@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Showing posts with label masterchef pinoy edition. Show all posts
Showing posts with label masterchef pinoy edition. Show all posts

Thursday, December 5, 2013

Judy Ann Santos Receives Back-to-Back Victories



Though Christmas is still days away, Judy Ann Santos-Agoncillo has already received two special gifts as a television host, beginning with her victory as Best Reality ShowHost in the 27 th PMPCStar Awards for TV for “MasterChef Pinoy Edition”.

Judy Ann Santos Receives Back-to-Back Victories

Aside from that, her rewards spill over into the success of her current game show, “Bet OnYour Baby,” that airs on Saturday nights.

According to data from Kantar Media, “Bet On Your Baby” received a rating of 26.9% in comparison to the 14.7% that its rival show earned last Saturday (November 30).

This Saturday (December 7), “Bet On Your Baby” is all set to begin celebrating the holidays.

Meanwhile, “Bet On Your Baby” begins its Christmas celebration this Saturday (Dec 7). Among the babies who will spread “cuteness” are Baby Seth Ariza, child of a seaman and a teacher from Laguna, Baby Iana Francisco, a child of a security guard from Tondo, Manila and Russki Bertulano, a child of an acrobat performer from Bulacan.

“Bet On Your Baby” airs on Saturdays on ABS-CBN.   For updates, visit and like “Bet On Your Baby” on Facebook (www.facebook.com/betonyourbabyph ) and follow @betonyourbabyph on Twitter or betonyourbabyphilippines onInstagram. For comments on the show, don’t forget to use the hashtag #BetOnYourBabyPH.


Monday, January 28, 2013

Joseph Marco says it's "surreal" to work with Judy Ann Santos in Against All Odds


--------snipped------
ON WORKING WITH JUDY ANN SANTOS. Isa nga sa mga pinaghahandaan ngayon ni Joseph ay ang teleseryeng Against All Odds na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos-Agoncillo.
Magkapatid sina Joseph at Judy Ann dito.
Makakasama rin nila sina Jessy Mendiola at si Bryan Termulo, na siyang bubuo sa bagong onscreen love triangle ni Joseph.
"Thankful naman ako sa ABS-CBN na binigyan ako ng ganito kalaking break sa isang teleseryeng Against All Odds,” wika ni Joseph.

"Makakasama ko iyong mga malalaking stars tulad nina Ms. Judy Ann Santos at Sam Milby, and, of course, again si Jessy Mendiola.”“Feeling ko, isa ito sa mga biggest break ko.
Tungkol saan nga ba ang teleseryeng Against All Odds?
“Well, nandun na  sa title mismo… Against All Odds.
"Para kay Ms. Judy Ann iyong istorya na parang pasan niya iyong mundo.
"Ang daming nangyaring mga bagay sa kanya, pero she will fight and parang sa kanya, everything will be okay.”
 Matagal na umanong naumpisahan ang production ng nasabing teleserye.
Ayon kay Joseph, “Nag-start na kami before ng halos one and a half months na.
"Pero, na-stop kami ng halos three months, kasi nga po may MasterChef si  Ms. Judy Ann.”
Ang tinutukoy ni Joseph ay ang programang MasterChef Pinoy Edition, hosted by Judy Ann.
Kumusta naman ang experience ni Joseph na maka-trabaho si Judy Ann, na siyang kapatid niya sa show?
“Actually, most of my scenes kasama ko si Ms. Judy Ann.
"Grabe! Sobra! It feels surreal.
"Kasi, that’s Judy Ann Santos, e, parang bata palang ako pinapanuod ko na siya, now she’s a big star. Nakaka-overwhelm.”

Hindi ba siya kinabahan na makatapat sa eksena ang tinaguriang Young Superstar ng Philippine showbiz?
“Noong una, medyo kinakabahan ako at masyado akong na-challenge, lalo na iyong mga unang eksena namin.
"Pero, alam mo iyon, she makes me feel comfortable. Parang isang pamilya lang kami sa set.
------------


Sunday, December 9, 2012

14 MASTER CHEF KUSINERO’T KUSINERA, NAI-INTIMIDATE KAY CHEF FERNS




altSA Vermont Royale Executive Village sa Marcos Highway in Antipolo pala nananahan ang natitirang 14 kusinero at kusinera sa Master Chef Pinoy Edition ng ABS-CBN, na napapanood tuwing 10:00 a.m., Lunes hanggang Biyernes.

