@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, June 12, 2013

Sam, nahiyang ‘saktan’ si Juday!

Sina Jerry Lopez at Tots Mariscal IV ang mga direktor ng Huwag Ka Lang Mawawala. Ang dalawa ang na­ging kakampi ni Sam sa presscon para sa aktor at kay KC Concepcion noong Martes.

Ipi­nagtanggol nina Jerry at Tots si Sam laban sa mga akusasyon na hindi makaarte ang aktor kaya nahirapan sa kanya ang mga direktor at co-stars niya.

Itinanggi ng mga direktor ang mga bintang kay Sam, pati na ang tsismis na replacement lamang ni Jericho Rosales ang Fil-Am actor.

Ipinakita naman ni Sam na ginagawa nito ang lahat para mapagbuti ang pag-arte dahil ayaw niya na mapahiya sa mga katrabaho niya sa Huwag Ka Lang Mawawala.
Iniwasan ni Sam na magsalita ng Ingles sa ginanap na presscon para patunayan sa entertainment press na malaki na ang improvement niya sa pagsasalita ng Tagalog, sa tulong ng kanyang private tutor.

Nabasa at napanood ni Sam ang mga papuri sa kanya ni Judy Ann kaya nagpapasalamat siya sa Reyna ng Pinoy Soap Opera.

Nakaramdam si Sam ng hiya kay Judy Ann nang kunan ang mga eksena ng pananakit niya sa aktres.
“First time ko na nambugbog ng babae. Nahihiya ako kay Judy Ann. Mahirap idaya ang eksena.
Nakokonsyensya ako. Sobrang bait siya sa akin,” ang pahayag ni Sam sa kanyang pilit na pagsasalita sa wikang Pilipino.

Juday serye, kopya sa Jennifer Lopez movie?

http://www.abante.com.ph/issue/jun1313/ent_jg.htm#.UborN-eceSo

 
Share on bloggerShare on twitterShare on facebo

Lang Mawawala ang ipinapakita ng ABS-CBN kaya maaga pa para sabihin na inspired ng Enough ang bagong teleserye ni Judy Ann Santos sa Kapamilya Network.
Ang Enough ang 2002 movie ni Jennifer Lopez at tungkol ito sa isang babae na tumakas mula sa kanyang abusadong asawa, nag-aral ng martial arts at ginantihan ang abusive husband.

Sa trailer ng Huwag Ka Lang Mawawala, may mga eksena na sinasaktan si Judy Ann ni Sam Milby na gumaganap bilang asawa niya at may eksena na nagpa-practice siya ng boxing kaya nagkaroon ng conclusion ang  televiewers na kapareho ng kuwento ng old movie ni Jennifer ang plot ng Huwag Ka Lang Mawawala.

Sa June 17 ang premiere telecast ng Huwag Ka Lang Mawawala. Mas makabubuti na panoorin muna ng televiewers ang teleserye nina Judy Ann, Sam at KC Concepcion bago sila lumikha ng mga haka-haka.

The Ryzza Mae Show 6/11/13 - Judy Ann Santos

Sam Milby hopes he won't disappoint Judy Ann


MANILA, Philippines -- The pressure is on for Sam Milby, after being personally chosen by Judy Ann Santos to be her on-screen partner and "kontrabida" in her highly anticipated comeback series.
Sam Milby as Eros in 'Huwag Ka Lang Mawawala.' -- Photo: Handout
The 29-year-old actor was initially at a loss for words during a press conference held Tuesday for the upcoming series "Huwag Ka Lang Mawawala," when asked for his reaction.
"Being hand-picked by the queen, you can't help but just say, 'Honored, privileged and thankful,'" said Milby, who is teaming up with Santos for the first time in the project.
"Huwag Ka Lang Mawawala," which will start airing Monday during ABS-CBN's Primetime Bida block, is billed as the return of Santos as the "Queen of Pinoy Soap Opera."
"Sana lang hindi ko siya madi-disappoint," Milby added, "Si Juday (Santos), ang management, everyone."
In the series, Milby portrays Eros Diomedes, a rich young man who develops an aggressive temper from growing up surrounded by a domineering family. He falls in love with Anessa (Santos), a woman he meets while on a business trip in the province.
Later on, however, as seen in the trailer for "Huwag Ka Lang Mawawala," Eros and Anessa's relationship turns sour, when he starts having an affair and physically abusing his partner.
'Worst critic'
Admittedly, Milby had said he finds it challenging to take on emotionally charged scenes opposite Santos, adding that he still continues to work on being fluent in speaking Filipino.
"I'm challenged by myself, the management, sa mga viewers, kay Juday," said the actor, who grew up in Ohio in the United States.
"I'm my own worst critic, I'm very hard on myself, I'm a perfectionist minsan... Nakakahiya naman, eh, kasi ka-eksena mo si Juday (Santos), si Tito Pip (Tirso Cruz III), si Tita Coney (Reyes)," he added, referring to his other co-stars in the series.
Being critical of his own performances, Milby said, has fortunately paid off.
"I'm just pressuring myself to really improve, kasi gusto ko talaga ipakita na I'm taking this seriously, to improve improve on my craft... Ngayon, nag-iimprove na ako, and my confidence is getting a lot better," he said.
Directed by Jerry Sineneng, Tots Sanchez-Mariscal, and Malu Sevilla, "Huwag Ka Lang Mawawala" also stars John Estrada, Susan Africa, Mylene Dizon, Matet de Leon, Empress, Bryan Termulo and Joseph Marco.

