganganak muna ni Juday ang pinaghahandaan nila.

Ang isa pang ikinatuwa nang husto ng mag-asawa ay grabe rin daw ang suporta ng mga fans nila sa nalalapit na pa­nganganak ni Juday.

Nu’ng magbakasyon sila sa Amerika, touched na touched sila sa mga fans nila na nagregalo na ng magandang stroller at car seat para sa magiging baby nila.
Sinabihan na raw sila na huwag nang mag-alala sa iba pang gamit dahil sila na raw ang mamimili bilang regalo sa mag-asawa.

Pati ang mamaha­ling crib na gagamitin ng baby ay gusto nang sagutin ng fans kaya nag-uusap-usap na sila nga­yon na mag-ambag-ambag na sila para ma­kabili sila ng mamahaling crib.

Ngayon pa lang ay talagang nagpapasala­mat na sina Ryan at Juday sa kanilang fans na patuloy pa ring sumusuporta at kinakarir ang pagbili ng mga gamit ng baby.

Mapapanood sa Startalk mamaya ang kabuuan ng panayam ni Tito Joey kay Ryan, pati kay Mommy Carol tungkol sa magandang balitang ito.

***

Sa ngayon ay nasa bahay lang daw si Juday at wala raw itong ginagawa kundi ang magluto o mag-ayos ng bahay.

Marami rin siyang pinaghahandaan para sa kanyang panganganak at pati ang pag-aalaga kay Yohan kaya abala pa rin siya kahit nasa bahay lang.

Tatapusin lang daw ni Juday ang apat na shooting days niya sa pelikula nila ni Sarah Geronimo na Hating Kapatid.

Pagkatapos nu’n ay pahinga na siya at paghahandaan ang kanyang panganganak.


Glitter Text Generator

No comments:

Post a Comment