Dinalaw namin ang 14 na contender para sa tatanghaling kauna-unahang Pinoy Master Chef sa tahanan nila kapag kailangan nilang mag-taping. Kaya, most days eh, doon sila nagsasama-sama. Walo sa 14 ang nakausap namin sabay tikim na rin sa kanilang mga inihandang mga putahe. Iyakin ang tawag ng marami sa Kitchen Mac-Kulit na si Mac Serrano, na isang OFW na mula sa Tarlac. Sa tsikahan pa lang habang nilalantakan namin ang kanyang leche flan na pawang mga native na ingredients ang kanyang ginamit, hindi napigilan nito ang maiyak sa pagsasabing hinding-hindi na niya iiwan ang kanyang pamilya.

Ang pulis namang si Tolits Dulva, na tinatawag na Chief Cook of Police, na naghanda sa amin ng kanyang tuna cheese canapés na rati ring nag-OFW eh, magpapatuloy pa rin naman daw sa kanyang tungkulin bilang isang pulis sakaling siya ang tanghaling Master Chef pero on the side eh, malamang na magtayo rin ng restaurant sa kanilang bayan sa Sorsogon.

Pero nang si Ronnel Torres na tinatawag na Boy Labong na ang tsumika at nagpatikim sa amin ng kanyang pork liver sisig, na-upstage nito si Mac sa iyakan. Nasa abroad lahat ng mga kapatid ni Ronnel pero gusto raw nitong patunayan naman sa mga mahal niya sa buhay na hindi siya patuloy na aasa sa kanilang mga ipinadadala. Natabunan ng lahar ang tahanan nila sa Porac, Pampanga pero nagsisikap nga si Ronnel na maitaguyod ang kanyang pamilya. Bilib ang manonood kay Ronnel sa ipinakikita nitong gamit ng panggatong sa pagluluto, pagtatanim ng halaman at pag-aalaga ng mga hayop para siya nilang maging ulam.

Limang babae ang nakatsika namin. Una, sina Myra Santos na isang accountant na mango crepe ang inihain sa amin at si Ivory Yat na tinatawag na Kitchen Fashionista, na naghain naman sa amin ng nyoki. Parehong may mga kwentong magaganda sa buhay nila ang dalawa. Para sa magandang kinabukasan ng kanyang mga anak ang misyon ni Myra sa kanyang pagsali sa Master Chef. Si Ivory naman, gusto talagang makapagpatayo ng restaurant balang araw. Kaya nga more than the P1-M na premyo, mas interesado ito na ‘yung scholarship sa isang culinary school ang mapasakamay niya. Rati palang may rehabilitation center sa Las Pinas ang kanyang ama. Pero nagkasakit ito kaya isinara ang nasabing rehab center. Inusisa namin si Ivory kung may mga artistang nanahan sa kanilang rehab center. Mayroon daw pero siyempre, she can’t disclose kung sino-sino ang mga ito. At umayos naman na raw ang buhay nang matapos na ang kanilang treatment.

We also had the chance to meet ang negosyanteng kusinerang si Carla Marcaida, ang nanay-kasambahay na si Lilibeth Nicolas, at ang cooking Momma na si Melissa Gutierrez. Ang sasarap din ng mga inihanda nila para matikman naming—ang chicken pot roast ni Mama Melissa, ang squash soup with bacon ni Lilibeth, at ang triple choco moist cake ni Carla.

Sa iba’t ibang parte ng dalawang bahay kung saan sila nananahan namin kinausap ang mga kusinero’t kusinera.

Dumating ang ambulansiya ng St. Luke’s para kaunin ang loving nanay ng Kusinang si Maureen Angala. Dalawang araw na raw itong nilalagnat. At ayon nga kay Ivory na kumuha naman ng kursong Nursing, sa tingin nga niya eh, kailangan ng pumunta ng ospital ni Maureen dahil nga sa mga naglabasan ding rashes sa balat nito. Ayaw nilang isiping dengue ang tumama sa kanilang kasamahan kaya marapat lang daw na tingnan na ito mismo sa ospital.

Tinanong namin ang karamihan sa kanila kung sino sa tatlong chefs na nagja-judge sa kanila ang nai-intimidate sila. Nagkakaisa sila sa sagot na si Chef Ferns.