KC Concepcion Honored To Play ‘Kontrabida’ To Judy Ann Santos In “Huwag Ka Lang Mawawala”



A fiercer and stronger KC Concepcion will be seen on ABS-CBN’s upcoming primetime drama series “Huwag Ka Lang Mawawala.”
According to KC Concepcion, she initially had second thoughts about accepting the project which also stars the Queen of Pinoy Soap Opera Judy Ann Santos and Kapamilya leading lady Sam Milby.
“I didn’t have any idea about my role until Ate Juday called me to say that I should I accept the role as her antagonist,” said KC Concepcion. “I didn’t know then if I can do a role like that, but I am very happy now that I took the challenge. Working with Ate Juday has been a very overwhelming experience.”
The Kapamilya actress added that her most memorable experience with Judy Ann in “Huwag Ka Lang Mawawala” so far were their ‘sampalan’ scenes. “We did an intense scene once where I literally saw stars after Ate Juday slapped me. That’s when I saw and realized how dedicated and committed Ate Juday is to her craft. It would really be embarrassing if I would not give my 100% in this project,” she shared
In “Huwag Ka Lang Mawawala,” KC Concepcion will portray the character of Alexis, the woman who will come between Anessa (Judy Ann Santos) and Eros (Sam Milby). The series directed by Jerry Sineneng, Tots Sanchez-Mariscal, and Malu Sevilla

Sam hesitant to beat Judy Ann up

http://www.journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/52171-sam-hesitant-to-beat-judy-ann-up



INGAT na ingat si Sam Milby sa eksenang bubugbugin niya si Judy Ann Santos sa pagsasamahannilang teleserye na Huwag Ka Lang Mawawala.

Wala namang reklamo sa Teleserye Queen pero ang aktor na rin ang nakukonsiyensiya matapos gawin ang eksena.

“Well, she lets me act. But pagkatapos ng eksena, nakukonsiyensiya ako. ‘Okey ba kayo? Okey ba kayo?’ Hahaha! Nahihiya ako sa kanya pero mabait siya sa akin pero she loves me and it’s okey with her.

“Tinutulungan niya ako. She’s Juday! She’s perfected the craft of acting. You know what I mean. Working with her has been inspiring, learning process para sa akin,” pahayag ni Sam sa bagong leading lady.

First time rin ni KC Concepcion na makatrabaho si Judy Ann. Eh, kontrabida pa ang role niya sa series kaya naman sa trailer pa lang, nakatikim na siya ng sampal-Juday, huh!

“Si Ate Juday po kasi, lagi niyang sinasabi na hindi niya kaya i-fake. She really does it ’coz she’s in the moment when she does the scenes.

“Obviously, for the first time, in my work here, since I got into mainstream showbiz, never ko rin namang inisip na magiging aktres ako or magagampanan ko ang ganito ka-challenging na role.

“Because I really came home as a commercial model. And I really came home as a host. So, it’s really such a good part na napaka-generous ni Ate Juday. Tinuturuan niya kami sometimes ’pag nasa eksena.

“Nanampal siya ng ganoon kasakit at kalakas. Talagang mari-realize mo na, totoo ito! This is thereal thing. This is somebody na seasoned actress na napakaraming teleserye na nagawa at napakaraming artista na nasampal.

“So, it’s an honor to be slapped by Miss Judy Ann. Parang baptism of fire ko na rin, hahaha! Konti lang makakapagsabi nu’n. I’m so proud, hahaha!” paliwanag naman ni KC.

Sa June 17 na ang airing ng Huwag Ka Lang Mawawala na pinamahalaan ng Dreamscape Entertainment.

Judy Ann Santos' 'royal journey' retraced in TV special

http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/06/12/13/judy-ann-santos-royal-journey-retraced-tv-special

Posted at 06/13/2013 12:48 AM | Updated as of 06/13/2013 12:48 AM
MANILA, Philippines -- Nearly three decades in showbiz and a dozen drama series later, Judy Ann Santos is now considered as the Philippines' "Queen of Pinoy Soap Operas."
Image courtesy of Jeepney TV's official Facebook page
To celebrate her drama comeback, a TV special titled "Judy Ann Santos: Her Royal Journey on TV" will air on June 16, 9:00 p.m. on cable channel Jeepney TV (SkyCable Channel 9).
It will retrace the actress' career beginning in 1986, when she made her television debut in "Kaming Mga Ulila."
Santos' subsequent lead roles in some 10 TV series will be revisited, including her breakthrough performance as Mara in ABS-CBN's "Mara Clara," and her most memorable characters on the small screen such as Esperanza, Krystala, and Ysabella.
Taking part in the TV special are Santos' erstwhile co-stars, including Piolo Pascual, Gladys Reyes and Wowie de Guzman, who will recall their working relatinships with the young superstar.

