@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, June 5, 2013

Bawal ang pa-cute sa ‘Huwag Ka Lang Mawawala’

http://www.balita.net.ph/2013/06/05/bawal-ang-pa-cute-sa-huwag-ka-lang-mawawala/

Ni Reggee Bonoan

NAGDAGSAAN ang lahat ng supporters nina Judy Ann Santos, KC Concepcion at Sam Milby sa celebrity screening ng teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala sa Resorts World Theater noong Linggo ng gabi.
Bukod sa tatlong bida, dumating din ang kanilang supporting cast na sina John Estrada, Susan Africa, Empress Schuck, Mylene Dizon, Matet de Leon, Bryan Termulo, Joseph Marco, Tirso Cruz III, at Ms. Coney Reyes at ang mga direktor na sina Jerry Sineneng at Jerry Sineneng at Jerry Sineneng Tots Sanchez-Mariscal.

Naroon din ang ama ni KC na si Gabby Concepcion kasama ang kapatid ng dalaga na si Garrie, sina Mommy Carol Santos at Ryan Agoncillo, mga anak ni Tirso na sina Bodie at Djanin, Direk Joyce Bernal, Carlo Romero, at
Cornerstone people na sina Erickson Raymundo, Caress Caballero, Cynthia Roque at Jeff Vadillo.
At siyempre, ang bumubuo ng Dreamscape Entertainment na sina Deo Endrinal, Julie Ann R. Benitez, Kylie ManaloBalagtas, Dagang Vilbar, Ethel Espiritu, Rondel Lindayag, Direk Jerome Pobocan at adprom people.
Nakakabingi ang hiyawan ng mga supporter sa tuwing iko-close-up sina Juday, KC at Sam kaya panay ang ngiti ng mag-amang Gabby at Garrie na katabi lang namin.
Nagustuhan namin ang Huwag Ka Lang Mawawala dahil serious acting at matured ang atake sa soap, parang bawal magpa-cute ang tatlong bida, dahil tungkol sa realidad na nangyayari sa lipunan ang napapanood sa screen. Kuwento ito tungkol sa lalaking anakmayaman (Sam) na sunudsunuran sa ama (Tirso) na lahat ng sinasabi ay hindi puwedeng kontrahin, at para matakasan ang buhay na kinalakihan ay pinakasalan ang babaeng simple at mahirap (Judy Ann) at tumira sa bukid.
Pero hindi ganoon kasimple at kadali ang sitwasyon, dahil bukod sa hindi pabor ang magulang ng lalaking anak-mayaman sa napangasawa ay may psychological at emotional problem ang character ni Sam sa naging buhay niya habang lumalaki sa poder ng ama na mala-Hitler magpatakbo ng pamilya.
Lalo pang nadagdagan ang problema nang itakwil siya at tanggalan ng allowances, at nang hindi na makatiis sa hirap ay bumalik sa magulang. At dahil magkakaanak at ayaw lumaking mahirap ang panganay na apo ay pinatira ang simple at babaeng mahirap sa mansiyon ng asawa at dito na nagsimula ang kalbaryo niya.
Dito papasok ang babaeng kontrabida (KC) na kasamang lumaki ng lalaking anak-mayaman at umaasang siya ang pakakasalan pagdating ng tamang panahon na pangako nila sa isa’t isa noong mga bata pa sila, pero hindi nga natupad dahil mas pinili ang babaeng simple at mahirap. Gaganti ang kontrabida at tutuksuhin ang lalaking bata pa lang ay minahal na niya.
Maayos ang characterization ni KC kaya kahit kontrabida nga ay hindi ka magagalit sa kanya, maiintindihan ng viewers kung bakit naging ganoon ang ugali niya, at si Sam lang ang itinuturing niyang pamilya at nagmamahal sa kanya.
Hindi bibitiwan ng mga manonood ang unang linggong episode ng Huwag Ka Lang Mawawala at sana lang ay hindi ito lumaylay sa mga susunod pang episodes.
Tawanan nang tawanan ang audience dahil sa tuwing ipinapakita si Sam na walang damit ay marami ang kinikilig at isa na ang kapatid ni KC na si Garrie na naringgan namin ng, “Ang guwapo ni Sam, `kainis!“ kaya napapangiti na lang ang tatay nitong si Gabby na seryosong-seryosong nanonood.

No comments:

Post a Comment