Marami nga raw silang natututuhan dito dahil may pagka-mabagsik nga ito sa kanyang napaka-seryosong look.

Pero ang love nila talaga eh, ang host na si Judy Ann Santos.

Sabi nga ni Mommy Melissa, “Si Juday kasi, she’s so kind. She’s learned from the strife that came to her life in the past. Kaya ‘pag nagsasalita siya, ‘pag may sinasabi, alam mong everything comes from the heart at napag-aralan o nadaanan na niya ito in her experiences.  Malumanay magsalita, maganda magsabi ng opinion o judgment niya, very gentle. Maa-accept mo ang anumang sabihin niya. Add to that pa na she’s so pretty. Lagi namin g inaabangan ang suot niyang damit and shoes.”

Mayroon na ba kayong bet sa kanila? Karamihan sa mga kakilala ko, talagang kinukuha ang recipes that these cooks share sa audience. Kaya, hindi na kami magtataka kung after the competition, may ilalabas na recipe book ang ABS-CBN na magtatampok sa naibahagi nilang mga luto sa madla.

Ang the best sa mga tinikman ko that day sa inihain sa amin—ang sisig ng mula sa Pampangang si Ronnel. To die for!    
                  

Saturday, November 17, 2012

Natuwang ‘di muna tuloy ang serye: Judy Ann ayaw barubalin ang pagho-host

 http://www.philstar.com/showbiz/2012-11-18/868032/natuwang-%E2%80%98di-muna-tuloy-ang-serye-judy-ann-ayaw-barubalin-ang-pagho-host

 Medyo mauurong ang pagpapalabas ng teleser­yeng Against All Odds na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos, Sam Milby, KC Concepcion, at Jericho Rosales. Nagkaroon kasi ng kaunting problema sa schedule ng mga nasabing bida dahil abala rin sila sa kabi-kabilang proyekto. Katulad na lamang ni Judy Ann na nagsimula nang umere noong Lunes ang MasterChef Pinoy Edition na sarili niyang programa. “Tuloy pa rin. Wala namang nabago and wala namang nadagdag, wala ring nabawas. Tuloy pa rin siya definitely. Nag-shoot na kami, marami na. Naka-isang linggo na kami, naka-pilot week na kami. May mga consideration na kaila­ngang gawin kasi pati sa production. Mara­ming kailangan i-adjust with the teleserye. Hindi naman made-delay masyado ’yung taping, ’yung airing lang,” paliwanag ni Judy Ann. Mas pabor sa aktres kung hindi niya magkasabay na ginagawa ang dalawang magkaibang proyekto. “Actually, sa akin okay lang. Ini-explain ko rin naman sa kanila na kung ipapagawa n’yo sa akin ’yung MasterChef, hindi ko kayang pagsabayin ’yun at ’yung teleserye kasi paniguradong may isang magsa-suffer. Ayoko naman ng ganun. Ayoko namang mag-suffer ’yung performance ko roon. Ganun din dito sa pagho-host kasi bagong pasok lang ako rito, babarubalin ko na. So, naintindihan naman nila,” kuwento pa ni Juday.

Tuesday, November 13, 2012

“MasterChef Pinoy Edition” beats rival programs in national TV ratings



http://theultimatefan.blogspot.com/2012/11/masterchef-pinoy-edition-beats-rival.html


ABS-CBN’s first kusina-serye MasterChef Pinoy Edition  is poised to become Filipinos’ favorite morning TV habit as its pilot episode that featured Judy Ann Santos-Agoncillo and the inspiring stories of amateur chef auditionees yesterday (Nov 12) claimed an early lead in ratings.
MasterChef Pinoy Edition
Based on data from Kantar Media, it registered a national TV rating of 18.1%, while GMA’s Knock Out (9.7%) and Cielo de Angelina (6.7%) and TV5’s Face to Face(5.3%), trailed very far behind.
Aside from trending on Twitter in the Philippines, it also claimed the eighth spot in the top 20 most watched programs in the country and even scored higher than all of GMA and TV5’s primetime teleseryes.
Watch MasterChef Pinoy Edition with Juday, Chef Ferns, Chef Lau, and Chef Jayps from Mondays to Fridays before Be Careful with My Heart  on ABS-CBN’s Umaganda block.