The actress' mentors will also be interviewed in the retrospective. They include her long-time manager Alfie Lorenzo and film directors Laurenti Dyogi and Jose Javier Reyes.
"Her Royal Journey" will then introduce Santos' latest on-screen persona, Anessa, who she will portray in her highly anticipated comeback series "Huwag Ka Lang Mawawala."
Directed by Jerry Sineneng, Tots Sanchez-Mariscal and Malu Sevilla, the series is set to premiere on ABS-CBN's Primetime Bida block on Monday.
ABS-CBNnews.com is the news website of ABS-CBN Corp.

Monday, June 10, 2013

Judy Ann Santos on new show, self-defense, Ai-Ai delas Alas's situation



Judy Ann Santos talked about her return to soap opera via her new ABS-CBN teleserye Huwag Ka Lang Mawawala.
The Kapamilya Queen of Soap Operas said her new show is about women's rights and empowering women.
"Ang babae hindi dapat sinasaktan. Ang babae dapat marunong lumaban, basta nasa tama ang ipinaglalaban niya, and at the same time, para mag-boost ka ng pakiramdam ng isang babae.
"Hindi ka porke't asawa ka e basta ka na lang papayag sa nangyayari lalo na pag naaapi ka na.
"Maraming makaka-relate na mga babae rito," Juday told the reporters interviewing her at the presscon of her show held at the Dolphy Theater of ABS-CBN recently.
The show will also feature women's self-defense techniques.
"Hindi lang sa asawa, kundi sa kabuuan.
"Hindi ba't napakadelikado ng mundo natin ngayon, e. Mundo na nga, e. Hindi na lang basta Pilipinas 'yan.
"May holdapan, mga saksakan... Kumbaga, kailangan ang bawat isa sa atin, marunong i-defend ang sarili natin."
She also said her show is meant to inspire women, especially those who experience domestic violence.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon, lalaki ang sinusunod," Judy Ann said.
Juday was also asked about what happened to Ai-Ai delas Alas marriage.
The young superstar said she cannot say anything about Jed but assured she will always be there for her friend Ai-Ai.

Kim & Maja sa pagbabalik ni Ms. Judy Ann Santos!

Judy Ann Santos in Huwag Ka Lang Mawawala

http://manilastandardtoday.com/2013/06/10/judy-ann-santos-in-huwag-ka-lang-mawawala/
By Isah V. Red | Posted on Jun. 10, 2013 at 6:01pm | 405 views

She is having mixed emotions about the premiere of her much-awaited comeback series  on ABS-CBN.
“I’m nervous and excited at the same time. I’m really flattered to be given this kind of project, and I’m very thankful to ABS-CBN because they have been supporting me and giving me wonderful projects for the longest time,” says Judy Ann Santos.
Judy Ann Santos-Agoncillo is back on Primetime Bida
Judy Ann Santos-Agoncillo is back on Primetime Bida
According to the actress, she did not think twice in accepting the project as her comeback because of its beautiful and extraordinary story.
“The story of Huwag Ka Lang Mawawala is about women empowerment. It fights for the rights of women and shows the strength of every human to fight for the principles that they believe in,” she says.
Judy Ann, dubbed “Queen of Pinoy Soap Opera,” intimates that after all the drama series that she has made, the only thing that she considers as her key to success is her love for her craft.
“For me, there is no real secret on how to maintain your status in show business. If you love what you’re doing and if you love and respect the people you’re working with, the support of the people for you would never fade,” Judy Ann shares.
As part of ABS-CBN’s celebration of 60 years of Philippine Television, Huwag Ka Lang Mawawalais the story of Anesssa Panaligan (Judy Ann), a strong woman and a loving daughter who will do everything for the sake of her family. Amid all the trials that she is facing, Anessa meets and falls in love with Eros Diomedes (Sam Milby), a rich young man who turns her life into a nightmare.
Completing the powerhouse cast are KC Concepcion, John Estrada, Tirso Cruz III, Coney Reyes, Susan Africa, Mylene Dizon, Matet de Leon, Empress, Bryan Termulo, and Joseph Marco.

Friday, June 7, 2013

Judy Ann Santos on her staying power in showbiz: ‘The key is just to be honest’

http://push.abs-cbn.com/features/9424/judy-ann-santos-on-her-staying-power-in-showbiz-the-key-is-just-to-be-honest/

6/08/2013 12:01 AM

by: Kristhoff Cagape


060813-judy_main.jpgAfter being in showbiz for over 20 years, Judy Ann Santos remains one of the most bankable stars in Philippine television. In an exclusive interview with Push.com.ph, the Queen of Teleseryes shared what she thinks is the reason behind her staying power in show business. “Siguro the key is just to be honest on what you want, kung ano ‘yung pinaninindigan mo, kung ano ‘yung pinaniniwalaan mo,” she remarked.