Sunday, November 11, 2012

Judy Ann Santos compares past and present leading men to food; says Piolo Pascual is like risotto



http://www.pep.ph/news/36368/judy-ann-santos-compares-past-and-present-leading-men-to-food-says-piolo-pascual-is-like-a-risotto

Judy Ann Santos on her hosting career: "Ngayong ibinigay ulit sa akin itong season ng MasterChef, sobra akong na-happy kasi napatunayan ko sa sarili ko—at siguro sa iba ring tao—na there’s more to me than just being an actress. Hindi pag artista ka, acting lang ang puwede mong gawin."

Photo: Noel Orsal




Malaking bagay para kay Judy Ann Santos na siya ulit ang kinuha ng ABS-CBN para mag-host ngMasterChef Pinoy Edition, na mapapanood na simula Lunes ng umaga, Nobyembre 12.

Marami raw kasi siyang napatunayan sa kanyang sarili simula nang una siyang maging host ng Junior MasterChef Pinoy Edition noong isang taon.

Sabi ni Juday, “For some reason, uumuwi ako nang mas masaya, kasi parang may isang part ng buhay ko na nabuksan, which is cooking.Kakaibang satisfaction daw ang hatid sa kanya ng pagiging host ng naturang “kusinaserye” ng Kapamilya Network.

“Na hindi naman alam ng mga tao iyan before, e, na marunong po ako.

“Parang hindi ko naisip na puwede ko palang pasukin itong linyang ito.

“All this time, akala ko hanggang pag-arte lang ako.

“Noong pumasok yung Junior MasterChef, nandun yung kaba, nandun yung takot, na parang bago ko pa makita yung mga batang dumarating, halos masuka-suka ako sa nerbiyos.

“Hindi ko talaga alam kung kaya kong itawid yung hosting.

“Ngayong ibinigay ulit sa akin itong season ng MasterChef, sobra akong na-happy kasi napatunayan ko sa sarili ko—at siguro sa iba ring tao—na there’s more to me than just being an actress.

“Hindi pag artista ka, acting lang ang puwede mong gawin.

“Pag nabigyan ka ng pagkakataon, gawin mo yung isang bagay na gusto mong gawin—maybe hosting or iba pa na puwede mong gawin.

“Nagkakaroon ka ng ibang klaseng accomplishment, na parang meron pa pala akong puwedeng gawin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press si Juday sa presscon ng MasterChef Pinoy Edition kahapon, Nobyembre 8, sa Renaissance Convention Center, Riverbanks Complex, Marikina City.

Masaya rin si Juday na makakasama ulit sa show ang chef-judges na sina Fernando “Ferns” Aracama, Rolando “Lau” Laudico, at JP “Jayps” Anglo.


Hindi lang daw kasi sila magkakaibigan kundi magkakapamilya pa, kasama ang buong staff ng show.
LEADING MEN AS FOOD. Nakatuwaan namang sabihan ng press si Juday na ikumpara nito sa pagkain ang kanyang mga naging leading men.

Narito ang ginawang paghahambing ng aktres:
Wowee de Guzman. “In fairness kay Wowee, puwede siyang lechong manok.
“E, kasi, di ba, yung loveteam namin before, yun ang pinakamasa?
“So, ang makikita mong pinakamasang pagkain is lechong manok, na affordable. At pagka may comfort food ka, lechong manok yung gusto mo.”

Rico Yan. “Si Rico, pizza. Maliban sa ma-texture, yung Pinoy na Pinoy.
“Pag una mong tingin, pizza siya, sosyal, di ba?
“Pero pag kinain mo, lalagyan mo ng Pinoy flavors na very Rico.
“Na pag unang tingin mo, akala mo hindi mo mari-reach, pero pag kinausap mo, aba, e, mas barubal pa pala sa iyo, yung ganun.
“Very down to earth, very humble, at saka yung masyado kang maraming matututunan.
“Parang pizza, marami kang matitikman kasi ang daming ingredients na kasama ng pizza.”
Pagkatapos ni Rico Yan, biniro ni Juday ang press na dalawa lang daw ang sasabihin niya.
Alam naman kasi niya na ang hinihintay ng lahat na banggitin niya ay ang pangalan ni Piolo Pascual.
Pabiro niya ring isiningit ang pangalan ni Mark Anthony Fernandez dahil naging leading man din naman daw niya ito.
Pero sa huli, napilit din siya ng press na ibigay ang food comparison niya para kay Piolo.