The actress added that in order to produce quality work, you need to be honest enough with management and with your co-workers. “Feelingko pag naging honest ka naman sa kanila at naexplain mo ng maayos kung ano ‘yung gusto mong mangyari, iintindihin ka naman nila eh. Kaysa don sa hindi ka naging tapat sa kanila, tapos parang niloko mo lang sila, may inisfactor, so you might explain kung bakit, maiintidihan naman nila,” she said.

With so many stars today, Judy shared her advice on how to make it in the industry. “Just give respect to everybody, to all your works, to all your projects. Respect talaga ang magiging susi mo para magstay ka dito. Kasi ‘yung mga taong nakatrabaho mo, ‘yun din ‘yung mag-proprotect sa ’yoalong the way,” she relayed.

As she gears up for her new teleserye Huwag Ka Lang Mawawala, Judy Ann is happy to know that a lot of people are anticipating her comeback. “It makes me smile. It’s flattering pero it makes me nervous din naman. Kasi parang ang tagal mong nawala tapos nakakatuwa lang isipin na kahit na nawala ka may naghihintay pa rin sa ’yo. So parang tama naman ‘yung desisyon ko pala,” she commented.

Now that she’s a mother, the actress sees to it that she commits her self to projects that will make her children proud of her. “Siyempre you want to do projects na you can show to your kids. And eventually your kids will be able to watch it ‘yung magiging proud naman sila sa mga ginawa mongproject. One reason why I choose projects that I do now, it’s really because it’s more of quality than quantity,” she said.

On the lessons that she learned in portraying her new role in Huwag Ka Lang Mawawala, the actress relayed, “It’s really respect for everyone, how to defend yourself and how to actually tell your husbandna wala namang hindi nakukuha sa hindi magandang usapan. And really ang pagbubuhat ng kamay sa isang tao ‘yun talaga ‘yung nakakatanggal ng respeto sa isang relationship.”

Wednesday, June 5, 2013

Huwag ka lang mawawala mall tour in Davao

Bawal ang pa-cute sa ‘Huwag Ka Lang Mawawala’

http://www.balita.net.ph/2013/06/05/bawal-ang-pa-cute-sa-huwag-ka-lang-mawawala/

Ni Reggee Bonoan

NAGDAGSAAN ang lahat ng supporters nina Judy Ann Santos, KC Concepcion at Sam Milby sa celebrity screening ng teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala sa Resorts World Theater noong Linggo ng gabi.
Bukod sa tatlong bida, dumating din ang kanilang supporting cast na sina John Estrada, Susan Africa, Empress Schuck, Mylene Dizon, Matet de Leon, Bryan Termulo, Joseph Marco, Tirso Cruz III, at Ms. Coney Reyes at ang mga direktor na sina Jerry Sineneng at Jerry Sineneng at Jerry Sineneng Tots Sanchez-Mariscal.

Naroon din ang ama ni KC na si Gabby Concepcion kasama ang kapatid ng dalaga na si Garrie, sina Mommy Carol Santos at Ryan Agoncillo, mga anak ni Tirso na sina Bodie at Djanin, Direk Joyce Bernal, Carlo Romero, at
Cornerstone people na sina Erickson Raymundo, Caress Caballero, Cynthia Roque at Jeff Vadillo.
At siyempre, ang bumubuo ng Dreamscape Entertainment na sina Deo Endrinal, Julie Ann R. Benitez, Kylie ManaloBalagtas, Dagang Vilbar, Ethel Espiritu, Rondel Lindayag, Direk Jerome Pobocan at adprom people.
Nakakabingi ang hiyawan ng mga supporter sa tuwing iko-close-up sina Juday, KC at Sam kaya panay ang ngiti ng mag-amang Gabby at Garrie na katabi lang namin.
Nagustuhan namin ang Huwag Ka Lang Mawawala dahil serious acting at matured ang atake sa soap, parang bawal magpa-cute ang tatlong bida, dahil tungkol sa realidad na nangyayari sa lipunan ang napapanood sa screen. Kuwento ito tungkol sa lalaking anakmayaman (Sam) na sunudsunuran sa ama (Tirso) na lahat ng sinasabi ay hindi puwedeng kontrahin, at para matakasan ang buhay na kinalakihan ay pinakasalan ang babaeng simple at mahirap (Judy Ann) at tumira sa bukid.
Pero hindi ganoon kasimple at kadali ang sitwasyon, dahil bukod sa hindi pabor ang magulang ng lalaking anak-mayaman sa napangasawa ay may psychological at emotional problem ang character ni Sam sa naging buhay niya habang lumalaki sa poder ng ama na mala-Hitler magpatakbo ng pamilya.
Lalo pang nadagdagan ang problema nang itakwil siya at tanggalan ng allowances, at nang hindi na makatiis sa hirap ay bumalik sa magulang. At dahil magkakaanak at ayaw lumaking mahirap ang panganay na apo ay pinatira ang simple at babaeng mahirap sa mansiyon ng asawa at dito na nagsimula ang kalbaryo niya.
Dito papasok ang babaeng kontrabida (KC) na kasamang lumaki ng lalaking anak-mayaman at umaasang siya ang pakakasalan pagdating ng tamang panahon na pangako nila sa isa’t isa noong mga bata pa sila, pero hindi nga natupad dahil mas pinili ang babaeng simple at mahirap. Gaganti ang kontrabida at tutuksuhin ang lalaking bata pa lang ay minahal na niya.
Maayos ang characterization ni KC kaya kahit kontrabida nga ay hindi ka magagalit sa kanya, maiintindihan ng viewers kung bakit naging ganoon ang ugali niya, at si Sam lang ang itinuturing niyang pamilya at nagmamahal sa kanya.
Hindi bibitiwan ng mga manonood ang unang linggong episode ng Huwag Ka Lang Mawawala at sana lang ay hindi ito lumaylay sa mga susunod pang episodes.
Tawanan nang tawanan ang audience dahil sa tuwing ipinapakita si Sam na walang damit ay marami ang kinikilig at isa na ang kapatid ni KC na si Garrie na naringgan namin ng, “Ang guwapo ni Sam, `kainis!“ kaya napapangiti na lang ang tatay nitong si Gabby na seryosong-seryosong nanonood.

Juday Curious On Reaction to New Series

http://www.home-harbor.com/index.php/public-home/18828-juday-curious-on-reaction-to-new-series

images/topstories_article/entnews/jun2013/jun5/home-harbor-juday-curious-on-reaction-to-new-series.jpgJune 5 ----- Actress Judy Ann Santos refuses to feel pressured now that she is set to return to primetime television. In an interview with ABS-CBN News, Santos said she is more curious on how viewers will react to the story of “Huwag Ka Lang Mawawala.” “Ayaw ko isipin masyado. Kinakabahan ako, basta may kaba at nerbyos pero happy ako ng bongga kasi lalabas na ang pinaghirapan namin ng almost a year of taping,” she said. Santos said she is hoping she and the rest of the cast could give viewers a riveting story that will meet their expectations. “I just hope magustuhan nila kasi nag-e-enjoy kami sa taping. Sana maitawid namin ng bongga. Kung may expectations man, sana ma-meet naming,” she said.

Meanwhile, Sam Milby, who will play the character of Santos’ husband, said he is honored to be given the chance to work with the “Queen of Teleserye.” “Ito ang pagbabalik ni Juday and for me also, first time to have something like this. It’s our first time to work together. I’m very confident naman kasi maganda ang storya and kasama ko ang one and only Judy Ann Santos,” he said. Aside from Santos and Milby, “Huwag Ka Lang Mawawala” also features KC Concepcion who will take on a kontrabida role for the first time. "Huwag Ka Lang Mawawala" will air its pilot episode on June 17 on ABS-CBN’s primetime block.

SNEAK PEEK: JUDY ANN SANTOS: HER ROYAL JOURNEY ON TV

Watch more On Tv videos on Frequency

Judy Ann’s daughter now an Agoncillo

http://manilastandardtoday.com/2013/06/05/judy-anns-daughter-now-an-agoncillo/
By RK Villacorta | Posted on Jun. 05, 2013 at 6:01pm | 403 views

Judy Ann Santos is proud to announce that her daughter Yohan is now officially and legally an Agoncillo.
After years of waiting, the court ruled on the couple’s favor.
“We had an intimate dinner to celebrate the good news. Tagal din kasi namin hinintay. Kailangan ko na rin kasi yong legal papers dahil pasukan na ng bagets,” the actress adds.
She said regarding their recent US trip, ‘It was a time for us to be together. Ako mismo nag-alaga sa dalawang bata. Hindi kami nagsama ng yaya.”
Now she’s back with a more daring role in the soap opera that will air on June 17. “Panahon na siguro na maging vigilant kaming mga babae na hindi na umabot sa pananakit sa amin ng aming mga asawa. Sa panahon ngayon, may boses na kami mga babae,” she said.
In the tele-serye, she plays the battered wife of her husband played by Sam Milby. KC Concepcion plays the antagonist.

Juday promotes new soap on Twitter, Instagram

Ang Reyna ng Pinoy Soap Opera : Judy Ann Santos

Nag-super bonding ang buong pamilya ni Judy Ann Santos

http://www.headlinegl.com/nag-super-bonding-ang-buong-pamilya-ni-judy-ann-santos/