Piolo Pascual
. “O sige na, sige na… Si Piolo, ilagay natin sa… siguro risotto,” pagtukoy ng actress-TV host sa isang klase ng Italian rice dish.
“Sosyal siya, di ba?
“Yung risotto kasi, mahirap lutuin, kailangang bantayan. Kailangan mong tutukan.
“Pag tinutukan mo, makukuha mo yung tamang timpla.
“Pero pag pinabayaan mo, mahihilaw siya o malalata siya.
“In fairness naman sa loveteam namin ni Piolo noon, di ba, lahat ng mga pelikulang ginawa namin, sobra namang kumita.
“Ibig sabihin, nabantayan, ibig sabihin inalagaan.
“Dumating lang sa punto na napabayaan kaya kailangang mag-separate ng landas.
“Ibig sabihin, nalata. Okay.”
Nilinaw rin ni Juday na ang risotto ay hindi naman simpleng kanin lang.
Aniya, “May iba-ibang flavors ang risotto.
“Puwede mong lagyan ng mushrooms, puwede mong lagyan ng truffles… iba-iba.
“Parang si Piolo rin, iba-iba rin yung nagiging ka-loveteam.”

Hiniling din ng PEP na isama na sa listahan ang asawa niyang si Ryan Agoncillo na naging ka-loveteam rin sa pelikula at telebisyon.

Biglang nagtawanan ang press, kaya ipinagdiinan ni Juday na, “Yung adobo, ha! At saka, di ba, yun ang pagkain na nami-miss mo pag nasa ibang bansa ka, di ba?Ryan Agoncillo. “Si Ryan, adobo. Kasi yun ang all-time favorite mo. Puwede mo siyang kainin umaga, tanghali, gabi.”
“Pag halimbawa, pumunta ka ng ibang bansa, ‘Uy, gusto ko ng adobo.’ Siya yun. ”
Inihabol na rin ng press si Mark Anthony, na nabanggit na niya noong una. Nagkasama rin kasi sila sa isang pelikula noon—ang Ako Ba Ang Nasa Puso Mo?(2000).

Mark Anthony Fernandez. “Si Mark Anthony, pasta, yung spaghetti na Pinoy, all-time favorite sa party.
“Kasi ma-texture din, di ba, marami ka rin makikita, kahit saan mo puwedeng ilagay yung sauce.
“Para ring si Mark—puwedeng action, puwedeng comedy, puwedeng drama.”

SAM MILBY. Pati ang bagong leading man ni Juday sa upcoming ABS-CBN teleserye na Against All Odds, si Sam Milby, ay hiningan din ng food comparison.
Sabi ni Juday, “Siguro, steak. E, kasi parang ang mahal niyang tingnan, di ba? Tapos may abs.”
Ano klaseng steak si Sam?
“Dapat sizzling steak para malutong.”
Totoo ba yung sinabi ni Sam na nai-intimidate siyang kaeksena si Juday sa teleserye nila?
“Sabi niya. Pero feeling ko, nai-intimidate lang siya kasi nabubulol siya, yung ganun.
“Pero may effort kasi siya na mag-Tagalog.
“Gusto ko naman yung effort na yun sa kanya na mag-Tagalog siya, kaya nakakatuwa naman din.
“Pero siguro nga natatakot siya. Sabi ko nga, ‘Bakit ka natatakot?’”
Bilang magaling na aktres, kuntento ba siya sa acting ni Sam?
“Oy, in fairness, may acting si Sam, ha—in fairness, ha.
“Kasi kung wala naman siyang acting, siyempre malalaman naman din pag sinabihan siya ng director.
“May acting siya, yun nga lang, ang problema lang talaga ngayon is yung pagsasalita niya, nahihirapan talaga siya.
“Pero natutuwa ako doon sa effort na ipinapakita niyang gustung-gusto niya talagang mag-Tagalog, ayaw naman ng dila niya.
“At least, happy na ako doon.”