Bahagi ng lumang kontrata ni Judy Ann Santos ang bagong teleserye na Huwag Ka Lang Mawawala. Kaya naman aniya, walang nagbago sa talent fee kahit na nga ilang taon din siyang nabakante sa paggawa ng soap.
“Sobra akong nag-enjoy sa lahat ng nakatrabaho at pinagdaanan ko sa ABS. Marami akong nakasama. Marami akong natutunan and it really made me a better person, a better actor at that.
“Kasi marami akong napagkumparahan na nakasama ko. Na-realize ko kung ano ’yung dapat na hindi ko ginagawa sa mga kasama ko dahil ayoko ring ginagawa sa akin.
“Lahat ’yan, natahi dahil napakakulay at napakabusog ng mga trabahong binibigay sa akin. Wala talaga akong masasabi,” pahayag ni Juday.
Kumusta naman ang nakaraan niyang birthday vacation?
“Masaya! Napakasaya. Relax lang kasi umalis kami…First time ni Lucho na mag-travel nang matagal na oras. Sobrang bonding lang kasi wala kaming kasama…Si Nonong lang ang kasama namin at saka si Ana (Dasig).
“Other than that, hindi talaga kami nagsama ng ibang mag-aalaga sa mga bata. Kasi ’yun ang moment namin bilang pamilya. Relax lang. Walang masyadong shopping. Medyo-medyo lang, hahaha! Isang credit card lang!
“Enjoy lang talaga. ’Yung trip na ’yon, para sa mga bata at mag-bonding talaga kami bilang apat lang kami. So, trinabaho naming ma-enjoy namin ang kids ng kami lang,” kuwento pa ng Teleserye Queen.

Sunday, June 2, 2013

Mas gustong isikreto ‘pag may problema Judy Ann Santos, aminadong ‘di kasing tapang ng iba

http://www.pinoyparazzi.com/mas-gustong-isikreto-pag-may-problemajudy-ann-santos-aminadong-di-kasing-tapang-ng-iba/

SA SOLO presscon ni Judy Ann Santos para sa pinagbibidahang serye, ang Huwag Ka Lang Mawawala na mapapanood sa darating na June 17 sa ABS-CBN, agad na muling klinaro ng aktres na wala silang problema ng asawang si Ryan Agoncillo at pinagtatawanan na lang nila ang isyu na nagsampa siya ng annulment case para mapawalang-bisa ang kasal nilang dalawa.
Tinanong si Juday kung gaano ba kahalaga para sa kanya ang loyalty at fidelity sa isang relasyon, ayon sa aktres ay mahalaga ito dahil ‘pag nasira ang tiwala ay mahirap nang maibalik pa at lagi nang may bahid ng pagdududa.
Natunugan agad na ang tatakbuhin ng tanong na ito ay tungkol sa loyalty sa kanya ng asawa, agad na sinabi ni Juday na malabo iyong gawin ni Ryan. Depensa ng aktres sa asawa, wala itong record na ginawa sa kahit na sinong girlfriend niya, bukod pa sa honest na tao ang asawa na bago pa man niya ito mahuli, malamang ay umamin na ito sa kanya.
Tinanong din kung tulad ba ng ibang artista, aamin din sa publiko sa sandaling magkaroon ng problema ang pagsasama nilang mag-asawa, nagbigay-pahayag ang aktres na alam naman ng tao na masikreto siyang tao. Hindi naman sa nagdadamot, pero naniniwala siya na ang mga bagay na nangyayari sa likod ng kamera ay mas madaling nareresolba ‘pag inaayos din ito sa likod ng kamera.
Nirerespeto ang mga artistang ginagawa ang magpa-interview ‘pag may mga problemang kinahaharap ang mga ito, para sa aktres ay nangangahulugan lamang ito na may sapat na tapang ang mga ito para ipagtapat sa publiko ang mga kaganapan sa buhay nila at siya ay hindi kasing-tapang ng iba.
Nagbabalik-serye sa nasabing soap opera, kung saan kinikilala si Juday bilang Reyna ng Teleserye, aminadong nanganganay siya nu’ng unang sabak niyang muli sa kamera, at nagtatanong siya sa kanilang direktor kung naitatawid naman niya ang hinihingi ng kanyang role. Pero kalaunan ay bumabalik naman ang kanyang kumpiyansa at tiwala sa sarili.