Thursday, November 8, 2012

Judy Ann wants to work with both Vilma, Nora


http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/11/08/12/judy-ann-wants-work-both-vilma-nora


MANILA, Philippines - Actress Judy Ann Santos on Thursday denied that she prefers to work with Nora Aunor instead of the veteran actress' great rival Vilma Santos.
"Hindi. Wala akong sinasabi," Santos told reporters during the press conference for "MasterChef Pinoy Edition" which premieres on Monday, November 12, before "Be Careful With My Heart," on ABS-CBN.
"In all fairness ang sinabi ko ay gusto kong makasama muli si Ate Guy at gusto kong makagawa ng pelikula with Ate Vi. Sino ba naman ako para sabihing hindi ko gustong makasama si Vilma Santos? Ang choosy ko naman," explained Santos, who worked with Aunor in 1991 film "Sa Puso Ko Hahalik Ang Mundo" and "Babae" in 1997.

The "MasterChef Pinoy Edition" host believes that working with both actresses would be a great honor for her.
"I mean sa isang artista na kagaya ko, napakalaking bagay para sa akin 'yung makasama ko ang isang Vilma Santos at isang Nora Aunor. Hindi ko naman sinasabi na sa isang pelikula. Pero hindi ba 'yun ang kukumpleto sa pagiging isang artista mo, 'yung kapag naka-trabaho mo sila? Sila 'yung pioneer  sa industriya. Sila 'yung kukumpleto sa papel mo bilang artista. So kung mabigyan ako ng pagkakataon na makasama sila sa isang trabaho eh sino ako para tumanggi, hindi ba? Gusto kong makatrabaho si Ms. Vilma Santos at Ate Guy, Ms. Nora Aunor," the actress stressed.
But before that, Santos will find herself up against Aunor in this year's Metro Manila Film Festival. Santos stars in the "Si Enteng, Si Agimat at Ako" along with Vic Sotto and Ramon "Bong" Revilla Jr., while Aunor topbills Brillante Mendoza's "Thy Womb."

Judy Ann Santos on reunion project with Piolo Pascual: "Anything can happen... but not this year, not in two years."

http://www.pep.ph/news/36352/judy-ann-santos-on-reunion-project-with-piolo-pascual-anything-can-happen-but-not-this-year-not-in-two-years/1/2

“Mangyayari pero huwag nating i-push kasi baka kaka-push natin, tabangan na yung mga tao. Baka kapag ipinalabas, expired na rin ‘yon dahil napapag-usapan naman,” says Judy Ann Santos about having another project with former leading man Piolo Pascual.





Nakiusap ang actress-TV host na si Judy Ann Santos-Agoncillo na huwag nang pag-usapan ang tungkol sa inaasahang muling pagtatambal nila ni Piolo Pascual hanggang wala pang tiyak na plano.

“Siguro hindi naman na yata mawawala ‘yon. Puwede ba, let’s leave it at that?” sabi ni Judy Ann nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conferecence ng bago niyang programa, ang MasterChef, kaninang hapon, November 8.

Sa nakaraang panayam kay Piolo, sinabi ng aktor na gusto niyang makatrabaho muli ang kanyang leading lady sa pelikulang Till There Was You (2003).

Ani Piolo, “Sobra akong kumportbale kay Juday and I’m praying and wishing for that na magkasama uli kami.

“Kasi ang laki ng itinulong sa akin ni Juday, sa career ko.

“I have open doors to be partner with her again.”

(CLICK HERE to read related article.)

Nang hingan ng reaksiyon si Juday tungkol sa naging pahayag ni Piolo ay nagbiro siya at sinabing, “Hindi pa rin ba kayo natatapos diyan? Hindi ba tayo puwedeng naka-move on?”

Ayon sa aktres, hindi pa siya makapagbigay ng tiyak na sagot tungkol dito.

“Hindi ako makasabi ng oo, hindi ako makasabi ng hindi.

“Hindi ko rin talaga alam kung ano na yung magiging plano.

“Anything can happen... but not this year, not in two years.

“Maybe it will happen... I’m not saying it will not.”

Pagkatapos ay muli siyang nakiusap na huwag nang masyadong pag-usapan ang tungkol dito.

“Mangyayari, pero huwag nating i-push kasi baka kaka-push natin, tabangan na yung mga tao.

“Baka kapag ipinalabas, expired na rin ‘yon dahil napapag-usapan naman, ‘Wala na, e, palagi naman tinatanong, ngayon, ayaw ko na.’

“Hayaan na lang natin na mangyari kung mangyayari.”

ON SHARON CUNETA. Hindi rin naiwasan na mahingan ng opinyon si Judy Ann tungkol sa itinuturing niyang ate sa showbiz—ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay muling sumagot sa microblogging site na Twitter ang singer-actress-TV host dahil sa ilang fans na sa tingin niya ay tagahanga ni Piolo Pascual.

Ilan sa kanila ay nag-post ng mga negatibong komento tungkol sa anak ni Sharon na si KC Concepcion, ex-girlfriend ng Kapamilya actor.

(CLICK HERE to read related article.)


Sa halip na magsalita tungkol dito, nagbiro na lang si Judy Ann: “Nakaupo lang ako. Ayaw kong mag-stand, nakaupo lang ako!”


Dagdag niya, “Ang hirap magbigay ng komento, di ba? Lalo pa ngayon, kapag nagkomento ka…


“Hayaan na muna nating lumiit yung butas. Dedma na.


"Ayaw ko nang makigulo pa. ‘Yon lang, move on na.”


Umaasa rin si Judy Ann na, “Sana sa taong ito, pagbukas ng 2013, ‘tapos na.


“Tama na. Parang masyado nang bantilawan ang isyu.


“Nakakatawa na nga, e, palagi na lang gano’n yung napag-uusapan.”

WORKING WITH ATE GUY AND ATE VI. Samantala, nilinaw ni Judy Ann ang balitang mas gusto niyang makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor kaysa sa Star For All Seasons na si Vilma Santos.

“In all fairness, ang sinabi ko, gusto kong makasama ulit si Ate Guy at gusto kong makagawa ng pelikula with Ate Vi,” agad na depensa ni Judy Ann sa sarili.

Paliwanag pa niya, “Sino naman ako para sabihin na hindi ko gustong makatrabaho si Vilma Santos? Ang choosy ko naman, di ba?”


Bagamat kilala na sa industriya, itinuturing pa rin ni Judy Ann na isang karangalan ang makatrabaho ang dalawang batikang aktres.
Aniya, “Hindi ba, para sa isang artista na kagaya ko, napakalaking bagay para sa akin yung makasama ko ang isang Vilma Santos at isang Nora Aunor.
“Hindi ko naman sinabing sa isang pelikula.
“Pero, di ba, ‘yon ang kukumpleto sa pagiging isang artista mo, e—yung makatrabaho mo sila.
“Magkaka-texture nang bonggang-bongga yung resume mo!”
Dagdag pa ni Judy Ann, “Sila yung mga pioneers sa industriya. Sila yung gusto mong kumumpleto sa papel mo bilang artista.
“Kung mabigyan ako ng pagkakataon na makasama sila sa trabaho, sino ako para tumanggi?
"Nakakaloka naman!”
Sa huli, muli niyang nilinaw: “Gusto kong makatrabaho si Ms. Vilma Santos at Ate Guy.”

Judy Ann Santos takes time off from taping next teleserye to host MasterChef

“Siyempre, sa teleserye ako nakilala, ayaw ko namang mag-suffer yung performance ko sa teleserye. Ganun din dito sa pagho-host kasi bagong pasok lang ako dito, tapos babarubalin ko na," explains Judy Ann Santos-Agoncillo about doing MasterChef Pinoy Edition first before her teleseryeAgainst All Odds.

Aminado ang aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo na na-miss niya ang paghu-host matapos ang weekly cooking show niya noon na Junior MasterChef.

Kaya naman natuwa raw siya nang malamang magkakaroon din ng Pinoy edition ang orihinal na MasterChefat siya pa rin ang napiling host nito.

“After Junior MasterChef, hinahanap mo rin yung susunod na hosting stint mo, bilang baguhan ka rin sa field na ‘to,” sabi ni Judy Ann nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media sa press conference ngMaster Chef kaninang tanghali, November 8.

Sa programang ito, mas matatanda na ang magiging kalahok, dahilan kung bakit kinakabahan si Judy Ann sa pagbabalik niya bilang host.

“Ito kasi, ibang take all in all,” ani Judy Ann.

“Sa Junior MasterChef kasi, parang nice ka.

"Ito, kailangan mo ng kaunti ang slightly pagiging impakta side mo para medyo matakot.

“Basta, iba dito.

"Excited ako, happy ako, pero kinakabahan pa rin.

“Kasi siyempre, makikita nga ng ibang tao yung ibang side ko when it comes to giving comments and tasting.