“Matigas ang ulo ni Sam!” -- Juday


Written by  Jojo Gabinete
Nagdasal muna si Judy Ann Santos bago siya humarap sa entertainment writers sa presscon ng Huwag Ka Lang Mawawala na ginanap sa Dolphy Theater noong Huwebes. Normal ang kaba na naramdaman ni Judy Ann dahil dalawang taon na ang nakararaan mula nang magbida siya sa isang teleserye.
Hindi maipaliwanag ni Judy Ann ang  pakiramdam pero nagpapasalamat siya sa special treatment at pagpapaha­laga na natanggap niya mula sa ABS-CBN management.
Sina KC Concepcion at Sam Milby ang ilan sa co-stars ni Judy Ann sa Huwag Ka Lang Mawawala at ayon sa kanya, nahasa nang husto ang kaalaman niya sa English language dahil sa dalawa.
“Nahasa ng bongga ang English ko, kumpara sa mga nakaraang soap na ginawa ko. With Sam, nakakabilib siya. Makikita mo kung paano siya nagpursige na mag-Tagalog, kahit hirap na hirap siya.
“Alam mong gusto niyang itawid sa mga tao na tatrabahuhin niya na makaarte nang maayos. At the same time, makapag-Tagalog. Mahirap ‘yon, ha? May moments na nagta-Tagalog siya. Mas madalas niyang ginagawa na mag-Tagalog siya pero hindi namin nire-require na kailangan puro Tagalog.
“Kami na nga ang nagsasabi na kung nahihirapan ka, Inglesin mo na lang. Ayaw niya. Matigas talaga ang ulo ng bata. Talagang nagta-Tagalog siya. Meron siyang gustong patunayan na nakakatuwa. Nakakabilib. Parang sinasabi niya na ibabalik ko naman sa inyo ‘yung pagpili sa akin doon sa papel na ito. Gusto niyang patunayan na carry niya.
“Si KC, masasabi ko talaga na perfect ‘yung role niya. It’s about time na gumawa siya ng ganitong klaseng role. Swak na swak sa kanya at with this role, masasabi ko na aktres talaga siya dito.”
“Mukha akong  siopao noon!”  -- Juday
Ang ABS-CBN ang nagbigay kay Judy Ann ng title na Reyna ng Pinoy Soap Operas kaya tinanong siya kung sino ang Hari ng Pinoy Soap Operas.
“ Wala akong karapatang magsabi kung sino ang King kasi ibi­nigay lang naman sa akin ang titulong ito. Ang may karapatan na makasagot niyan, ang management kasi sila ang nagdedesisyon kung sinuman ang mapusuan nila,” ang sagot ni Judy Ann.
In near tears si Judy Ann nang mapanood nito ang special AVP na ini­handa ng ABS-CBN. Ipinakita ang lahat ng mga teleserye na pinagbidahan niya pero natawa si Judy Ann nang mapanood nito ang ilang eksena mula sa Krystala. Hindi makapaniwala si Judy Ann na nagsuot siya ng “tights” sa edad na 26 para sa mga eksena ng fantasy series na pinagbidahan niya.
Natawa ang lahat sa sagot ni Judy Ann nang tanungin ito tungkol sa realization niya matapos mapanood ang mga eksena ng kanyang past teleseryes:
“Na mukhang siopao pala talaga ako. Hindi ako dapat magreklamo sa mga nagsusulat ng ganun kasi talagang mukha akong siopao na bagong gising.”

Judy Ann Santos, type magkaroon ng talk show

http://www.pinoyparazzi.com/judy-ann-santos-type-magkaroon-ng-talk-show/


KUNG HINDI ako nagkakamali, noon pa inaayos ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang papeles ni Yohan.
At sa tagal ng paghihintay, mukhang suwerte kay Juday at Ryan ang taong ito dahil na-grant na rin na isa nang official Agoncillo si Yohan.
“Timing dahil malapit na ang pasukan at kailangan din ‘yun sa enrolment,” kuwento ni Juday sa solo presscon niya para sa latest teleserye sa Kapamilya Network, ang Huwag Ka Lang Mawawala na magsisimula na sa June 17.
Happy si Juday dahil sa sunud-sunod na biyaya sa kanya ng nasa Itaas.
Bukod sa magandang balita na isa nang official na anak ng dalawa si Yohan, maganda ang project niya sa muli niyang pagharap sa kamera bilang isang drama queen. Ang bansag nga sa kanya, Queen of Pinoy Soap Opera, na ikinatuwa naman niya.
‘Yong mga cooking shows niya sa ABS-CBN (nag-aral naman kasi siya ng culinary bago pa nagsisunuran ang ilang showbiz celebrities natin) ay masasabig pang-warm up lang at hindi maituturing na “big” project sa kanyang pagbabalik after itong mag-asawa at magkaanak, kumpara sa bago niyang serye sa Channel 2.
One thing napansin namin sa mga pananalita ni Juday ngayon, mas magaling na siyang sumagot sa tanong. Mas relax. Mas may laman at nag-iiwan ng marka.
Now, she talks about brutality on women at mga women issues with confidence. Kung hindi mo kilala si Juday na isang artista, sasabihin mo na isa siyang womens rights activists who knows how to handle issues such as battering at ang pananakit sa emosyon ng isang babae.  Biro nga niya, she wants a talk show like The Judy Ann Show dahil kapado niya ang pananalita lalo na sa ganitong usapan.
Sa solo presscon niya, bubbly siya. Bigay-todo. Madaldal na hindi na pinahirapan ang press sa mga itatanong sa kanya.
Nagkunwari nga siya na siya ang host ng The Judy Ann Santos Show na maging siya natatawa. Ito ang isa sa mga bago kay Juday ngayon na isa na siyang ina kay Yohan at Lucho.
Tulad ng bago niyang serye, hindi lang pala sa drama masusubukan ang aktres. Pati na rin sa ilang action scenes (not the typical Krystala – the super woman role niya noon) kung saan ang mga suntukan at paghawak ng baril ay mga pagkakataon na kailangan niyang ipakita to safe her child sa teleserye.
Si Juday naman, very athletic at ‘di nga ba ay nagki-kick boxing (Muay Thai) siya na noon pa niya ginagawa to keep her fit bago pa man nagsipagsunuran ang iba?
Happy si Juday. Umaapaw tulad ng sabi niya kaya nga sa mga eksenang iyakan, hirap siyang humugot para mas madali siyang umiyak. Pero overwhelming ang mga magagandang nangyayari sa personal life niya at career. Kaya for her, she has nothing to ask for.