“Yung overall impact ng isang host, iba ‘to, e.”

Katulad ng sinabi niya sa kanyang unang hosting job, umaasa si Judy Ann na magugustuhan pa rin ng mga manonood ang anumang maipapapkita niya sa bagong programa.

“Iba ito kaysa sa Junior MasterChef, so hindi ko alam kung how they will take it, di ba?

“Pero I’m keeping my fingers crossed na mag-enjoy sila.

“Maliban sa pagpansin sa trabaho ko, sana ma-enjoy nila ang buong show kung gaano nag-e-enjoy ang mga contestants dito sa Master Chef.”

Sa Master Chef, tiniyak ni Judy Ann na makikita siya ng mga manonood na "mas magiging prangka, mas magiging istrikto."


Dagdag niya, “At saka mas maraming information yung makukuha ng mga tao habang pinapanood nila itongMasterChef.”

Ang MasterChef Pinoy Edition ay mapapanood araw-araw, bago ang Be Careful With My Heart, sa ABS-CBN, simula sa November 12.

TELESERYE WAS MOVED. Dahil sa muli niyang pagho-host ng MasterChef, naurong naman ang airing ng bago sanang teleserye ni Judy Ann sa ABS-CBN, angAgainst All Odds.

Nami-miss na rin daw ng aktres ang gumawa ng isang teleserye, pero ayaw niyang makumpromiso ang kanyang trabaho bilang artista kung isasabay ito sa paghu-host ng cooking reality show.

Ito ang dahilan kaya nahinto muna ang paggawa ng teleserye kasama sina KC Concepcion, Sam Milby, at Jericho Rosales.

Kuwento ni Judy Ann, “In-explain ko na rin naman sa kanila, kung ipapagawa n’yo sa akin yung MasterChef, hindi ko kayang pagsabayin ang MasterChef at teleserye at the same time, kasi paniguradong may magsa-suffer.

“Ayaw ko naman ng ganun.

“Siyempre, sa teleserye ako nakilala, ayaw ko namang mag-suffer yung performance ko sa teleserye.

“Ganun din dito sa paghu-host kasi bagong pasok lang ako dito, ‘tapos babarubalin ko na.

“So, naiintindihan naman nila.

“Kaya nga sabi ko, kung magma-MasterChef tayo, mag-stop muna tayo.

“We will resume next year.”

Paniniguro pa ni Judy Ann, “Tuloy pa rin.

“Wala namang nabago, wala namang natanggal, and wala rin namang nabawas.

“Nagdagdag kami, si Jericho [Rosales], pero tuloy pa rin siya, definitely.”

Monday, October 8, 2012

Judy Ann Santos teleserye airing reset for next year!

http://whynotcoconut.com/2012/10/08/judy-ann-santos-teleserye-airing-reset-for-next-year/

It was announced by ABS-CBN that the teleserye Againsy All Odds which stars Judy Ann Santos will be shown this month, but they management decided on the last minute to air the teleserye early next year!



But no worries, Judy Ann will still be seen as she is set to return to her hosting duties for the adult edition of the cooking competition, “MasterChef Pinoy Edition”, we won’t miss her that much.

Juday said she appreciate the management not to rush the show:

“Ako rin naman, ‘yung opinyon ko din naman, ayaw ko din naman mag-tape ng for airing kasi hindi mo maseseryoso ‘yung trabaho kasi lagi kang ngarag sa pag-arte, tapos hindi ka puwede mag-take two, mag-take three kasi for airing nga siya.”

“Ayaw ko kasi ‘yung wala akong choice. Hindi naman ako sa nagmamaldita no, pero ang tagal ko kasing hindi umarte sa telebisyon kaya gusto ko kapag lumabas ‘yung soap na ginagawa namin, ‘yung dekalidad ‘yung ipapakita namin para worth naman ‘yung paghihintay ng mga tao,” she explained.

“Mas gusto ko na binigyan nila ako ng time manamnam itong teleserye na ito. At saka ibang iba kasi ‘yung istorya, ibang-iba ‘yung character, at saka very physically demanding din siya. Ang daming paghahandang gagawin. Ayaw ko naman na ilabas siyang half-baked kasi hindi siya napagtuunan ng pansin dahil hinahabol mo yung airtime mo so okay na rin ako.”

Against All Odds also stars Sam Milby and KC Concepcion.