Marian at Juday, mag-aagawan sa lalake!

Written by  Alfie Lorenzo
Pinag-aagawan ang serbisyo ni Juday ngayon ng tatlong film outfits to do a movie for them para sa coming MMFF this December.
Nauna na sa pila sa tatlo si Mother Lily ng Regal Films who had a meeting already with Jun Lana na siyang magdidirek ng movie at handa nang i-submit ng Regal sa MMFF ang commitment nila.
Balak man ng Viva Films na gawing entry rin this year ang Magkakapatid nina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo at Juday ay hanggang balak pa rin si Boss Vic since three years ago.
Ganoon din ang GMA Films na four years nang balak ni Joey Abacan na sundan ang nauna nilang Ouija, pero hanggang tsika lang at wala nang follow-up.
I am sure, manggugulo na naman ang Star Cinema by insisting na gawin na ang noon pang balak na Juday-Coco Martin movie na ang location shoot ay sa Las Vegas pa kuno. Kikilos na kaya ang Star Cinema ngayong nabasa na nila itong balak ng Regal Films?
The still untitled Regal Films will co-star Juday with Marian Rivera. Gaganap silang magkapatid na magkakaproblema sa iisang lalake. Si Dingdong kaya ‘yun o si Derek Ramsay?
Abangan po ninyo!

Judai makes 'royal' comeback on 'ASAP'

Saturday, June 1, 2013

Judy Ann Santos, nahihiya ‘pag tinatawag na ‘Queen of Teleserye’

http://www.pinoyparazzi.com/judy-ann-santos-nahihiya-pag-tinatawag-na-queen-of-teleserye/


JUDY ANN Santos is back on the small screen via her newest primetime teleserye Huwag Ka Lang Mawawala which will start airing on June 17. Isang kakaibang Juday ang mapapanood sa series. She will play Anessa, isang battered wife na gagawin ang lahat makalaya lamang mula sa kalupitan ng kanyang asawa at maprotektahan ang kanyang anak.
Kasama rin sa inaabangang series sina KC Concepcion, Sam Milby, John Estrada, Mylene Dizon, at Ms. Coney Reyes.
Sa mahigit dalawang dekada niyang pamamayagpag sa industriya ay walang kaduda-dudang siya nga ang nag-iisang Queen of Teleseryes. Naging kabahagi tayo ni Juday sa kanyang makulay na buhay na parang isang teleserye – may saya, may luha, may pagkabigo pero sa bandang huli ay may happy ending. From being a child star to being a happy wife and mom, nasaksihan nating lahat ang bawat yugto ng kanyang buhay.
She is on top of her game pero sa kabila ng kanyang mga accomplishments as an actress ay aminado si Juday that she feels queasy about her Teleseye Queen tag. Kuwento niya sa kanyang interview with ABS-CBNNews.com, “Nahihiya ako sa totoo [lang]. Nakaka-flatter. Hindi ko tatanggalin ang pakiramdam na nakaka-flatter talaga. But then again, minsan iisipin mo ‘deserve ko ba ito, hindi ba parang OA ito?’”
“Kasi siyempre hindi mo maiiwasan na makapag-isip NAng ganito kasi may mga taong magbibigay ng negative na komento tungkol sa pagiging ‘The Queen’. Hindi naman po ako ang nagbigay nito sa sarili ko pero I’m flattered. Wala akong maisip para mai-describe ang nararamdaman ko kung hindi flattery at thankful.”
Lubos ang kanyang pasasalamat sa ABS-CBN dahil sa good projects na natatanggap niya.
Ipinakita ni Juday ang kanyang husay bilang isang aktres sa pagbibigay-buhay niya sa mga karakter na kanyang ginampanan sa mga teleseryeng Mara Clara, Esperanza, Sa Puso Ko Iingatan Ka, Basta’t Kasama Kita, Krystala, Sa Piling Mo, Ysabella, at Habang May Buhay.
Sinabi ni Juday na nagsimula ang kanyang tagumpay dahil sa Mara Clara. “Lahat-lahat ng iyan nagsimula sa Mara Clara. Dahil ang Mara Clara ang huling soap na umabot ng limang taon, iyon ang pinakatumatak sa mga tao. From there nag-start. Dahil siguro lumaki ako sa mata ng mga tao nang limang taon, at after that, sunud-sunod ang ibinigay na serye sa akin ng ABS-CBN. Kaya siguro nabansagan ako na teleserye actress. Doon ako nasanay at ito ang parte ng sistema ko na hindi ko makakalimutan. It will always be part of me.”
Kaibigan, usap tayo muli!

Huwag Ka Lang Mawawala Solo Presscon for Judai (credit to the owners)